Bagong Alyansang Makabayan - Pasay

Bagong Alyansang Makabayan - Pasay Established in 1985, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) - Pasay is a multi-sectoral alliance of organizations based in Pasay City.

20/08/2026

๐Š๐€๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’๐€๐ ๐๐† ๐„๐’๐“๐”๐ƒ๐˜๐€๐๐“๐„ ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐”๐๐€๐‡๐ˆ๐: ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐’๐€๐‡๐€๐!

Noong Agosto 17, 2026, muling ipinamalas ng Pasay LGU ang kapabayaan nito sa pagdedeklara ng suspensyon ng klase sa gitna ng kalamidad. Huli na itong naglabas ng anunsyo kahit na nararanasan na sa maraming lugar ang malakas na pag-ulan at pagbaha.

Hindi lamang ang mga estudyanteng taga-Pasay ang naapektuhan. Marami sa mga pumapasok sa mga paaralan sa Pasay ay nanggagaling pa sa ibat-ibang lungsod kayaโ€™t mas maaga silang umaalis ng bahay upang makahabol sa klase. Dahil sa huling na pag anunsyo ng LGU, maraming estudyante ang naipit sa biyahe. Napilitan silang lumusong sa baha, nagastos ang pamasahe, at may mga na-stranded pa habang nasa daan na.

Bukod sa abala at dagdag na gastos, mas humaba rin ang oras ng pag-uwi ng marami at mas tumaas ang posibilidad na sila ay magkasakit.

Malinaw na ang ganitong uri ng late suspension ay hindi lamang nagdudulot ng abala. Inilalagay nito sa mas malaking panganib ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.

Nananawagan ang Anakbayan Seaside sa Pasay LGU na magpatupad ng mas maaga at mas agarang suspensyon ng klase tuwing may kalamidad. Ang kaligtasan ng mga kabataan ay dapat laging inuuna, hindi ang huling pagdedesisyon kapag lumala na ang sitwasyon.

๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’ ๐‰๐‘. ๐€๐“ ๐๐€๐’๐€๐˜ ๐‹๐†๐”: ๐Œ๐€๐†๐Š๐€๐’๐€๐๐–๐€๐“ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐, ๐๐€๐‘๐„๐‡๐Ž๐๐† ๐Š๐Ž๐‘๐€๐!Sa pagbisita ni Marcos Jr. sa Pasay noong August 12, ...
15/08/2026

๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’ ๐‰๐‘. ๐€๐“ ๐๐€๐’๐€๐˜ ๐‹๐†๐”: ๐Œ๐€๐†๐Š๐€๐’๐€๐๐–๐€๐“ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐, ๐๐€๐‘๐„๐‡๐Ž๐๐† ๐Š๐Ž๐‘๐€๐!

Sa pagbisita ni Marcos Jr. sa Pasay noong August 12, makikitang kasabwat ng Pasay LGU ang isa sa pinakakurakot na pulitiko ng bansa. Sa ilang taong pamumuno ng pamilyang Calixto, nananatili pa rin ang problema sa baha, basura, at kapabayaan sa serbisyo. Habang ang kapangyarihan ay nananatili sa mga alyansa at pamilyang politiko, ang mga Pasayeรฑo ang patuloy na dumaranas sa krisis na binunga ng burukrata-kapitalistang sistema.

Ang pangako ni Marcos Jr. na dadagdagan ang pondo ng Diokno Pumping Station, ay malamang na isang bagong palabas na naman ng pamahalaan. Hindi sapat ang panibagong pondo kung hindi rin naman malinaw kung para saan at kung paano ginamit ang mga naunang inilaang pondo. Dagdag pa rito, ang mga mamamayan pa ang sinisisi ng Malacaรฑang sa dagat ng basura. Ang kanilang anti-masang pananaw ay isang projection ng incompetence ng pamahalaan. Imbis na harapin ang kanilang pagkukulang, sa masa nito ibinabaling ang sisi. Kung โ€œHindi pwedeng nagkukuya-kuyakoy lang tayoโ€, hindi rin pwedeng hanggang pang photo-op lang ang tugon nila sa sakuna.

Habang ang masa ay lumulusong sa baha ng basura, ang mga plastic producing companies naman ang patuloy na kumikita rito. Hindi matatapos ang problemang ito sa panawagang โ€œmagtapon nang tamaโ€ o sa panandaliang clearing operations. Tibagin ang sistemang patuloy na nagpapahintulot sa malawakang produksyon ng plastic.

๐ˆ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ ๐จ ๐š๐ญ ๐ฌ๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐›๐š๐ค๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง! ๐๐š๐›๐š๐ ๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐š๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ก๐ข๐ซ๐š๐ฉ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ๐š!

14/08/2026
14/08/2026

โ€œ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐จ ๐ค๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ ๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐จ ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ญ๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ญ๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ, ๐ฉ๐ž๐ซ๐จ ๐š๐ง๐  ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐›๐š๐ฒ๐š ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐›๐š๐ฒ๐š, ๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฆ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ฌ๐ฅ๐š๐ง๐š๐ง.โ€

Danas ng lungsod ng Paraรฑaque ang bigat na dala ng paulit-ulit na pagbaha. Higit na direktang naaapektuhan nito ang mga lokal na mangingisda na patuloy na bumabalikat sa epekto ng walang katapusang krisis sa basura. Sa bawat pag-ulan at pagbugso ng habagat, natatambakan ng tone-toneladang plastik ang daluyan ng tubig sa Redemptorist, na sumisira sa mga pangisdaan. Dahil dito, maraming lokal na mangingisda tulad ni June Lelis ang madalas umuuwi na walang huli. Dahil kakaunti o wala silang nahuhuling isda, mas nahihirapan silang kumita at makapagbigay ng pagkain sa kanilang pamilya. Hindi lamang ito simpleng epekto ng kalikasan. Malaki ang kaugnayan nito sa patuloy na pagpapabaya ng pamahalaan sa kalagayan at kabuhayan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mangingisda.

Sa halip na akuin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pananagutan sa pagkawala ng kabuhayan ng mga mangingisda, pinili pa niyang isisi ang problema sa publiko. Sinabi niya, โ€œHindi po kakayanin ng gobyerno na magtrabaho nang magtrabaho, pero ang ating mga kababayan ay pabaya nang pabaya, tapos magtuturo kung sino ang may kasalanan.โ€ Sa ganitong pahayag, kung saan parang binabalewala lang ang tunay na kalagayan ng mga mangingisda na nangangailangan ng malinis na karagatan, protektadong pangisdaan, at mga solusyong pangmatagalan mula sa pamahalaan. Kumikilos lamang ang pamahalaan kapag nailalantad na ng media ang ebidensya ng kanilang pagpapabaya. Hangga't patuloy na sinisisi ng pamahalaan ang mamamayan sa halip na tugunan ang sarili nitong pagkukulang, patuloy na mga mangingisda ng Paraรฑaque ang magbabayad ng presyo at magdurusa sa pagkawala ng kanilang huli at kabuhayan.

28/07/2026
28/07/2026
28/07/2026
FREE FERIA51! IKULONG ANG SINDIKATO SA MALACANฬƒANG AT KONGRESO, HINDI ANG PILIPINONG LUMALABAN!Sa ika-apat na SONA ng re...
28/07/2026

FREE FERIA51! IKULONG ANG SINDIKATO SA MALACANฬƒANG AT KONGRESO, HINDI ANG PILIPINONG LUMALABAN!

Sa ika-apat na SONA ng rehimeng US-Marcos Jr., pinakita ng mga kapulisan niya ang tunay na estado ng mga Pilipino: ang pagiging biktima sa pandarahas ng mapanupil na gobyerno. Mula sa pang-aagaw ng mga placards, panunulak, at malawakang panghuhuli, pinatunayan lamang ni BBM at ng kapulisan na hindi ang mahihirap ang kanilang pinaglilingkuran.

Kung may dapat ikulong ngayong SONA, 'yun ay si Marcos Jr., Sara Duterte, at lahat ng bumubuo ng kanilang magkaribal na sindikato. Sila ang tunay na sumisira sa ating bayan, hindi ang mamamayang tumutungo sa lansangan upang manawagan. Kung may programa naman dapat pigilan ng PNP noong araw na iyon, 'yun ay yung SONA ni Bongbong Marcos na walang ibang laman kung hindi kasinungalingan at panlilinlang sa mga Pilipino.

Kinukundena ng Bagong Alyansang Makabayan - Pasay ang malawakang pandarahas, panggugulo, at pag-aresto ng PNP sa mapayapang pagkilos ng mamamayan nitong July 27. Kasabay nito ang panawagan para sa agarang paglaya ng 51 na ikinulong ng pasistang PNP.


ฬƒo

๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก!Dumalo ang mamamayang Pasayenฬƒo sa isinagawang SONA ng Bayan upang iparinig ang tunay na kalagayan ng mama...
28/07/2026

๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก!

Dumalo ang mamamayang Pasayenฬƒo sa isinagawang SONA ng Bayan upang iparinig ang tunay na kalagayan ng mamamayan sa ilalim ng korap, pahirap, at tuta na rehimeng US-Marcos Jr.

Kasama ng libo-libong Pilipino, pinanawagan natin ang pagpapanagot kay Marcos Jr. at Sara Duterte, dalawang nagbabangayang magnanakaw habang hinahayaang maguton amg milyon-milyong mahihirap. Sa ilalim ng dalawang magkaribal na paksyon, mas tumindi ang paghihirap, pagtaas ng presyo ng bilihin, at pagkabulok ng mga pampublikong serbisyo. Lumala rin ang pagkadawit natin sa imperyalistang US at sa agresyon nito sa imperyalistang China.

Pasayenฬƒo, sumama sa mga susunod na pagkilos! Ipakita ang tunay na katayuan ng mamamayang Pilipino!

ฬƒo

24/07/2026

State of the People 2026: PAPET NG IMPERYALISMONG U.S. SI MARCOS JR

Pandarambong at gera ang dulot ng Imperyalismong US. Bulto-bulto ang deployment ng mga sundalong Kano para sa mga miltary exercises na nagdudulot ng pinsala at banta sa ating mga teritoryo at seguridad.

Sa nakalipas na taon, nasa 10-12 malakihang military exercises ang ginawa ng US sa Pilipinas - o isa kada buwan.

Nasa 10,000 sundalong Kano ang lumahok sa Balikatan 2026, pinakamalaki sa kasaysayan. Sa kabuuan, 14,000 - 16,000 na mga sundalong Kano ang lumahok sa lahat ng military exercises.

Nagpalipad at nagpasabog rin sa unang pagkakataon, ng US Tomahawk missile mula Tacloban papuntang Nueva Ecija.

Umaabot sa $500 milyon kada taon ang inilalaan para ipambili ng Pilipinas ng mga armas at kagamitang pandigma ng US.

Mapipinsala ng military exercises ang 1,600 ektarya ng lupaing sakahan at katutubo ang iniregalo ni Marcos sa US para sa Pax Silica. Bukod pa ito sa libo-libong ektaryang pagmiminahan ng critical minerals para sa mga industriya at gera ng US.

Reference: US Pacific Command; Philippine Information Agency; media reports

Address

Pasay City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Alyansang Makabayan - Pasay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share