Barangay Santolan Gender And Development Office

Barangay Santolan Gender And Development Office Promote a gender-responsive community.

16/09/2026

๐€๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ฌ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ค๐ข๐ญ, ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ค๐จ๐ญ, ๐ฆ๐š๐ง๐ -๐œ๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ, ๐ฆ๐š๐ง๐ -๐ก๐š๐ซ๐š๐ฌ๐ฌ, ๐จ ๐ฆ๐š๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฌ๐š'๐ญ ๐ข๐ฌ๐š.

๐–๐‘๐Ž๐๐† ๐“๐€๐๐Ž๐๐† โ€“ โ€œ๐๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐จ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐ข๐ง? ๐€๐ฌ๐š๐ฐ๐š ๐ฆ๐จ ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง.โ€ ay maaaring maging nakasasakit dahil ipinahihiwatig nito na ang pagiging mag-asawa ay sapat nang dahilan para patawarin ang isang taong nakapanakit o nang-abuso.

Sa realidad, ang pagpapatawad ay hindi obligasyon, at hindi rin ito dapat gamitin upang bigyang-katwiran o ipagwalang-bahala ang pang-aabuso. May karapatan ang bawat tao na magtakda ng boundaries, lumayo sa mapanganib na sitwasyon, humingi ng tulong, at gumawa ng mga desisyong makapoprotekta sa kanyang sarili at sa kanyang mga anak.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, kinikilala ang ibaโ€™t ibang anyo ng violence against women and their children, kabilang ang physical, sexual, psychological, at economic abuse. Saklaw din ng batas ang mga gawa o serye ng mga gawa na nagdudulot o maaaring magdulot ng physical, sexual, o psychological harm or suffering, kabilang ang threats, coercion, harassment, at arbitrary deprivation of liberty.

Kabilang sa psychological violence ang mga kilos o asal na nagdudulot o maaaring magdulot ng mental o emotional suffering. Maaari rin itong sumaklaw sa mga kilos na nagdudulot ng alarm o substantial emotional or psychological distress, kabilang ang harassment, depende sa mga pangyayari at elementong itinatakda ng batas.

Kaya hindi sapat na sabihin na โ€œAsawa mo naman.โ€ Ang pagiging mag-asawa ay hindi lisensya para manakit, manakot, mang-control, mang-harass, o magdulot ng matinding emotional at psychological distress. At ang pananatili sa isang relasyon, kung iyon man ang naging desisyon ng isang tao, ay hindi nangangahulugang pumapayag siya sa anumang uri ng pang-aabuso.

Minsan, ang tanong na โ€œBakit hindi mo patawarin?โ€ ay maaaring magmukhang simpleng payo, pero maaari itong maging dagdag na bigat para sa isang taong pinoproseso ang kanyang karanasan. Sa halip na pilitin siyang magpatawad o bumalik sa relasyon, mas mabuting itanong, โ€œOkay ka lang ba? Ligtas ka ba? Ano ang kailangan mo ngayon, at paano kita masusuportahan?โ€

Remember, forgiveness is a personal choice, not an obligation. Being married does not mean tolerating abuse, and no one should be pressured to sacrifice their safety, dignity, and well-being just to preserve a relationship.

Kung may taong nakararanas ng violence o abuse, pakinggan natin siya nang walang panghuhusga at tulungan siyang makahanap ng ligtas at angkop na suporta. Hindi natin kailangang sabihin kung ano ang โ€œdapatโ€ niyang gawin. Minsan, ang pinakamahalagang sabihin ay, โ€œNaniniwala ako saโ€™yo. Hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa.โ€

Ano mang oras, saan man naroroon, .

16/09/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐€๐‘๐€๐–๐€๐, ๐Š๐Ž๐๐’๐ˆ ๐๐Ž๐˜๐ˆ๐„!

The Pasig City GAD Department warmly extends our birthday greetings to Konsehal Ronald Alan โ€œBoyieโ€ Raymundo, Committee Chairperson on Gender and Development.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta sa mga inisyatiba ng ating Lungsod, gayundin sa inyong walang sawang pagsusulong ng mga batas na nagtataguyod ng isang patas, ligtas, at inklusibong lipunan para sa bawat Pasigueรฑo.

Nawaโ€™y maging makabuluhan ang panibagong taon ng inyong buhay, at patuloy kayong pagkalooban ng lakas, karunungan, at inspirasyon sa inyong paglilingkod sa ating lungsod at sa mga taong inyong pinaglilingkuran.

Happy birthday, Konsehal Boyie Raymundo from your Pasig City GAD family!

Happy 60th Birthday Ma'am Kitty! May this beautiful milestone bring you more happiness, good health, peace, and countles...
06/09/2026

Happy 60th Birthday Ma'am Kitty! May this beautiful milestone bring you more happiness, good health, peace, and countless blessings.

Your dedication, hard work, and commitment as a Department Head are truly inspiring. Thank you for being a hardworking and dependable leader who continues to guide and support everyone in the workplace. Your passion for your work and your willingness to serve are greatly appreciated.

May you continue to be blessed with good health, strength, and wisdom as you lead and inspire others. Cheers to 60 wonderful years and to many more successful and meaningful years ahead! โค๏ธ๐Ÿฅ‚๐ŸŽ‰

Love: GAD family! ๐Ÿฉท๐ŸŒน

21/08/2026

GAD MANDATE | ๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ข๐ค๐š๐ฐ ๐š๐ฒ ๐›๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐•๐€๐–๐‚ ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ ๐š๐ฆ๐จ๐ญ, ๐ฆ๐š๐ ๐ฉ๐š-๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ฌ๐ž๐ฅ, ๐ก๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š๐ฉ ๐ฌ๐š ๐ค๐จ๐ซ๐ญ๐ž, ๐จ ๐š๐ฌ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฎ๐ก๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฌ๐จ, ๐ฆ๐š๐š๐š๐ซ๐ข ๐ค๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ฏ๐š๐ข๐ฅ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ฅ๐ž๐š๐ฏ๐ž.

Alinsunod sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, ang isang babaeng empleyado na biktima ng Violence Against Women and Their Children (VAWC) ay may karapatang mag-avail ng hanggang sampung (10) araw na paid leave upang matugunan ang mga kinakailangang hakbang kaugnay ng karahasang kanyang naranasan.

Ang leave na ito ay maaaring gamitin para sa mga legal, medical, psychological, o iba pang kinakailangang serbisyo, kabilang ang pagdalo sa mga hearing, pagkuha ng medical o psychological services, at iba pang hakbang o proseso para sa kaligtasan at kapakanan ng biktima.

Mahalagang tandaan: ang VAWC leave ay hindi isang pribilehiyong maaaring ipagkait o ibigay lamang kapag nais ng employer. Ito ay isang karapatang itinatadhana ng batas para sa mga kwalipikadong biktima. Hindi rin ito kapalit o bahagi ng maternity leave. Layunin nitong bigyan ang biktima ng sapat na panahon upang harapin ang mga epekto ng karahasan at makagawa ng mga hakbang para sa kanyang proteksyon, without having to choose between her safety and her livelihood.

Kung ikaw ay biktima ng VAWC at nangangailangan ng VAWC leave, maaari kang humingi ng tulong at kumuha ng mga kaukulang dokumento mula sa mga awtoridad o service providers na tumutugon sa iyong kaso. Hindi dapat maging hadlang ang trabaho sa iyong paghingi ng proteksyon, hustisya, at suporta.

Para sa iba pang katanungan tungkol sa mga batas na nagtataguyod ng proteksyon laban sa gender-based violence, maaaring magpadala ng mensahe sa Pasig City GAD Legal and Special Concerns Division sa [email protected].




18/08/2026

๐€๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ, ๐ฆ๐š๐ ๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฒ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ค๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ ๐ข๐ ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ, ๐๐ข๐ฌ๐ค๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐จ ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ.

Ang pagpili ng hanapbuhay at pagkakaroon ng sariling kabuhayan ay karapatan ng bawat isa, babae man o lalaki. Hindi ito dapat nakabatay sa kasarian, ni nakadepende sa pahintulot o kontrol ng iba. Bawat isa, lalo na ang kababaihan na madalas nakararanas ng ganitong uri ng diskriminasyon, ay may kalayaang magtrabaho, kumita, at gumawa ng mga desisyong makabubuti para sa kinabukasan ng kanilang sarili at pamilya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act, ang pagkontrol o pagbabawal sa isang babae na magtrabaho, kumita, o magkaroon ng sariling kabuhayan ay maaaring ituring na economic abuse. Ang paglimita sa kanyang kakayahang maging financially independent ay isang anyo ng karahasan na kinikilala at pinaparusahan ng batas.

Sama-sama nating buwagin ang mga paniniwalang naglilimita sa kalayaan ng kababaihan. Isulong natin ang isang lipunang kumikilala sa kanilang karapatang maghanapbuhay, maging financially independent, at makapagpasya para sa kanilang sarili nang malaya, ligtas, at may dignidad.

Mahalagang tandaan na kapag ang kababaihan ay may kalayaang makapagtrabaho at maabot ang kanilang buong potensyal, mas tumatatag ang pamilya, mas umuunlad ang komunidad, at mas nagiging pantay ang kinabukasan at oportunidad para sa lahat.

18/08/2026

๐‹๐ฎ๐ก, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐จ ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ค๐๐š ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ฒ. Ang isang healthy relationship ay nakabatay sa mutual respect, communication, shared responsibility, at pantay na pagpapasya, not on gender.

๐–๐‘๐Ž๐๐† ๐“๐€๐๐Ž๐๐† โ€“ โ€œ๐‹๐š๐ฅ๐š๐ค๐ข ๐ค๐š, ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐›๐š ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ข๐ค๐š๐ฐ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ก๐š๐ฒ?โ€ ay maaaring maging nakasasakit dahil ipinahihiwatig nito na ang pagiging lalaki ay nagbibigay ng awtomatikong awtoridad o kapangyarihang mamuno sa pamilya. Nakaugat ito sa gender stereotype na ang lalaki ang dapat maging โ€œulo ng tahananโ€ at ang kanyang desisyon ang dapat masunod, habang ang babae ay inaasahang sumunod.

Sa realidad, ang pamumuno sa loob ng pamilya ay hindi nakabatay sa kasarian. Ang mga desisyon sa tahanan ay maaaring pag-usapan at pagkaisahan ng magkapareha, batay sa kanilang mga pangangailangan, kakayahan, responsibilidad, at kapakanan ng buong pamilya. Ang pagiging lalaki ay hindi nagbibigay ng higit na karapatan na kontrolin o diktahan ang ibang miyembro ng pamilya.

Ang ganitong pananaw ay maaaring magpalakas ng gender stereotypes at hindi pantay na power dynamics sa loob ng tahanan. Maaari rin nitong gawing normal ang paniniwala na ang lalaki ang laging may huling salita, na maaaring humantong sa pagkontrol, kawalan ng boses, at hindi pantay na pagdedesisyon sa relasyon at pamilya.

Manatiling sensitibo at magalang sa pakikitungo sa iba. Itaguyod natin ang pamilyang may respeto, bukas na komunikasyon, shared responsibility, at pantay na pagkakataong marinig at makapagdesisyon ang bawat isa.

Remember, being a man does not mean having the final say at home. A healthy family is built on respect, equality, partnership, and shared decisions, not gender-based authority.**

Ano mang oras, saan man naroroon, .

18/08/2026

GADictionary | ๐‡โ€™๐ฐ๐š๐  ๐ข๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ. ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ ๐ฆ๐ž๐š๐ง๐ฌ ๐ง๐จ ๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ข๐ง๐ . ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐ž๐š๐ง๐ฌ ๐Ÿ๐ซ๐ž๐ž๐ฅ๐ฒ ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฌ๐ข๐ง๐ .

Sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, kinikilala ang coercion o pamimilit bilang isa sa mga anyo ng karahasang saklaw ng batas. Sa Section 5(g), kabilang sa violence against women and their children ang pagkilos na nagdudulot o nagtatangkang magdulot sa isang babae o kaniyang anak na makibahagi sa isang sekswal na gawain sa pamamagitan ng force, threat of force, physical harm, o intimidation.

Samantala, sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, ipinagbabawal ang gender-based sexual harassment sa streets, public spaces, online, workplaces, at educational or training institutions. Kabilang dito ang mga unwelcome sexual advances, requests or demands for sexual favors, at iba pang hindi kanais-nais na asal na sekswal na nakaaapekto sa dignidad, kaligtasan, o kapakanan ng isang tao.

Tandaan: Ang โ€œhindiโ€ ay hindi kailangang ipilit para maging โ€œoo.โ€ Kapag kailangan ng pananakot, panggigipit, pamumuwersa, o paggamit ng kapangyarihan upang makuha ang pagsang-ayon ng isang tao, hindi ito tunay na malaya at kusang-loob na pahintulot.

Hindi rin nagiging katanggap-tanggap ang pamimilit dahil lamang sa pagiging magkasintahan, mag-partner, mag-asawa, magkaibigan, magkatrabaho, o dahil may dating relasyon ang mga sangkot. May karapatan ang bawat isa na tumanggi, magtakda ng hangganan, at baguhin ang kaniyang isip, anumang oras.

18/08/2026

๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง ๐ก๐š๐ฏ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐ญ๐จ ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ฎ๐ž ๐š๐ง๐ฒ ๐œ๐š๐ซ๐ž๐ž๐ซ, ๐ฅ๐ž๐š๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐œ๐จ๐ง๐Ÿ๐ข๐๐ž๐ง๐œ๐ž, ๐š๐ง๐ ๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ž ๐ข๐ง ๐š๐ง๐ฒ ๐ซ๐จ๐ฅ๐ž ๐ญ๐ก๐ž๐ฒ ๐š๐ซ๐ž ๐ช๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ข๐ž๐ ๐Ÿ๐จ๐ซ. ๐๐ž๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ง๐จ ๐œ๐š๐ซ๐ž๐ž๐ซ ๐ข๐ฌ โ€œ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฆ๐ž๐ง ๐จ๐ง๐ฅ๐ฒ,โ€ ๐š๐ง๐ ๐ง๐จ ๐๐ซ๐ž๐š๐ฆ ๐ฌ๐ก๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐›๐ž ๐ฅ๐ข๐ฆ๐ข๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ ๐ ๐ž๐ง๐๐ž๐ซ.

Women can be police officers, firefighters, engineers, construction workers, pilots, doctors, entrepreneurs, community leaders, and professionals in fields often perceived as โ€œmenโ€™s work.โ€ Their gender should never determine what career they can pursue or how far they can go.

Letโ€™s dismantle the belief that certain jobs, skills, or leadership roles belong only to men. What matters is a personโ€™s competence, passion, and commitment, not their gender.

Letโ€™s build a society where every woman has equal opportunities to choose her profession, develop her skills, lead, and contribute without being limited by outdated gender stereotypes.

18/08/2026

๐‘๐ž๐ฆ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ, ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ข๐ฌ ๐ง๐จ โ€œ๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐žโ€ ๐ญ๐จ ๐ฉ๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ญ๐ซ๐š๐ฎ๐ฆ๐š. ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š๐ฒ๐ž๐ ๐ซ๐ž๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐จ๐ž๐ฌ ๐ง๐จ๐ญ ๐š๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐œ๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ข๐ง๐ฏ๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ž ๐š ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง'๐ฌ ๐ž๐ฑ๐ฉ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž. Ang bawat tao ay may sariling panahon at paraan ng pagproseso ng trauma, takot, at sakit. Ang hindi agad pagsasalita o pagsusumbong ay hindi nangangahulugang hindi nangyari ang pambabastos o hindi ito dapat seryosohin.

๐–๐‘๐Ž๐๐† ๐“๐€๐๐Ž๐๐† โ€“ โ€œ๐๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ญ๐จ๐ฌ ๐ค๐š, ๐›๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐š ๐š๐ ๐š๐ ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐›๐จ๐ง๐ ?โ€ ay maaaring maging nakasasakit dahil ipinahihiwatig nito na may obligasyon ang biktima na agad magsalita o kumilos pagkatapos ng isang traumatic na karanasan. Maaari nitong iparamdam sa biktima na siya ay may kasalanan dahil hindi siya agad nakapagsumbong.

Sa realidad, iba-iba ang paraan ng bawat tao sa pagharap sa pambabastos, harassment, at iba pang anyo ng karahasan. Maaaring makaranas ang isang biktima ng takot, hiya, shock, confusion, trauma, o pangamba sa magiging resulta ng pagsusumbong. Hindi natin dapat gamitin ang panahon ng kanilang pagsasalita bilang sukatan ng kanilang kredibilidad o ng bigat ng kanilang karanasan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, may itinakdang prescriptive periods na nagkakaiba depende sa uri ng paglabag. Halimbawa, ang mga offense sa Section 11(a) ay may one-year prescriptive period; Section 11(b), three years; Section 11(c), ten years; Section 12 offenses are imprescriptible; at Sections 16 and 21 offenses prescribe in five years.

Gayunpaman, ang eksaktong prescriptive period ay nakadepende sa uri at mga elemento ng paglabag, kaya mahalagang makipag-ugnayan sa awtoridad o legal professional para sa wastong assessment ng isang partikular na kaso.

Ang dapat nating itanong ay hindi, โ€œBakit hindi ka agad nagsumbong?โ€ kundi, โ€œPaano kita matutulungan?โ€ Makinig nang walang panghuhusga, igalang ang kanilang desisyon, at tulungan silang malaman ang kanilang mga karapatan at mga available na support services.

Instead of blaming survivors, let us create a safe environment where they can speak, seek help, and pursue appropriate remedies when they are ready and within the periods allowed by law.

Ano mang oras, saan man naroroon, .

14/07/2026

๐‹๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐š๐ง, ๐ฆ๐š๐ฒ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง.

Sa isang lipunang inklusibo, bawat isa, anuman ang kapansanan, ay may karapatang makilahok nang ganap, magkaroon ng pantay na oportunidad, at maipamalas ang kanilang kakayahan nang may dignidad at paggalang.

Sama-sama nating buwagin ang mga maling pananaw, stereotype, at mga hadlang na naglilimita sa partisipasyon ng mga taong may kapansanan. Kilalanin natin ang kanilang kakayahan, hindi ang kanilang limitasyon, at itaguyod ang isang komunidad kung saan ang bawat isa ay may pagkakataong umunlad, makapag-ambag, at maging bahagi ng pagbabago.

-

Alinsunod ito sa Proclamation No. 597, s. 2024, na nagtatakda sa Hulyo 17 hanggang 23 ng bawat taon bilang National Disability Rights Week, bilang pagkilala sa patuloy na pagsusulong ng karapatan, dignidad, at pakikilahok ng person with disability sa ating lipunan.

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Santolan Gender And Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share