Tapang Paraรฑaque

Tapang Paraรฑaque Alternative Politics. People-Centered. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

We are Tapang Paraรฑaque. Join the movement!

Our mission is to create an inclusive space for emerging leaders to rise and transform our cityโ€™s challenges into collective action.

๐๐„๐‘๐–๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐‹๐ˆ๐•๐€๐‘๐„๐™Taon-taon tayong nilulubog samantalang aabot na sa LIMANG BILYONG PISO ang ginagastos...
10/08/2026

๐๐„๐‘๐–๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐‹๐ˆ๐•๐€๐‘๐„๐™

Taon-taon tayong nilulubog samantalang aabot na sa LIMANG BILYONG PISO ang ginagastos para sa mga nagmimistulang MULTONG FLOOD CONTROL PROJECTS.

Si Edwin Olivarez ang Congressman noong 2022.

Si Edwin Olivarez din ang naging Mayor ngayong 2025.

Pamilyang Olivarez ang namumuno mula pa noong 2013. Mula Barangay hanggang City Hall.

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ?

Apat na araw na tayong sunod sunod na inuulan. Taon taon. Lubog ang tahanan, lampas-tao na baha, taob na mga sasakyan, stranded na mga manggagawa, at mga taong nagmamakaawa sa social media para isalba sila. Ang mga rescuer, laging nasa pangamba, kasi walang dalang equipment o bangka. Nilalagay ang sanggol sa batya para lang makaligtas sa baha. Magkakapitbahay na lang ang nagtutulungan para maisalba ang isa't isa.

At huwag ninyong isusumbat sa amin na disiplina at maling pagtatapon ng basura ang dahilan. Sa tagal ninyong nakaupo, pilit niyo pa ring ibinabaling ang paninisi sa tao kahit na kayo ang may bilyones na pondo para ayusin ito!

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ผ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฒ๐—ฒ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎรฑ๐—ฎ๐—พ๐˜‚๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐˜‚๐—บ! Ang mga player at mga dumalo, pagod na pagod, pinagpawisan, ay napilitang lumusong sa baha para lang makauwi ng mga tahanan nila na nilubog na rin nito. Palibhasa naka kotse ka, hindi ka lulusong, at may pampagamot ka sa ibang bansa kaya wala kang pakialam kung may baha!

Damang-dama ng tao ang pagka inutil ng pamumuno niyo. Kulang ang malutong na mura para maipinta ang galit ng tao. Sana kung gaano kayo kagagaling mag-ikot noong eleksyon, ay ganon din kayo kagaling magpakita tuwing binabaha ang mga nagpapasahod sa inyo. Kung gaano kayo kasipag umattend ng liga, ay ganon din kabilis ang pagpunta sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at ari-arian.

At pagkatapos ng gabi ng delubyo, saka lang naglabas ng pahayag ang opisina ng Mayor. Na para bang hindi ka namin dapat hanapin at tuligsain dahil sabi niyo mismo โ€œGanyan din sa iba, hindi lang dito.โ€ Palibhasa ay hindi ka naman nakaranas masiraan ng gamit. Hindi ka naipit sa kalsada. Nakatulog ka nang mahimbing. At bayad ka pa rin kahit hindi ka pumasok sa opisina. Ang kapal ng mukha mong pababawin ang kalamidad na taon-taong nangyayari sa ilalim ng pamumuno ng pamilya mo!

At ipapaalala lang namin Mayor, DALAWANG DAANG LIBONG PISO ANG BUWANANG SAHOD MO!

Hindi ka namin pinapasahod para magpaka-inutil at magtanga-tangahan. Alam mo kung nasaan ang pondo, alam mo kung nasaan ang mga proyekto. Utang mo sa tao sumagot kung bakit taon taon tayong binabaha at nilulubog sa likod ng limang bilyong pisong pondo rito!

Buong araw bumuhos ang ulan at may mga ulat na ng pagbaha sa iba't ibang lugar. Nawa'y ligtas ang lahat! Kung sakaling m...
08/08/2026

Buong araw bumuhos ang ulan at may mga ulat na ng pagbaha sa iba't ibang lugar. Nawa'y ligtas ang lahat! Kung sakaling mangailangan ng tulong, narito po ang mga emergency hotline/number na maaaring tawagan:

Paraรฑaque DRRMO
๐ŸšจEmergency hotline: 911
โ˜Ž8820- PQUE (7783)

Bureau Of Fire Protection
โ˜Ž PQUE - 8826 91 31
โ˜Ž(02) 8426-0219
โ˜Ž(02) 8426-0246

NDRRMC
โ˜Ž(02) 8911-5061 to 65, loc 100

Maiging maihanda na rin ang mga detalye na ibibigay sa magco-coordinate ng rescue sa inyo tulad ng mga sumusunod:

Name of contact:
Location/landmark:
Contact number:

BILANG NG IRE-RESCUE
Adult:
Babies/children:
Elderly:
Pets:

Huwag mag-atubiling humingi ng tulong. Manatiling ligtas at alerto. Ingat, mga kapwa Paraรฑaqueรฑo!

๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐’๐๐Ž๐๐’๐Ž๐‘๐’๐‡๐ˆ๐๐’ โœŠ๐Ÿ”ฅโœจNais mo bang sumuporta sa mga Batang Paโ€™que na maghahanda para sa paparating na BSKE? Maging SP...
04/08/2026

๐‚๐€๐‹๐‹ ๐…๐Ž๐‘ ๐’๐๐Ž๐๐’๐Ž๐‘๐’๐‡๐ˆ๐๐’ โœŠ๐Ÿ”ฅโœจ

Nais mo bang sumuporta sa mga Batang Paโ€™que na maghahanda para sa paparating na BSKE? Maging SPONSOR/PARTNER ng Tara Takbo sa Paraรฑaque!

Ang Tara Takbo ay isang training and development program na naglalayong mag-motivate at magbigay-kapasidad sa mga lider-kabataan para tumakbo sa Sangguniang Kabataan. Sa 2-day training na ito ay magtitipon ang Tapang Paraรฑaque ng mga lider-kabataan, youth organizations, at aspiring SK candidates upang mas malinang ang kanilang kaalaman at mas pagtibayin ang kanilang hangarin na maging lingkod-bayan.

Ang inyong suporta ay malaking bahagi ng pagiging matagumpay ng kauna-unahang Tara Takbo sa Paraรฑaque. Makibahagi sa paglilinang ng kabataan. Maging bahagi ng kasaysayan!

For details and inquiries, mag-PM sa aming FB page, o mag-email sa [email protected]

๐ˆ๐ค๐š๐ฐ ๐›๐š ๐š๐ฒ ๐›๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ค๐ž? ๐“๐š๐ซ๐š ๐“๐š๐ค๐›๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐šรฑ๐š๐ช๐ฎ๐ž!Bukas sa mga SK aspirant at youth leaders na nais pang maghasa ng ka...
25/07/2026

๐ˆ๐ค๐š๐ฐ ๐›๐š ๐š๐ฒ ๐›๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ค๐ž? ๐“๐š๐ซ๐š ๐“๐š๐ค๐›๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐šรฑ๐š๐ช๐ฎ๐ž!

Bukas sa mga SK aspirant at youth leaders na nais pang maghasa ng kaalaman at kakayahan para maging handa sa darating na BSKE. Ang Tara Takbo ay isang training and development program na naglalayong mag-motivate at magbigay-kapasidad sa mga lider-kabataan para tumakbo sa Sangguniang Kabataan.

Magkaroon ng puso sa paglilingkod, kaalaman sa maayos na pamamalakad, at tapang upang harapin ang mga hamon at responsibilidad bilang lingkod-bayan.

Tapangan mo, kabataang Paraรฑaqueรฑo! Tara Takbo!

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—ฌ ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐——๐—œ๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กIto ang planong reklamasyon sa tapat ng La Huerta at San Dionisio. Ang...
24/07/2026

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—š๐—›๐—ง ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—ฌ ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐——๐—œ๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก

Ito ang planong reklamasyon sa tapat ng La Huerta at San Dionisio.

Ang proponent: Edwin Olivarez.

Ang pinakamalaking benepisyo: San Dionisio.

Ang kapitan ng San Dionisio: Eva Olivarez.

Sino ang apektado? Tayo. Mga mangingisda. Mga tindero sa La Huerta.

Magtataas lalo ang bilihin dahil mapipilitan na tayo lalong mag angkat.

Hindi na kakayanin ng mga mangingisda ang lumayo nang husto dahil mahal na masyado ang gasolina.

Ang reklamasyon, at ang straight line policy na nagpapalabnaw nito, ay nagseserbisyo lang sa iilang tao. Hindi ito para sa normal na Paraรฑaqueรฑo.

SANGGUNIAN:https://eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2020/09/Draft-EIS-Paranaque-286.86-Reclamation-V.2.pdf

๐™‰๐™Š ๐™๐™Š ๐™Ž๐™๐™๐˜ผ๐™„๐™‚๐™ƒ๐™ ๐™‡๐™„๐™‰๐™€ ๐™‹๐™Š๐™‡๐™„๐˜พ๐™”! ๐™‰๐™Š ๐™๐™Š ๐™๐™€๐˜พ๐™‡๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰! ๐™๐™‰๐˜ผ๐™ƒ๐™„๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™๐™๐™‰๐˜ผ๐™” ๐™‰๐˜ผ ๐™‹๐™๐™Š๐˜ฝ๐™‡๐™€๐™ˆ๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™๐˜ผ๐™Š!Mariing hinihindian ng Tapang Par...
23/07/2026

๐™‰๐™Š ๐™๐™Š ๐™Ž๐™๐™๐˜ผ๐™„๐™‚๐™ƒ๐™ ๐™‡๐™„๐™‰๐™€ ๐™‹๐™Š๐™‡๐™„๐˜พ๐™”! ๐™‰๐™Š ๐™๐™Š ๐™๐™€๐˜พ๐™‡๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰! ๐™๐™‰๐˜ผ๐™ƒ๐™„๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™๐™๐™‰๐˜ผ๐™” ๐™‰๐˜ผ ๐™‹๐™๐™Š๐˜ฝ๐™‡๐™€๐™ˆ๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™๐˜ผ๐™Š!

Mariing hinihindian ng Tapang Paraรฑaque ang ordinansang Straight Line Policy. Wala itong nilulutas na problema โ€“ nagmimistulan lang itong ordinansa na binuo para sa interes ng mga iilang nakaupo.

Pinupuna rin ng aming partido ang mistulang kasipagan ng mga nakaupo para ikampanya ito. Lahat ng klase ng pag-ikot, pagtitipon, at pagpopropaganda ay nagagawa basta maitulak lang ang "YES SA PLEBISITO.โ€

Kung kaya ninyo naman palang mag house-to-house sa ganyan, eh bakit hindi niyo magawa sa mga serbisyo publiko?

Ang ayuda, gamot, pagkain - nagpapapila.

Pero kung mangumbinsi sa plebisito - halos araw-arawin na.

Hindi ninyo kailangang mangulit kung totoong interes yan ng tao. Walang Paraรฑaqueรฑo ang humihiling niyan. Mukhang kayo-kayo lang 'yan.

Batid din namin ang pagbabangayan ng mga nagtulak nito, at mga nagbabalak pumosisyon ulit sa gobyerno. Bakit kayo nagbabangayan at kanya-kanyang hugas ng kamay kung tunay na maganda itong ordinansang ito?

Hindi rin natin palalampasin na ikonekta ito sa bantang reklamasyon sa Paraรฑaque. Mismong COMELEC ang nagsabi na may pagpaplanong ginagawa ang administrasyon ng Olivarez para itulak nang tuluyan ang bantang reklamasyon sa tapat ng La Huerta, at San Dionisio.

Kung totoong ang intensyon ng ordinansa ay para ayusin lamang ang linya sa reclaimed areas ng Don Galo, Tambo, at Baclaran, ay bakit dinamay ang La Huerta at San Dionisio sa plebisito?

Hindi maikakaila na kung matuloy ang nasabing reklamasyon, San Dionisio ang pinakamakikinabang dito dahil 90% ng Freedom Island, at tapat nito, ay mapupunta sa San Dionisio.

At ang ordinansang ito, ay mistulang pagsisig**o ng hati nila sa pera, at hindi para gumanda ang buhay ng tao.

Ang pagtulak nila dito ay pagsuporta sa reklamasyon. Hindi mo pwedeng sabihin na tutol ka sa reklamasyon habang nangangampanya ka sa kung paano ito hahatiin sa panahong ma-reclaim ito.

Ang ordinansang ito ay ginagamit para malehitimo ang konsepto ng reklamasyon at palabnawin ang epekto nito sa paraan ng pagsasabing "Yayaman tayo dito.โ€

Huwag nating kalimutan na alyas Bahaรฑaque ang Paraรฑaque. At kung itulak ng mga iilang nakaupo ang banta ng reklamasyon, ay lalo tayong mawawalan ng proteksyon mula dito. Huwag rin nating kalimutan na ang reklamasyon ay direktang tatanggalan ng kabuhayan ang mga mangingisda at tindero ng La Huerta. Huwag tayo magpapaniwala sa mga pangako na gaganda ang serbisyo 'pag na-reclaim ang dagat. Dahil kung totoo 'yan, Tambo sana ang nangunguna sa serbisyo-publiko at walang naghihirap dito.

Tinututulan ito ng partido hindi dahil ayaw namin ng kaayusan at progreso. Hindi lang namin ito kinikilala bilang ordinansang para talaga sa progreso at sa ikagaganda ng buhay ng tao.

Ang paghuhugas kamay ng mga nagsulat, ang hindi maintindihang sipag para mangampanya, at ang direktang koneksyon nito sa reklamasyon ay nagtuturo lamang na hindi ito binuo para sa interes ng mamamayan ng Paraรฑaque.

๐™‰๐™Š ๐™๐™Š ๐™Ž๐™๐™๐˜ผ๐™„๐™‚๐™ƒ๐™ ๐™‡๐™„๐™‰๐™€ ๐™‹๐™Š๐™‡๐™„๐˜พ๐™”! ๐™‰๐™Š ๐™๐™Š ๐™๐™€๐˜พ๐™‡๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰! ๐™๐™‰๐˜ผ๐™ƒ๐™„๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™๐™๐™‰๐˜ผ๐™” ๐™‰๐˜ผ ๐™‹๐™๐™Š๐˜ฝ๐™‡๐™€๐™ˆ๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™๐˜ผ๐™Š!

JOINT YOUTH PRESS STATEMENT:THE YOUTH STRONGLY CONDEMNS THE PROPOSAL TO RELOCATE THE LAS PIร‘ASโ€“PARAร‘AQUE WETLAND PARK AN...
08/07/2026

JOINT YOUTH PRESS STATEMENT:
THE YOUTH STRONGLY CONDEMNS THE PROPOSAL TO RELOCATE THE LAS PIร‘ASโ€“PARAร‘AQUE WETLAND PARK AND ITS MIGRATORY BIRDS
July 2026

We, the undersigned youth-led environmental organizations, strongly condemn and unequivocally reject the recent statement and proposal to relocate the Las Piรฑas Paraรฑaque Wetland Park (LPPWP) and its migratory birds to address airport bird strike concerns. This proposal is scientifically unfounded, ecologically impossible, and dangerously undermines decades of conservation efforts in one of the Philippines' most ecologically significant wetlands.

Long before the establishment of the nearby airport, Manila Bay had already been serving as a natural stopover and wintering ground for migratory waterbirds along the East Asianโ€“Australasian Flyway, one of the world's major migratory bird flyways. These migration routes have been shaped by thousands of years of evolution and ecological processes, not by human infrastructure. Airports were built within an already existing ecological landscape, not the other way around.

To suggest that migratory birds can simply be "relocated" or redirected to another migration path demonstrates a fundamental misunderstanding of migration ecology. Migratory birds navigate using complex biological, environmental, and geomagnetic cues across continents. Their migratory behavior cannot be altered through policy or human instruction.

Likewise, LPPWP is not a movable facility that can simply be transferred elsewhere. It is a naturally functioning coastal wetland ecosystem formed through unique geological, hydrological, tidal, and ecological processes that have developed over generations. Wetlands derive their ecological value from their location, habitat connectivity, and natural processes. These qualities cannot simply be recreated by relocating them. Beyond providing habitat for migratory birds, the wetland also supports fisheries, sequesters atmospheric carbon, improves water quality, buffers coastal communities from storm impacts, and contributes to the ecological resilience of Manila Bay and its inhabitants. Its value extends far beyond wildlife alone.

More importantly, LPPWP is not an ordinary parcel of land. It is a legislated protected area under the Expanded National Integrated Protected Areas System Act (Republic Act No. 11038), which permanently includes the park within the Philippines' protected area system. It is likewise recognized internationally as a Ramsar Site, acknowledging its exceptional ecological importance as a habitat for migratory waterbirds and other wildlife. Proposing its relocation disregards both Philippine law and the country's international commitments to biodiversity conservation.

Furthermore, available evidence from airport wildlife hazard assessments consistently shows that the species most commonly associated with bird strike incidents are rock doves, also known as feral or domesticated pigeons, and other urban-adapted resident birds that thrive around human settlements and airport facilities. These are not the migratory shorebirds and waterbirds using the wetland. Conflating migratory birds with the primary causes of bird strikes is misleading and diverts attention away from science-based wildlife hazard management strategies.

The solution to bird strike risks should never be the destruction, degradation, or relocation of protected ecosystems. Instead, airport safety should continue to be addressed through internationally recognized, science-based wildlife hazard management practices that balance aviation safety with biodiversity conservation.

As young Filipinos committed to environmental stewardship, we refuse to accept false choices that pit biodiversity conservation against development. Sustainable development demands coexistence, informed decision-making, and respect for science, not proposals that sacrifice irreplaceable ecosystems for short-term convenience.

We call upon the Senate of the Philippines, the Department of Transportation, the Department of the Interior and Local Government, the Department of Environment and Natural Resources, the Department of Agriculture - Bureau of Animal Industry, the Civil Aviation Authority of the Philippines, airport operators, policymakers, and the public to reject narratives that misrepresent ecological realities and instead uphold evidence-based policymaking. The protection of the Las Piรฑas-Paraรฑaque Wetland Park is not merely an environmental issue. It is a legal obligation, a scientific imperative, and a moral responsibility to safeguard one of the countryโ€™s last remaining significant urban coastal wetlands for present and future generations.

The youth stand firmly with science. The youth stand firmly with the law. The youth stand firmly for nature.

Protect our wetlands. Protect our migratory birds. Protect Manila Bay's natural heritage.

Nitong ika-25 ng Hunyo, pormal na nagtungo sa Konseho ng Lungsod ang Tapang Paraรฑaque kasama ang alyansa ng mga Paraรฑaqu...
27/06/2026

Nitong ika-25 ng Hunyo, pormal na nagtungo sa Konseho ng Lungsod ang Tapang Paraรฑaque kasama ang alyansa ng mga Paraรฑaqueรฑo na kinabibilangan ng Kabataan PL - Municipal at Paraรฑaque, Rage For Systemic Change, at mga mag-aaral at alumni ng PNHS - Main. Ang layunin natin: ๐—ถ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ธ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป, ๐˜€๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎรฑ๐—ฎ๐—พ๐˜‚๐—ฒ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ผ.

Ang hakbang na ito ay isinakatuparan natin upang palakasin at pagtibayin ang boses ng sangkaestudyantehan, ipagtanggol sila laban sa anumang anyo ng pananakot at panggigipit mula sa mga administrasyon, at siguraduhing ang kanilang mga hinaing ay hindi na muling mababaon sa limot kundi magbubunga ng konkretong hustisya at pananagutan.

Naging lubos na produktibo ang naging diyalogo ng ating alyansa sa pamunuan ng lokal na pamahalaan. Ipinahayag nila ang kanilang buong suporta sa ating inihandang 10-Point Agenda for Youth and Student Safety in Campuses, at kasalukuyan nang inilalatag ang mga susunod na ligal at lehislatibong hakbang upang maisakonkreto ang mga ito.

Sa mismong sesyon ng Konseho, pormal nang kinilala at tinanggap ang ating "Open Petition for Accountability from Concerned Paraรฑaque National High School - Main Students, Alumni, and Paraรฑaquenos on the Cases of Sexual Abuse and Harassment of Faculty Members."

Kaakibat nito, opisyal ding inihain ang Draft Resolution No. 561 ni Coun. Tin Esplana, "A Resolution Calling for an Investigation in Aid of Legislation Regarding the Alleged Incident Involving Teachers in Sexual Misconduct at Paraรฑaque National High School - Main (PNHS - Main), for the Purpose of Reviewing Existing Policies, Safeguards, and Mechanisms to Protect Students and Ensure a Safe Learning Environment." Ang hakbang na ito ay pormal na magbubukas ng imbestigasyon ng Konseho upang rebyuhin at patatagin ang mga patakaran sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Ipinapaabot natin ang ating pagkilala sa mga opisyal na naging katuwang natin sa makasaysayang pagpupulong na ito:

โ€ข Vice Mayor Benjo Bernabe (Presiding Officer, City Council)
โ€ข Chief of Staff of the Vice Mayor Carlo Bernabe
โ€ข Coun. Rico Golez (Majority Floor Leader and Chairperson, Rules and Oversight)
โ€ข Coun. Allen Tan (Asst. Majority Floor Leader and Chairperson, Education)
โ€ข Coun. Jet Frias and Staff (Chairperson, Good Governance and Public Accountability)
โ€ข Coun. Tin Esplana and Staff (Chairperson, Health)
โ€ข Coun. Shannin Mae Olivarez (Chairperson, Human Rights)
โ€ข Coun. Toki Baes (Chairperson, Public Order and Safety)
โ€ข Coun. Rina Gabriel (Chairperson, Women, Children, Family Relations, and Gender and Development)

Unang hakbang pa lamang natin ito sa mahabang krusada ng pagbawi sa kapangyarihan ng kabataan. Hindi tayo aatras at hindi tayo mananahimik hangga't ang mga abusado sa loob ng ating mga paaralan ay hindi nagdurusa sa ilalim ng batas dahil sa kanilang kawalanghiyaan.

Walang sasantuhin: LAHAT NG SANGKOT, MANANAGOT AT MANANAGOT.

Basahin ang aming 10-Point Agenda at makibahagi sa pagpapalalim ng labang ito. Bukas ang ating hanay para sa mga komento, suhestiyon, at karagdagang testimonya mula sa mga mamamayang Paraรฑaqueรฑo ๐Ÿ‘‡๐Ÿผ๐Ÿ‘‡๐Ÿผ๐Ÿ‘‡๐Ÿผ

https://www.facebook.com/share/p/1BQ8Qd5n78/?mibextid=wwXIfr

Ang laban para sa ligtas na mga paaralan ay laban ng lahat ng Paraรฑaqueรฑo! โœŠ๐Ÿป โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ




๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„: As of June 23, 7:00 PM, mayroon na tayong 331 total signatures mula sa mga estudyante at alumni ng Paraรฑaque Nat...
23/06/2026

๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„: As of June 23, 7:00 PM, mayroon na tayong 331 total signatures mula sa mga estudyante at alumni ng Paraรฑaque National High School-Main at mga concerned Paraรฑaqueรฑos. 253 dito ay mula sa digital signatures mula sa ating online petition form at 78 naman dito ay galing sa physical signature forms mula mismo sa mga mag-aaral ng PNHS na pagkilos na isinagawa kahapon noong Hunyo 22, 2026.

Ang people's petition na ito ay pormal na isusumite sa Sangguniang Panglungsod at sa Division Office of Paraรฑaque ng Department of Education ngayong linggo.

๐—ง๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ก๐—”, ๐—ฃ๐—œ๐—ฅ๐— ๐—” ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—›๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”!
๐—›๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—œ๐—ž๐—ง๐—œ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š-๐—”๐—”๐—•๐—จ๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—ก๐—›๐—ฆ-๐— ๐—”๐—œ๐—ก!

๐™‹๐™๐™ˆ๐™„๐™๐™ˆ๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‹๐™€๐™๐™„๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡
https://tinyurl.com/PNHSSHPT

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—”๐—ค๐—จ๐—˜, ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—›-๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—”๐—ค๐—จ๐—˜, ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ฌ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง - ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—”๐—ค๐—จ๐—˜ ๐—”๐—ง ๐—ฅ๐—”๐—š๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ฆ๐—ฌ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐— ๐—œ๐—– ๐—–๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—˜:
https://www.facebook.com/TapangPQ/posts/pfbid06X7vPtcFLBSpeB5xWcNHu5kK594Mf8xEMaLfmshnvy9LyV6nTFiP5oebrsEt5d3ul

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€: Hindi puwedeng ilatag kung sino-sino ang mga pumirma sa petisyon para sa seguridad at privacy ng mga estudyante, alumni at mamamayan na pipirma dito. Anonymous ang petition na ito. Sa ilalim ng pagbabanta mula sa mga partido na nais magdala ng pananakot at intimidasyon sa mga mag-aaral, protektado ang pagkakakilanlan ng mga petitioner sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012. Ang petisyon na ito ay ididiretso sa DepEd Division ng Paraรฑaque at sa Sangguniang Panglungsod. Makakaasa po kayo na ligtas ang pagpipirma sa petisyon na ito. Huwag magpadala sa pananakot. Ipaglaban ang kabataan!

Isang pagpupugay sa matagumpay na kilos-protesta ng Gentle Warriors sa Paraรฑaque National High School-Main na naganap ka...
23/06/2026

Isang pagpupugay sa matagumpay na kilos-protesta ng Gentle Warriors sa Paraรฑaque National High School-Main na naganap kahapon, June 22, 2026. Nakiisa ang Tapang Paraรฑaque sa pagkilos ng mga mag-aaral ng PNHS Main kasama ang Kabataan Party-list - Municipal. Nagbunga ang pagkilos ng mga estudyanteng ito matapos ang isang paratang ng pangmomolestiya ng isang g**o sa kanyang estudyante. Matapos ang protesta, nagmartsa ang hanay papunta sa paaralan at pinagpaganap sila sa AVR ng isang forum kasama ang PNHS-Main Principal Gerry Lumaban.

Sa forum ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral at alumni na magtanong. Dito rin nabigyan ng pagkakataon na maihain ng mga kinatawan ng Tapang Paraรฑaque at PNHS alumni na sina Tapang Paraรฑaque Deputy Spokesperson Heinrich Aguila at Diether Digaman ang ๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐—ฃ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—”๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐˜๐˜† ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€๐—ฒ๐˜€. Ang 10-point agenda na ito ay ipapasa mismo sa people's petition na isisumite sa Sangguniang Panlungsod:

๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“ ๐‹๐„๐•๐„๐‹:

1. Magkaroon ng opisina/hotline para sa VAW, LGBTQIA at iba pa na magsisilbi bilang isang grievance desk sa loob ng mga paaralan na may direktang linya sa LGU at sa Division Office ng DepEd. Ang mga opisina na ito ay dapat autonomous at maging student-led na may espesipikong mandato at mga kapangyarihan sa paghahawak ng kaso.

2. Magkaroon ng psychological counselling and institutional support and protection para sa lahat ng mga biktima

๐“๐„๐€๐‚๐‡๐„๐‘ ๐‹๐„๐•๐„๐‹:

1. Pagkokondukta ng mandatory seminars at forums para sa lahat, kabilang ang mga mag-aaral, teaching and non-teaching personnel, patungkol sa children's rights, safe spaces, body safety, consent education, at sa mga legal obligations and consequences ng mga sexual abuse cases. Importanteng malaman din ng mag-aaral ang kanilang mga karapatan at para madaling ma-identify kung sila ba ay naabuso or under "grooming"

๐ˆ๐๐’๐“๐ˆ๐“๐”๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‹๐„๐•๐„๐‹:

1. Pagpapanagot, revocation of license at pagsasampa ng kaso sa lahat ng faculty members na involved sa kaso ng sekswal na pang-aabuso at harassment.

2. Magkaroon ng isang independent and transparent student-led or multi-stakeholder investigation ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan mula sa DepEd Division Office, City Government at iba pang mga third parties

3. Universal Implementation ng Republic Act No. 11313 o Universal Safe Spaces Act sa lahat ng paaralan.

4. Universal Implementation of Department of Education (DepEd) Order No. 40, s. 2012 na naglalayon para magkaroon ng Child Protection Committee (CPC) sa bawat paaralan. Kung kinakailangan, magkaroon din ng mga review at kung sakali ay matinding reporma sa mga CPC ukol sa kanilang proseso, liderato, membership at mandato.

5. Pagpapalagay ng mas matitinding imprastraktura tulad ng mga CCTV sa mga hallway para matanggal ang mga blind spot sa mga paaralan, kabilang na rin dito ang pagpapalagay ng clear glass windows para mamonitor ang mga klasrum nang maayos.

6. Pagpapatupad ng universal no-isolation policy na pinagbabawal ang kahit sinumang staff member na mag-isa kasama ang isang mag-aaral sa likod ng mga nakasaradong pinto para sa counseling, coaching or tutoring.

7. Proteksyon sa malayang pamamahayag ng mga g**o at estudyante laban sa pagbabanta, pananakot, at panggigipit, alinsunod sa 1987 Philippine Constitution, Cybercrime Prevention Act of 2012, at Data Privacy Act of 2012. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng reporma sa teacher evaluation sa mga mag-aaral.

Bunsod nito, patuloy pa rin ang ating petisyon upang kastiguhin at panagutin ang mga abusadong g**o sa naturang paaralan. Hinihimok ang lahat ng estudyante, alumni, at g**o na pumirma at magpasa ng mga ebidensya at salaysay.

๐™‹๐™๐™ˆ๐™„๐™๐™ˆ๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‹๐™€๐™๐™„๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰
https://tinyurl.com/PNHSSHPT

Photo Credits to Tapang Paraรฑaque and RAGE for Systemic Change.

Address

Paraรฑaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tapang Paraรฑaque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share