02/06/2025
๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2025 โ 2026, isasagawa ang Brigada Eskwela sa darating na Hunyo 9 โ 13, 2025.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, partners/stakeholders, barangay at SK officials at iba pang miyembro ng komunidad na makiisa sa gawaing ito upang mapaghandaan ang pagbabalik eskwela ng ating mga mag-aaral.
๐ Ano ang kailangan?
Mga kagamitan para sa paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng mga silid-aralan at pasilidad ng paaralan.
๐ค Paano tumulong?
Lubos po naming ipagpapasalamat ang mga nais mag-volunteer! Maaaring makipag-ugnayan agad sa aming opisina o mag-iwan ng mensahe sa aming FB page upang maayos natin ang inyong schedule ng pakikiisa sa buong linggo ng Brigada Eskwela 2025.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit para sa ating paaralan at mga mag-aaral.
Sama-sama nating ihanda ang ligtas, maayos, at masiglang pagbabalik-eskwela!
๐๐๐ง๐ ๐ฃ๐! ๐๐๐๐๐ง๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐!