Municipality of Pateros

Municipality of Pateros Official page of the Municipal Government of Pateros.

๐Ÿถ๐Ÿฑ Protektahan ang inyong mga alagang hayop at maging responsableng fur parents! โค๏ธInaanyayahan ang lahat ng taga-Patero...
07/08/2026

๐Ÿถ๐Ÿฑ Protektahan ang inyong mga alagang hayop at maging responsableng fur parents! โค๏ธ

Inaanyayahan ang lahat ng taga-Pateros na makiisa sa Libreng Anti-Rabies Vaccination at Blessing of Pets na inihahandog ng Municipality of Pateros sa pakikipagtulungan ng De La Salle Araneta University.

๐Ÿ—“ Agosto 15, 2026 (Sabado) ๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 4:00 PM ๐Ÿ“ Museo de Pateros, Brgy. Poblacion, Pateros

Ang pagpapabakuna laban sa rabies ay mahalaga upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alagang hayop at maprotektahan din ang ating pamilya at komunidad. Kasabay nito ay magkakaroon din ng Blessing of Pets bilang pasasalamat sa pagmamahal at saya na hatid ng ating mga fur babies.

๐Ÿ“Œ Paalala: Huwag kalimutang dalhin ang Vaccination Card ng inyong alagang hayop.

๐Ÿ“ž Para sa mga katanungan at iba pang detalye, tumawag sa 8424-8370 local 111.

Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, malinis, at rabies-free na Pateros. Kita-kits sa Agosto 15!

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

07/08/2026

๐Ÿ“š Patuloy ang Pagkatuto sa kabila ng Suspensyon ng Klase

Pagpupugay at paghanga sa masisipag at mahusay na pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon at sa ating mga g**o sa matagumpay na pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning sa Bayan ng Pateros.

Sa kabila ng masamang panahon at suspensiyon ng face-to-face classes, patuloy ang ating pagsisikap na matiyak na hindi napuputol ang pagkatuto ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng ADM, naipagpapatuloy ng ating mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral kahit nasa loob sila ng kanilang mga tahanan.

Lubos din nating pinahahalagahan ang dedikasyon ng ating mga education leaders at mga g**o na hindi lamang naghihintay sa kanilang mga mag-aaral, kundi sila mismo ang lumalapit at pumupunta sa kanilang mga tahanan upang kumustahin ang kanilang kalagayan at personal na masig**o na naipatutupad nang maayos ang ADM.

Sa pangunguna ni Pateros Public Schools District Supervisor Dr. Rayand Saballe at Assistant Schools Division Superintendent Dr. Arturo Tolentino, kasama ang ating mga school heads na sina Dr. Shiela Cruz ng CHFES-Annex at Sir Rian Loriega ng Aguho Elementary School, gayundin ang ating mga dedikadong g**o, patuloy nating nasasaksihan ang tunay na diwa ng serbisyo sa edukasyon.

Ang ulan ay maaaring makapagsuspinde ng klase, ngunit hindi nito kailangang suspindihin ang pagkatuto.

Maraming salamat sa ating mga g**o at education leaders sa patuloy na pagtiyak na bawat batang Pateros ay may pagkakataong matutoโ€”anumang panahon at anumang kalagayan.

Mabuhay ang ating mga g**o! Mabuhay ang Kagawaran ng Edukasyon!




Walang Pasok sa Bayan ng PaterosAgosto 7, 2026Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa ating bayan dulot ng ...
06/08/2026

Walang Pasok sa Bayan ng Pateros
Agosto 7, 2026

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa ating bayan dulot ng habagat na pinalalakas ng Bagyong , ikinakansela ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kapwa sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa Bayan ng Pateros, bukas, Agosto 7, 2026 (Biyernes).

Alinsunod dito, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng pansamantalang suspensiyon ng mga klase.

Pinapayuhan din ang lahat ng ating mga kababayan na manatili sa loob ng kanilang tahanan at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas, lalo na sa mga lugar na maaaring bahain o mapanganib.

Patuloy pong mag-monitor ng mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Bayan ng Pateros at sa mga kinauukulang ahensya.
Mag-ingat po tayong lahat.

๐Ÿ“ข ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | ๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—กDahil sa kasalukuyang lagay ng panahon, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—”๐—ก muna ang ating Medical Mission upang mat...
06/08/2026

๐Ÿ“ข ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข | ๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก

Dahil sa kasalukuyang lagay ng panahon, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—”๐—ก muna ang ating Medical Mission upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga volunteers, partner organizations, at mga Paterosinong ating paglilingkuran.

๐Ÿ“… Ang bagong petsa ng programa ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng aming opisyal na page.

๐Ÿฉบ ๐—•๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป!

Maaari pa ring magparehistro sa pamamagitan ng link sa ibaba:
๐Ÿ”— https://forms.gle/7A34v3gAzbxF7qN77

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.

Ingat po tayong lahat!

MAHALAGAMG ANUNSYO:PAGSUSUSPINDE NG TRABAHO SA PAMAHALAANG BAYAN NG PATEROSAlinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na i...
05/08/2026

MAHALAGAMG ANUNSYO:

PAGSUSUSPINDE NG TRABAHO SA PAMAHALAANG BAYAN NG PATEROS

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President, at bunsod ng patuloy na malalakas na pag-ulan na dulot ng umiiral na masamang panahon, suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Pateros ngayong Agosto 6, 2026.

Hindi saklaw ng suspensiyong ito ang mga kawani na nakatalaga sa mga sumusunod na mahahalagang serbisyo:

- Serbisyong Pangkalusugan (Health Services)
- Disaster Risk Reduction and Management
- Emergency Response
- Public Safety
- Traffic Management
- Iba pang mga tanggapan at kawani na kinakailangang magpatuloy sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa publiko

Ang mga nabanggit na personnel ay inaatasang mag-ulat sa kanilang mga himpilan, alinsunod sa direktiba ng kanilang mga pinuno ng tanggapan, upang matiyak ang tuluy-tuloy na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at agarang pagtugon sa anumang emergency.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.

Sa ngalan ng mabuting pamamahala,

Gerald German
Punong Bayan

โœจ Sa gitna ng ating abalang paglilingkod, mahalagang maglaan ng oras para sa pananampalataya at pagninilay. ๐Ÿ™Bilang baha...
05/08/2026

โœจ Sa gitna ng ating abalang paglilingkod, mahalagang maglaan ng oras para sa pananampalataya at pagninilay. ๐Ÿ™

Bilang bahagi ng ating buwanang tradisyon, idinaos ngayong Unang Miyerkules ng buwan ang Banal na Misa para sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pateros.

Ang sama-samang pagdarasal ay paalala na ang tunay na serbisyo publiko ay nagsisimula sa pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa. Sa pamamagitan ng banal na misa, pinatatatag natin ang ating puso at isipan upang mas lalo pang makapagbigay ng tapat, mabilis, at maayos na serbisyo para sa bawat taga-Pateros.

Patuloy nating ipanalangin ang ating mga lingkod-bayan upang manatiling gabay ang Diyos sa bawat desisyon at gawaing kanilang ginagampanan para sa ating komunidad.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

๐Ÿ“ข May OFW ka bang kapamilya o kakilala? Ito na ang pagkakataong mapalawak ang kanilang kaalaman para sa magandang kinabu...
05/08/2026

๐Ÿ“ข May OFW ka bang kapamilya o kakilala? Ito na ang pagkakataong mapalawak ang kanilang kaalaman para sa magandang kinabukasan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ**

Matagumpay na isinagawa ang LANDBANK Go Bayani Caravan (Gabay sa Kinabukasan ng Pamilyang OFW) sa Pateros Elementary School Gymnasium, isang makabuluhang programa na naglalayong bigyan ng kaalaman at gabay ang ating mga Overseas Filipino Workers at kanilang mga pamilya sa tamang paghawak ng pananalapi, pagnenegosyo, pag-iimpok, at iba pang oportunidad na makatutulong sa kanilang pag-unlad.

Dumalo sa programa bilang suporta sii Mayor Gerald German, kasama si OIC PESO Manager Rhanyl Placido, mga opisyal at kawani ng LANDBANK, at ang ating mga OFW ng Pateros at kanilang mga pamilya na aktibong nakiisa sa nasabing caravan.

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng kaalaman at oportunidad sa ating mga kababayan. Sama-sama nating ihanda ang maayos at maliwanag na kinabukasan para sa bawat pamilya ng Pateros.

โœ… Abangan ang iba pang programa at serbisyong hatid ng Pamahalaang Bayan ng Pateros!

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Noong Martes,.ay muling bumisita ang DENR sa Pamahalaang Bayan ng Pateros kaugnay ng lot survey at road marking bilang p...
05/08/2026

Noong Martes,.ay muling bumisita ang DENR sa Pamahalaang Bayan ng Pateros kaugnay ng lot survey at road marking bilang paghahanda sa isasagawang road opening at road widening project sa Pateros.

Nakipagpulong ang lokal na pamahalaan sa DENR kasama sina:
โ€ข Engineer John Gamit
โ€ข Engineer Patrick Macazo, Assistant Division Chief, Surveys and Mapping Division
โ€ข Engineer Marian Luis

Kasama rin ni Mayor Gerald German sa pagpupulong si UPAO Head Diviรฑia Francisco upang tiyakin ang maayos na koordinasyon at mabilis na pag-usad ng mga kinakailangang hakbang para sa proyekto.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na paghahanda upang maisakatuparan ang mga proyektong magpapaganda sa daloy ng trapiko, magpapataas ng kaligtasan ng mga motorista at pedestrian, at magbibigay ng mas maayos na imprastraktura para sa ating mga taga-Pateros.

Patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong maghatid ng mas maayos at mas mabilis na serbisyo para sa ating bayan.

Gobyernong Maayos.
Gobyernong Bilis-Kilos.

Walang Pasok sa Bayan ng Pateros | Agosto 6, 2026Dahil sa inaasahang sama ng panahon na maaaring magdulot ng katamtaman ...
05/08/2026

Walang Pasok sa Bayan ng Pateros | Agosto 6, 2026

Dahil sa inaasahang sama ng panahon na maaaring magdulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan, batay sa weather forecast ng PAGASA dulot ng Bagyong , kinakansela ang lahat ng in-person classes sa Bayan ng Pateros bukas, Agosto 6, 2026 (Huwebes).

Saklaw ng suspensiyon ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, mula Child Development Centers (CDC) hanggang Senior High School.

Upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral, ipinag-uutos ang pagpapatupad ng Alternate Delivery Mode (ADM) of Learning alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng Department of Education.

Hinihikayat ang lahat na manatili sa loob ng tahanan kung hindi kinakailangang lumabas, maging mapagmatyag sa mga opisyal na anunsyo, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.

Mag-ingat po tayong lahat.

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ANUNSYOEARLY DISMISSAL OF CLASSES SA BAYAN NG PATEROS | AGOSTO 5, 2026Alinsunod sa inaasahang paglala ng la...
05/08/2026

๐Ÿ“ข OPISYAL NA ANUNSYO

EARLY DISMISSAL OF CLASSES SA BAYAN NG PATEROS | AGOSTO 5, 2026

Alinsunod sa inaasahang paglala ng lagay ng panahon dulot ng Bagyong , idinedeklara ang early dismissal of classes sa lahat ng mga paaralan (pampubliko at pribado) mula Child Development Centers hanggang Senior High School sa Bayan ng Pateros simula alas-11:00 ng umaga ngayong Agosto 5, 2026.

Pinapayuhan ang lahat ng mga mag-aaral na agad na umuwi sa kani-kanilang mga tahanan pagkatapos ng dismissal at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas. Hinihikayat din ang lahat na patuloy na mag-ingat at subaybayan ang mga susunod na opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Pateros.

Maraming salamat po,

Gerald German
Punongbayan

Address

841 G. De Borja
Pateros
1620

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Pateros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share