02/10/2026
๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐๐ซ๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
Pinangunahan ni Mayor Vico Sotto ang 3rd Quarter Local Housing Board (LHB) at Local Committee Against Squatting Syndicates and Professional Squatters (LCASSPS) Meeting na ginanap nitong Martes, September 29, 2026.
Dumalo rin sa pagpupulong sina Pasig City Human Settlements and Urban Development Committee Chairperson Kiko Rustia, mga kinatawan ng Pasig Urban Settlements Office (PUSO) at lokal na pamahalaan, mga miyembro ng LHB at LCASSPS, at representatives mula sa mga National Government Agencies (NGAs).
Tinalakay sa pagpupulong ang mga update sa kasalukuyang proyekto ng lungsod, kabilang ang konstruksyon ng Tawiran at Daang Banca Housing Projects, gayundin ang pagpaplano para sa mga nalalapit na Tambacan 2, VICPER, at Kalaawaan Township Housing Projects.
Kabilang din sa mga usapin ang relocation at disaster-related concerns ng Informal Settler Families (ISFs), gayundin ang mga hakbang upang mapangalagaan ang mga cleared areas sa lungsod.
Nagkaroon din ng presentasyon mula sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at National Anti-Poverty Commission (NAPC) hinggil sa kanilang mga programa at available na assistance para sa housing, urban development, at mga ISF.