25/08/2026
Inaanyayahan ng Opisina ang lahat ng magsasaka at mangingisda sa ating bayan na dumalo at makiisa sa KADIWA ng Pangulo
π
September 14, 2026
π LGU Municipal Ground
Suportahan natin ang lokal! π΅π
ππ
Sariwang ani ng Project BINHI, itinampok sa Kadiwa sa Echague, Isabela
PROJECT LAB UPDATES | Mula sa kanilang sariling taniman, dinala ng mga partner-beneficiaries ng Project BINHI mula sa Brgy. San Manuel at Villa Rey, Echague, Isabela ang kanilang sariwang ani sa isinagawang Kadiwa ng Pangulo ng Department of Agriculture.
Sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) ng Echague, naibenta ng mga benepisyaryo ang mga gulay mula sa kanilang Project BINHI, kabilang ang talong, okra, sitaw, upo, kangkong, patola, talbos ng kamote at dahon ng saluyot.
Naging pagkakataon din ang aktibidad upang maipakita ang bunga ng kanilang pagsisikap sa pagpapatupad ng Project BINHI at makatulong sa pagpapalakas ng food production sa komunidad.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay programa ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naglalayong magbigay ng abot-kayang pagkain sa mga mamamayan at makatulong sa mga lokal na magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyo na direktang maibenta ang kanilang mga produkto.
Para sa mga benepisyaryo, ang bawat gulay na kanilang naibenta ay bunga ng kanilang sama-samang pagsisikap na mapanatili at mapalago ang Project BINHI.