29/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ ๏ธ๐ค
Maging mapanuri sa mga nakikita online. Sa panahon ngayon, mabilis nang makagawa ng AI-generated images at videos na mukhang totoo ngunit maaaring edited, manipulated, o tuluyang gawa lamang ng artificial intelligence.
Nakababahala rin na ginagamit ang AI upang gumawa ng maling content na maaaring makapanira ng reputasyon, magpalaganap ng misinformation at disinformation, o magsamantala sa iba.
Walang pinipiling biktima ang AI deepfakes at online scams. Maaaring mabiktima ang kababaihan, mga bata, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at iba pang vulnerable sectors sa pamamagitan ng fake photos, deepfake videos, cyberbullying, harassment, online scams, at iba pang uri ng panloloko.
Ayon sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto, mas lumalala at mas nagiging sopistikado ang online financial crimes at AI-generated scams. Kumakalat na rin ang mga fake at AI-generated videos na minsan ay halos hindi na matukoy kung totoo o hindi dahil maging ang audio ay tunog totoo na rin. May mga investment scam, love scam, at iba pang mapanlinlang o ilegal na online activities tulad ng gambling website referrals.
Dagdag pa ni Mayor Vico, habang patuloy na umuunlad ang AI technology, mas lalo pang gagaling at magiging kapani-paniwala ang mga scam na ito , kabilang na ang posibilidad ng video calls gamit ang mukha at boses ng kakilala natin upang manloko.
Kaya mahalagang magtulungan tayo sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at awareness, lalo na para maprotektahan ang ating pamilya at mga mahal sa buhay na maaaring mas vulnerable sa ganitong uri ng panloloko.
Bago mag-react, mag-share, o maniwala sa isang post:
โ๏ธ I-check ang source ng impormasyon;
โ๏ธ Tingnan kung may inconsistencies o kakaibang detalye sa larawan o video;
โ๏ธ Maghanap ng official confirmation mula sa mapagkakatiwalaang news outlets o government agencies;
โ๏ธ Huwag agad magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon;
โ๏ธ I-report ang mga mapanlinlang o kahina-hinalang content online.
Tandaan: Hindi lahat ng nakikita online ay totoo. Ang pagiging responsable at mapanuri sa social media ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga sarili, pamilya, at komunidad laban sa fake news, misinformation, disinformation, at online exploitation. ๐ฑ๐ก๏ธ
READ: https://www.facebook.com/share/v/1EFz1TfXzj/