02/09/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐: ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐, ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ ๐๐ฌ๐จ๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ง๐
Sa kabila ng matinding banta ng pagbabago ng klima sa sektor ng agrikultura, isang maliwanag na pag-asa ang sumilay para sa mga magsasaka at pamilya sa bayan ng Pamplona. Pormal nang isinagawa ang Ceremonial Turnover ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nurturing Harvest for Inclusivity), isang inisyatibo ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) na naglalayong magbigay ng solusyon sa patubig at seguridad sa pagkain.
Idinaos ang makasaysayang seremonya sa Barangay Casitan, sa pamumuno ni Barangay Captain Rose Marie Pagarigan. Naging saksi ang buong komunidad sa pagtanggap ng pitong (7) asosasyon mula sa mga barangay ng Casitan, Cabaggan, Capalalian, Masi, Tabba, Curva, at Abbangkeruan sa mga proyektong magpapatatag sa kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng Cash-for-Work at Cash-for-Training programs.
Personal na pinangunahan ni DSWD Field Office 2 Regional Director Lucia Suyu-Alan ang pagturn-over ng proyekto sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Municipal Mayor Hon. Digna Puzon Antonio. Kasama ni RD Suyu-Alan ang kanyang kinatawan mula sa ORD na sina Regional Executive Assistant Stanley Donato at Administrative Officer III Cleopatra Remudaro. Dumalo rin ang buong kapisanan ng Disaster Response Management Division (DRMD) sa pangunguna ni OIC Division Chief Mylene E. Attaban, Section Head Virginia Magno ng Disaster Response Information and Management Section (DRIMS), Information Officer II Maria Lourdes Martin, Project Development Officers II at I na sina Napoleon Bautista at Mary Joyce Villanueva, at Administrative Assistant III Paula Bautista.
Naging katuwang din sa okasyon ang iba't ibang pambansang ahensya upang ipakitang buo ang suporta ng pamahalaan sa agrikultura at pangingisda. Dumalo si Mr. Clifford Paraggua bilang kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at si Mr. Mienald A. Alas mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg). Sa panig naman ng lokal na pamahalaan, naging katuwang ni Mayor Puzon-Antonio sina Municipal Social Welfare and Development Officer Madelyne M. Cadaoas, RSW, at Municipal Agricultural Officer Engr. Maxon A. Panaga.
Sa talumpati ni Regional Director Suyu-Alan, binigyang-diin niya na ang tunay na tagumpay ng Project LAWA at BINHI ay nakasalalay sa pagtutulungan ng bawat isa. Aniya, ang mga pasilidad at pagsasanay na ito ay simula pa lamang ng mas matatag na komunidad laban sa kalamidad.
Buong-puso namang tinanggap ni Mayor Digna Puzon-Antonio ang proyekto ngunit nag-iwan ng isang mahalagang hamon sa mga benepisyaryo. Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng sustainability o ang tuloy-tuloy na pag-aalaga sa proyekto upang hindi ito maging panandalian lamang.
"๐ด๐๐ ๐ก๐ข๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐ ๐ท๐๐๐ท ๐๐ฆ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐, ๐๐๐ข๐๐๐ก ๐๐๐ ๐ก๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ ๐ก๐๐๐ข๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ก๐ ๐๐ฆ ๐๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฆ. ๐ป๐ข๐ค๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐ โ๐๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ -๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐๐ค๐๐ก ๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ-๐๐๐๐๐๐๐๐ขโ๐๐ฆ๐๐ โ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐๐ค, ๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ ๐ข๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐๐๐ โ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐" paalala ni Mayor Puzon-Antonio.
Nangako rin ang alkalde na patuloy na aalalayan ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng MSWDO at MAO kasama ang mga kapitan ng pitong barangay, ang mga asosasyon upang matiyak na mananatiling kapaki-pakinabang ang Project LAWA at BINHI sa buong bayan ng Pamplona.
"Let's make PAMPLONA a Beautiful Place to Live."