Tayug Municipal Government

Tayug Municipal Government Welcome to the official page of the Local Government Unit (LGU) of Tayug, Pangasinan! In 1837, Tayug was ceded to the Province of Pangasinan.
(1)

Here, you'll find the latest news, updates, and information about our beloved municipality. ๐Ÿ’– Tayug was first organized as a municipality in the Province of Nueva Ecija on February 4, 1817. In 1851, it was once again incorporated with the Province of Nueva Ecija. Not until 1864 was Tayug again made a part of Pangasinan. The town of Tayug got its name from a very tall tree that once grew in the hea

rt of the town. The Bacayao tree was so tall that in Ilocano they call it โ€œLayugโ€. Due to the difficulty of the people to pronounce the letter โ€œLโ€, they changed it to the letter โ€œTโ€ by common usage. Hence, the name TAYUG came about.

๐Ÿ“ข Project Update | Water Supply Pipe Laying | Brgy. TrencheraSilipin ang kasalukuyang pagsasagawa ng Water Supply Pipe L...
03/09/2026

๐Ÿ“ข Project Update | Water Supply Pipe Laying | Brgy. Trenchera

Silipin ang kasalukuyang pagsasagawa ng Water Supply Pipe Laying Project sa Brgy. Trenchera, na naglalayong mapabuti at mapalawak ang access sa maayos at maaasahang suplay ng tubig para sa ating mga residente.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng LGU Tayug, sa pangunguna nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias, upang maisulong ang mga proyektong tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng ating komunidad at nakatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng bawat Tayugenian.

Patuloy ang ating pagkakaisa tungo sa mas maunlad, mas ligtas, at mas maayos na Tayug para sa lahat.

๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜: ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ผ๐—พ๐˜‚๐—ฒ ๐——๐—ฎ๐—บAyon sa NAPOCOR โ€“ San Roque Dam Management, hindi inaasaha...
02/09/2026

๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜: ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ผ๐—พ๐˜‚๐—ฒ ๐——๐—ฎ๐—บ

Ayon sa NAPOCOR โ€“ San Roque Dam Management, hindi inaasahang magdulot ng pagbaha sa mga bayang dinadaanan ng Agno River, kabilang ang Bayan ng Tayug, ang kasalukuyang pagpapakawala ng tubig.

Sa kasalukuyan, normal pa rin ang lebel ng tubig sa Agno River batay sa patuloy na monitoring ng Lokal na Pamahalaan ng Tayug at Tayug MDRRMO.

Patuloy din ang pagbabantay sa nasirang bahagi ng d**e sa Purok 5, Barangay Legaspi, upang agad na maaksyunan sakaling tumaas ang lebel ng tubig o magbago ang sitwasyon.

Gayunman, huwag maging kampante. Pinapayuhan ang lahat ng residente, lalo na ang mga malapit sa Agno River, na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

๐Ÿญ๐Ÿฒ๐—ง๐—› ๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—™๐—˜๐—˜๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  (๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก)Muling isinagawa ang Unang Distribution ng 16th Cycle Suppleme...
02/09/2026

๐Ÿญ๐Ÿฒ๐—ง๐—› ๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ ๐—™๐—˜๐—˜๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  (๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก)

Muling isinagawa ang Unang Distribution ng 16th Cycle Supplemental Feeding Program ngayong taon para sa mga Child Development Centers sa Bayan ng Tayug.

Sa pangunguna nina Mayor Tyrone D. Agabas at Vice Mayor Lorna L. Primicias, muling naipamahagi ang mga masusustansyang pagkain para sa mga batang mag-aaral ng Child Development Centers, hatid ng DSWD Regional Office, na dinaluhan nina Richelle Ann S. Biado (PDO II) at Maria Jamie Loi H. Laguipo (PDO I).

Nagbigay rin ng kanilang suporta sa programa sina Councilor Samuel N. Manzano, Councilor Charisma Chan, at Councilor Maritess Adloc.

Lubos din ang pasasalamat sa ating mga Child Development Workers (CDWs) sa kanilang patuloy na paggabay, pag-aalaga, at pagtuturo sa mga bata ng kahalagahan ng pagkain ng masusustansyang pagkain. Malaki ang kanilang ambag sa paghubog ng malusog at masiglang henerasyon ng mga batang Tayugenian.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Tayug sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa kalusugan, nutrisyon, at kinabukasan ng bawat bata.

โš ๏ธ MULING PAALALA SA MGA BARANGAY NA MAAARING MAAPEKTUHAN NG SAN ROQUE DAM WATER RELEASE NGAYONG ARAW | 8:00 AMInaasahan...
01/09/2026

โš ๏ธ MULING PAALALA SA MGA BARANGAY NA MAAARING MAAPEKTUHAN NG SAN ROQUE DAM WATER RELEASE NGAYONG ARAW | 8:00 AM

Inaasahang maaaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque Dam ang mga residente at lugar na malapit sa mga ilog at sapa lalo na sa mga sumusunod na barangay:

๐Ÿ“ BARANGAY AGNO
๐Ÿ“ BARANGAY AMISTAD
๐Ÿ“ BARANGAY MAGALLANES
๐Ÿ“ BARANGAY BARANGOBONG
๐Ÿ“ BARANGAY LEGASPI

๐Ÿšจ MAGING ALERT0 AT HANDA!

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling mapagmatyag, subaybayan ang mga opisyal na abiso, at agad na sumunod sa mga tagubilin ng mga awtoridad kung kinakailangan.

LIGTAS NA PAMAYANAN, RESPONSABLENG MAMAMAYAN.

Pruning Operation in Barangay AmistadIsinagawa ang pruning operation upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng atin...
01/09/2026

Pruning Operation in Barangay Amistad

Isinagawa ang pruning operation upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating kapaligiran. ๐ŸŒณ

๐Ÿ“ข ABISO SA PUBLIKOAyon sa abisong inilabas ng mga kinauukulang ahensya, magbubukas ang San Roque Dam ng dalawang (2) gat...
01/09/2026

๐Ÿ“ข ABISO SA PUBLIKO

Ayon sa abisong inilabas ng mga kinauukulang ahensya, magbubukas ang San Roque Dam ng dalawang (2) gate bukas, Setyembre 2, 2026, ganap na 8:00 ng umaga, at magpapakawala ng tubig na may taas na 2 metro, na katumbas ng humigit-kumulang 300 cubic meters per second (cms) na daloy ng tubig.

Ang hakbang na ito ay isang precautionary measure upang mapangasiwaan ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa San Roque Dam at mapanatili ang ligtas na operasyon nito.

๐Ÿ“Š Kasalukuyang Datos ng San Roque Dam
โ€ข Current Level: 283.68 masl
โ€ข Inflow: 714 cms
โ€ข Outflow: 270 cms
โ€ข LLO Discharge: 127.88 cms

โš ๏ธ Paalala sa mga residente ng Tayug na nakatira sa mga ilog at sapa, lalo na sa Barangay Legaspi, Amistad, Agno, Magallanes at Barangobong na malapit sa Agno River.

Ang Barangay Legaspi dito sa ating bayan ay kasalukuyan nang nasa kritikal na sitwasyon dahil sa nasirang d**e sa gilid ng Ilog Ambayaoan, at ang nakatakdang pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque Dam ay maaring magdala o dulot ng panganib sa lugar dahil sa tinatawag na "backwater effect" o pag-atras ng tubig.

Kung kayaโ€™t patuloy na magmonitor sa lagay ng panahon at mga opisyal na anunsyo mula sa lokal na pamahalaan. Bagama't hindi agad nangangahulugan ng pagbaha ang pagbubukas ng gate ng dam, mahalagang manatiling alerto at handa sakaling magkaroon ng pagbabago sa kondisyon ng mga daluyan ng tubig.

๐Ÿ“ฑ Manatiling nakaantabay sa opisyal na page ng Tayug Municipal Government para sa mga susunod na update at advisories.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Kailyans!

๐Ÿ“ข ๐Œ๐€๐˜ ๐๐€๐’๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐€๐๐“๐€๐’ ๐๐† ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐€๐†๐„๐๐‚๐ˆ๐„๐’ ๐๐”๐Š๐€๐’, ๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐Œ๐€๐‘๐“๐„๐’)Batay sa kasalukuy...
31/08/2026

๐Ÿ“ข ๐Œ๐€๐˜ ๐๐€๐’๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐€๐๐“๐€๐’ ๐๐† ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐€๐†๐„๐๐‚๐ˆ๐„๐’ ๐๐”๐Š๐€๐’, ๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐Œ๐€๐‘๐“๐„๐’)

Batay sa kasalukuyang lagay ng panahon, sa rekomendasyon ng mga School Heads at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), magpapatuloy na ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan bukas, Setyembre 1, 2026.

Ayon sa Weather Advisory No. 36 ng DOST-PAGASA, ang ating lugar ay nasa Yellow Rainfall Warning Level, at batay sa naging obserbasyon sa mga nakaraang araw ay hindi naman nakaranas ng matitinding pag-ulan na magdudulot ng malaking panganib sa pagpasok ng mga mag-aaral at kawani.

Gayunpaman, ang anunsyong ito ay maaaring magbago anumang oras depende sa magiging sitwasyon ng panahon at mga susunod na abiso ng DOST-PAGASA at MDRRMO. Hinihikayat ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Tayug.

โ˜” Paalala sa lahat ng mag-aaral, g**o, kawani, at mga magulang: Magdala ng payong, kapote, o anumang panangga sa ulan at mag-ingat sa paglalakbay patungo sa paaralan at trabaho. Unahin pa rin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.

Stay Safe, Kailyans! ๐Ÿ’™โค๏ธ

๐Ÿšจ SITUATION UPDATE | AS OF 8:00 AM๐Ÿ“ PUROK 7, BARANGAY LEGASPI, TAYUG, PANGASINANPatuloy pa ring rumaragasa ang malaking ...
31/08/2026

๐Ÿšจ SITUATION UPDATE | AS OF 8:00 AM
๐Ÿ“ PUROK 7, BARANGAY LEGASPI, TAYUG, PANGASINAN

Patuloy pa ring rumaragasa ang malaking volume ng tubig mula sa Ambayaoan River sa bahagi ng sirang d**e sa Purok 7. Dahil sa tuloy-tuloy na lakas ng agos, nananatiling mataas ang panganib sa lugar at mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Sa kasalukuyan, wala pang direktang epekto sa mga kabahayan, subalit nananatiling mataas ang panganib lalo na kung magpapatuloy ang pag-ulan at muling tataas ang water level sa ilog. Posibleng magdulot ito ng pag-apaw ng tubig patungo sa mga kalupaan at mga kalapit na komunidad.

โš ๏ธ Muli, mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat ng residente, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog at d**e, na lumikas na habang hindi pa lumalala ang sitwasyon. Huwag nang hintaying magkaroon ng pagbaha bago kumilos.

๐Ÿšซ Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpunta o pananatili sa lugar ng sirang d**e, lalo na ng mga bata, upang maiwasan ang anumang aksidente o disgrasya na maaaring idulot ng malakas na agos at hindi matatag na kondisyon ng lugar.

Patuloy na nakaantabay at nagsasagawa ng monitoring ang Lokal na Pamahalaan ng Tayug, Tayug MDRRMO, Barangay Council, at mga volunteers upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Manatiling alerto. Sumunod sa mga abiso ng mga kinauukulan. Unahin ang kaligtasan.

๐Ÿšจ SITUATION UPDATE | AS OF 6:00 AM๐Ÿ“ PUROK 7, BARANGAY LEGASPI, TAYUG, PANGASINANBahagyang bumaba ang taas ng tubig, suba...
30/08/2026

๐Ÿšจ SITUATION UPDATE | AS OF 6:00 AM

๐Ÿ“ PUROK 7, BARANGAY LEGASPI, TAYUG, PANGASINAN

Bahagyang bumaba ang taas ng tubig, subalit nananatiling kritikal ang sitwasyon dahil sa malakas na agos at malaking volume ng tubig sa ilog.

Tuluyan nang nasira ang bahagi ng d**e, pati na rin ang ilan sa mga suportang isinagawa kamakailan, kabilang ang sandbagging, dahil sa patuloy na lakas ng agos at pressure ng tubig.

Sa kasalukuyan, hindi pa direktang naaapektuhan ang mga residente, ngunit nananatiling mataas ang panganib. Inaasahang kapag lumakas pa ang pag-ulan at patuloy na tumaas ang water level, maaaring umapaw ang tubig patungo sa mga kalupaan at magdulot ng pagbaha sa mga kalapit na lugar at komunidad.

โš ๏ธ Muli, mahigpit na pinapaalalahanan ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog na lumikas muna at mag-evacuate habang may sapat pang oras. Huwag nang hintaying pumasok ang tubig sa inyong mga tahanan bago kumilos.

Patuloy na nakamonitor at nakaantabay ang Lokal na Pamahalaan ng Tayug, Tayug MDRRMO, Barangay Council, at mga volunteers sa sitwasyon at nakahandang tumugon kung kinakailangan.

Manatiling alerto. Unahin ang kaligtasan. Huwag isugal ang buhay at ari-arian.

Address

Tayug
Pangasinan
2445

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tayug Municipal Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tayug Municipal Government:

Shortcuts

Share