23/05/2026
Ngayong hapon ay nagkaroon tayo ng pagkakataon upang ibahagi ang ating kaalaman patungkol sa Barangay Budget Process sa Barangay Development Plan Orientation/Crafting sa Barangay Maybunga.
Sa ating talakayan, binigyang-diin natin ang kabuuang proseso, mga legal na limitasyon, at ang kahalagahan ng aktibo, responsable, at maalam na partisipasyon ng bawat sektor ng komunidad sa pagpaplano at paglalaan ng pondo ng barangay.
Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng transparency, accountability, at wastong pag-prayoridad ng mga proyekto, matitiyak natin na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama, epektibo, at may direktang pakinabang sa kapakanan ng bawat ka-barangay.
Maraming salamat sa Pamahalaang Barangay ng Maybunga sa mainit na pagtanggap, at sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa ating makabuluhang talakayan. Nawa’y magsilbi itong matibay na hakbang tungo sa mas maayos, mas inklusibo, at mas responsableng pamamahala sa ating lungsod!