22/01/2026
๐๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐๐ | ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐ฑ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐๐ - ๐
๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐ง๐ญ ๐ฌ๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ง๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ซ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐ข๐ฌ๐ค ๐๐๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ฌ (๐๐๐๐๐๐๐๐ฌ) ๐๐จ๐ซ ๐๐ ๐๐๐๐
Pormal na tinanggap ng Bayan ng Paluan ang isang pambansang pagkilala na iginagawad sa mga lokal na pamahalaang may natatanging programa at mahusay na pagpapatupad ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).
Ang parangal ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Paluan sa pagpapatibay ng kahandaan laban sa mga kalamidad at sakuna. Ipinamalas ng bayan ang maayos na pagpaplano, maagap na pagtugon, at aktibong partisipasyon ng komunidad sa mga programang pangkaligtasan, lalo na sa larangan ng disaster preparedness, response, at resilience.
Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Punongbayan, Michael "Adobo" Diaz, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ng ating Acting Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, Albert A. Dimaano, patuloy na isinusulong ang mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat Paluanon. Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang mga programa at inisyatiba para sa isang ligtas at handang bayan.