01/04/2026
SHE RISES: A Journey To SELF-LOVE And SELF-CAREđź’ś
Sa huling araw ng National Women's Month, ang ating lungsod sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto Rubiano sa pakikipagtulungan ng aming tanggapan sa Presidential Commission for Urban Poor (PCUP), ay dinaos muli ang ikalawang Gender and Development (GAD) Training para sa ating mga HOANAs kahapon ika-31 ng Marso 2026.
Ito ay nilahukan ng mga kababaihan o HOANAs mula sa mga ibat ibang asusasyon sa Malibay area kasama na dito ang Samahan MaryVillians HOA,Geronimo HOA,
St. Hannibal phase 2 HOA,E. Cornejo Vitales Resident HOA,E. Rodriguez S D Guzman C. Jose HOA,Merebelle HOA,BGY 172 Pioneer HOA,St. Hannibal Phase 4, Malibay Estates portion HOA.
Ang aming tanggapan ay nagpapasalamat sa ating napakahusay na Speaker na si Sir. Santaner Tedranes Iray at sa Coordinator na si Sir. Harlon D. Agsaoay ng PCUP sa pagpapaunlak na magbahagi ng kanilang mga kaalaman patungkol sa mga karapatan at mga kakayahan ng mga kababaihan.
Kami ay umaasa sa inyong patuloy na paglahok at kooperasiyon sa ating mga iba pang gawain at programa.
Mabuhay ang mga kababaihan!🫶🏻