KAP MARJ Galvez

KAP MARJ Galvez Public servant since 2018 �

National Women’s Month Celebration | Pamahalaang Barangay ng Balian | 28 Marso 2026"Lead like the Babaylans: Lakas, Karu...
29/03/2026

National Women’s Month Celebration | Pamahalaang Barangay ng Balian | 28 Marso 2026

"Lead like the Babaylans: Lakas, Karunungan, at Pagmamalasakit"

Sa buwan ng kababaihan, ating alalahanin at hangaan ang pamana ng mga Babaylan—mga lider na may tapang, may malalim na karunungan, at may pusong handang maglingkod.

Tulad nila, ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa taas ng posisyon, kundi sa kakayahang magbigay-gabay, magpagaling, at magbigay-boses sa mga walang tinig. Sila ay simbolo ng katatagan na nakatayo sa sariling paa, iginagalang at sinusunod dahil sa kanilang integridad at malasakit sa komunidad.

Kaya sa pagdiriwang na ito, hamon sa bawat isa: Mamuno nang may dangal, mamuno nang may malasakit, at Lead like the Babaylans!
Mabuhay ang kababaihan!

Kahapon March 24, 2025 , Ay nagkaroon ng maikling pag-uusap sa tahanan ni Ma’am Rose Icarangal Davies  kaugnay sa pagsas...
25/03/2026

Kahapon March 24, 2025 ,
Ay nagkaroon ng maikling pag-uusap sa tahanan ni Ma’am Rose Icarangal Davies kaugnay sa pagsasakatuparan ng barangay resolusyon na iniakda ng inyong lingkod, Kapitana Marjorie R. Galvez.
* Ito ay nagbibigay ng pagkilala kay Ma’am Cristina B. Icarangal, na mas kilala ng marami bilang “mami,” bilang indibidwal na nasa likod ng pagkakatatag ng Balian Tricomplex—na kinabibilangan ng mga paaralang VOGMES, Balian INHS, at BCC.

Ilan sa mga mahahalagang napag-usapan ay ang mga sumusunod:

1. Si Ma’am Rose Icarangal Davies at ang kanyang pamilya ay magbibigay ng isang (1) medalya para sa mag-aaral na makapagtatamo ng pinakamataas na marka sa bawat paaralan—VOGMES, Balian INHS, at BCC—tuwing year-end rites. Ang parangal na ito ay tatawaging “Cristina B. Icarangal Academic Awardee.”

2. Ang Comite de Festejo 2025, sa pangunguna ni Ma’am Rose Icarangal Davies, ay magkakaloob ng proyektong Free Flow na nagkakahalaga ng isang daang libong piso (Php 100,000.00) .
Ang proyektong ito ay hiningi Ng inyong lingkod upang makatulong sa ating Komunidad at Paaralan bilang karagdagang mapagkukunan ng tubig ng Barangay Balian.(Ang nasabing free-flow ay itatayo sa BINHS na ikokonekta din sa linya Ng Tubig Ng Balian)

3. Upang matugunan ang kakulangan sa handwashing area sa Paaralang Balian INHS bunsod ng lumalaking bilang ng mga mag-aaral, makikipag-ugnayan sa mga stakeholders at sa samahang Balian USA upang maisakatuparan ang pagpapatayo nito.

4. Upang maging ganap na opisyal ito ay gagawaan ng MOA ng Sangguniang Barangay at pipirma sa isang deed of donation sa paraalang Balian INHS.

Naging bahagi ng plano si Kagawad Alexis Salamatin na may hawak ng kometiba ng edukasyon at si Teacher James Pasco bilang kinatawan ng SPTA at paaralang Balian INHS.

Maraming salamat po, Ma’am Rose Icarangal Davies at sa inyong pamilya, sa patuloy na malaking ambag at suporta sa paaralan at sa buong Barangay Balian.

Patuloy pa din po ang pagdinig natin ng usaping "Restoration of Creek"  at sa kabutihang palad ay Nagkasundo sundo naman...
16/03/2026

Patuloy pa din po ang pagdinig natin ng usaping "Restoration of Creek" at sa kabutihang palad ay Nagkasundo sundo naman na din po ang mga apektadong residente or me ari Ng lupa na nasa paligid Ng Creek.

"Walang Problemang Hindi nalulutas kapag dinadaan sa mabuting usapan."

📢 ATTENTION: SATELLITE VOTER REGISTRATIONMagparehistro na! ✍️🗳️The Commission on Elections (COMELEC) Pangil, Laguna will...
05/03/2026

📢 ATTENTION: SATELLITE VOTER REGISTRATION
Magparehistro na! ✍️🗳️

The Commission on Elections (COMELEC) Pangil, Laguna will be conducting a Satellite Voter Registration at San Isidro Chapel, Balian, Pangil, Laguna

📍 Satellite Voter Registration Details:
Where: San Isidro Chapel, Balian, Pangil, Laguna
When: March 13, 2026 (Friday)
Time: 9:00 AM – 4:00 PM
🙋 Who can register?
Applicants who will turn 15 years old and above on or before November 2, 2026.
Other qualified applicants (New registrants, transfer of registration, etc.).

📝 What to bring:
Original and photocopy of a valid ID (School ID, Birth Certificate, or any government-issued ID) with address where you intend to register.

Don't wait until the last minute! Encourage your friends and family to come and register. See you there!

*Content is AI-generated

📢 PAHAYAG NG PAGTALIMA SA DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2026-006 (ANTI-EPAL) ,PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BALIAN...
09/02/2026

📢 PAHAYAG NG PAGTALIMA SA DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2026-006 (ANTI-EPAL) ,PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BALIAN
Sa pangunguna po Ng inyong lingkod kasama ang bumubuo ng Sangguniang Barangay Ng Balian, ang Barangay Balian ay mahigpit na tumatalima sa DILG Memorandum Circular No. 2026-006 (Anti-Epal Policy).
- Isa sa mga hakbang ang pagbabago at pag-aayos ng mga opisyal na dokumento ng barangay, tulad ng Barangay Clearance, Barangay Residency, Certificate of Indigency at iba pang kaugnay na papeles, upang matiyak na walang pangalan, larawan, inisyal, slogan, o anumang simbolo ng sinumang opisyal ang makalagay sa mga materyales na pinondohan ng pondo ng bayan.
✅ Ang hakbang na ito ay patunay ng aming paninindigan sa transparency, good governance, at tapat na paglilingkod, kung saan ang serbisyo publiko ay para sa mamamayan at hindi para sa pansariling pagpapakilala.

Unang Gabi ng pagsisindi ng mga bagong St. Lights sa Candelaria, Hatid sa inyo Ng Sangguniang Barangay Ng Balian . Diyan...
05/02/2026

Unang Gabi ng pagsisindi ng mga bagong St. Lights sa Candelaria, Hatid sa inyo Ng Sangguniang Barangay Ng Balian . Diyan po namin dinadala ang buwis na nanggagaling sa bawat isa, sa mga makabuluhang proyekto 🤗🤗🤗.Maraming salamat po sa lahat Ng tax prayer 🙏🙏🙏🙏. Umasa po kayo na ito ay aming iniingatan at ibabalik sa pamamagitan Ng mga proyektong makakapagpapa - angat sa ating Barangay☺️☺️☺️.

P.S.
Maraming salamat po sa mga may ari Ng Bahay na natapatan ng St. lights at pumayag po Silang magpahukay at malagyan Ng poste Ng St. Lights. 🤗🤗🤗

Dumalo po ang inyong lingkod kahapon (Jan.03, 2025) sa patawag ng municipal SB (Komite Meeting Ng Finance)At dito napag ...
03/02/2026

Dumalo po ang inyong lingkod kahapon (Jan.03, 2025) sa patawag ng municipal SB (Komite Meeting Ng Finance)

At dito napag alaman namin ang tunay na status ng aking ginawan ng resolusyon noong nakaraang taon( Sept.19,2025) na Re-alignment of appropriated funds for construction of multi-purpose hall(child development center) at Sitio San Isidro Barangay Balian Pangil Laguna the Share of Barangay Balian LGU With development fund of the municipal LGU of Pangil Laguna involving the Amount of two million pesos( 2,000,000.00) Worth of project to the Phase 2 Construction of farm-to-market road in Sitio Pinak Barangay Balian Pangil Laguna.

Kanina lamang ay kanilang pinagtibay na pwede nang iliwat ang pondo sa naturang proyekto na matagal Ng hinihiling Ng ating mga Ka-Barangay sa Sitio Upper Pinak. (Next procedure Bidding soon)🙏🙏🙏🙏.

credit to Sangguniang Bayan Ng Pangil FB Page.

11/01/2026

Magandang Gabi po sa lahat!!

Narito po ang BAGONG SCHEDULE ng PAGLALABAS ng BASURA KADA KALYE or STREET😊(Paki-sabihan din po ang ating mga kalapit Bahay)

PABATID:
ARAW AT LUGAR NG KOLEKTA NG BASURA PARA SA TAONG ITO 2026

1. LINGGO - Nalagan Road
2. LUNES - Candelaria Street
3. MARTES - San Marcos St. at Palacio St.
4. MIYERKULES - Palacio Extension
5. HUWEBES - Highway (Looban)
6. Biyernes -
7. Sabado - St. Mark Homes,La Junta ,Sitio Maputik at GK

PAALALA LAMANG PO MGA KABARANGAY

1. Paghiwa-hiwalayin (segregate) ang mga basura ayon sa klasipikasyon : NABUBULOK, DI-NABUBULOK at NARERESIKLO
*NO SEGREGATION , NO COLLECTION POLICY"

2. Ilabas ang mga basura sa takdang oras at araw (start ng 6:30AM)

Section 4 ,Kautusang Barangay Blg. 01, Taon 2020

P.S.
Ang ikagaganda Ng Brgy. Ay nasa pagtutulungan Ng Komunidad 🙏🙏🙏 at Ng Sangguniang Barangay Ng Balian. Kaya hinihikayat po ang lahat na maki-isa😃, Maraming salamat po!!

🎉🎉🎉 MALIGAYANG PAGBATI! 🥳🥳🥳 Lubos na ipinagdiriwang ng lahat, lalo na ng mga taga-Brgy Balian, Pangil, Laguna, ang napak...
05/01/2026

🎉🎉🎉 MALIGAYANG PAGBATI! 🥳🥳🥳

Lubos na ipinagdiriwang ng lahat, lalo na ng mga taga-Brgy Balian, Pangil, Laguna, ang napakahalagang tagumpay ng TEAM CAPTAIN NA SI MS. MARIA CHARLOTTE NARCES SALES – ang IPAGMAMALAKI ng Brgy Balian – at ng kanyang buong koponan na RP Blu Girls sa pagkamit ng kanilang 11th GOLD MEDAL sa Southeast Asian (SEA) Games women’s softball tournament!!

Ang inyong dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa larangan ay tunay na nagbigay ng karangalan sa ating Sangguniang Barangay Ng Balian at bayan Ng Pangil!
P.S.
Ang panayam kay Ms. Charlotte kasama ang Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ng Balian ay isinagawa noong nakaraang Hulyo 2025.





Address

Candelaria Street Balian
Pangil
4018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KAP MARJ Galvez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share