13/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐-๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Mula nang maupo sa puwesto si Assistant Secretary Markus V. Lacanilao noong Oktubre 2025, mas pinaigting ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa isang ligtas na kalsada.
Batay sa datos na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID), mula Oktubre 2025 hanggang Hunyo 10, 2026, 434 revocation at 396 suspension cases ang naitala kaugnay ng ibaโt ibang paglabag sa batas-trapiko at regulasyon sa pagmamaneho.
Nahahati sa mga sumusunod ang kabuuang bilang ng lisensyang na-revoked (434):
325 โ dalawang (2) taong revocation
15 โ apat (4) na taong revocation
94 โ permanenteng revocation
Samantala, nahahati sa mga sumusunod ang kabuuang bilang ng lisensya na sinuspinde (396):
23 โ isang (1) buwang suspensyon
290 โ tatlong (3) buwang suspensyon
7 โ anim (6) na buwang suspensyon
1 โ pitong (7) buwang suspensyon
75 โ isang (1) taong suspensyon
Ayon kay Assistant Secretary Lacanilao, ang mga datos na ito ay sumasalamin sa mas mahigpit na kampanya ng LTO laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko bilang bahagi ng pangkalahatang layunin na mapalakas ang disiplina sa kalsada at maiwasan ang mga aksidente.
"Bahagi ng aming tungkulin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na batas-trapiko, at isa lamang ito sa mga konkretong tagumpay ng LTO. Patuloy ang aming pagpapalakas ng disiplina sa kalsada at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko,โ ani Lacanilao.
Dagdag pa niya, ang pinaigting na enforcement ay kabilang sa 7-Point Priority Agenda ng ahensya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isulong ang road safety, at disiplina sa lahat ng motorista.
Sa huli, ito ay patunay na patuloy na ginagawa ng ahensya ang mga hakbang upang matiyak na ang publiko ay mananatiling responsableng mga driver at mahigpit na susunod sa mga umiiral na batas-trapiko upang mapanatili ang kaligtasan sa lansangan.