16/07/2026
πππππππ ππππ πππ πππππ, ππππππ ππ ππππππππππππππ ππ πππππππππ ππ πππ ππππππππππ; πππππ ππππππππππ, ππππππ πππππππππ ππ ππππππ ππ πππππ, πππππππ
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand βBongbongβ R. Marcos Jr., at sa patnubay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, na tiyaking ligtas, maayos, at disiplinado ang paggamit ng mga lansangan, patuloy na pinaigting ng LTO CALABARZON ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyong pangkalsada.
Sa ilalim ng pamumuno ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, higit pang pinalakas ang mga law enforcement operations laban sa mga motoristang, operator, at may-ari ng sasakyang lumalabag sa mga umiiral na batas-trapiko. Layunin ng pinaigting na kampanyang ito na mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan, maisulong ang disiplina sa pagmamaneho, at higit sa lahat, mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat gumagamit ng kalsada.
Bunga ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko, tatlong (3) wing van truck ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON sa magkakahiwalay na law enforcement operations na isinagawa ng LTO Cabuyao District Office, katuwang ang Regional Law Enforcement Service (RLES), sa mga lungsod ng Santa Rosa at BiΓ±an, Laguna. Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng LTO CALABARZON ng mga umiiral na batas at regulasyon upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa mga lansangan.
Sa isinagawang roadside inspection at beripikasyon ng mga sasakyan, natuklasan ng mga operatiba ang ibaβt ibang paglabag ng mga nasabing wing van truck. Lumabas sa pagsusuri na hindi rehistrado ang mga ito at gumagamit ng mga pekeng o kuwestiyonableng dokumento. Natuklasan din ang hindi pagtutugma ng nakakabit na plaka sa aktuwal na pagkakakilanlan ng sasakyan batay sa isinagawang engine at chassis verification. Bukod dito, nahuli rin ang mga ito sa paggamit ng improvised o hindi awtorisadong plaka, na malinaw na paglabag sa umiiral na mga batas at regulasyon ng Land Transportation Office.
Dahil sa mga natukoy na paglabag, agad na inisyuhan ng Temporary Operatorβs Permit (TOP) ang mga nasabing sasakyan alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 4136 at Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01.
Kasunod nito, ipina-impound ang tatlong (3) wing van truck at inendorso sa LTO Central Office upang sumailalim sa mas masusing imbestigasyon at kaukulang disposisyon. Isasailalim ang mga ito sa masusing beripikasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga iregularidad at mapanagot ang mga may kinalaman, alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.
Muling pinaalalahanan ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena ang lahat ng mga may-ari at operator ng sasakyan na tiyaking lehitimo ang kanilang mga dokumento, wasto at awtorisado ang nakakabit na plaka, at rehistrado ang kanilang mga sasakyan bago gamitin sa pampublikong lansangan.
Binigyang-diin ni RD Decena na magpapatuloy ang LTO CALABARZON sa mas pinaigting na pagpapatupad ng mga batas at regulasyong pangkalsada laban sa anumang uri ng pandaraya, paggamit ng mga pekeng dokumento at plaka, at iba pang paglabag na naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko at sumisira sa integridad ng sistema ng pagpaparehistro ng mga sasakyan.
βHindi tayo mag-aatubiling magsagawa ng kaukulang aksyon laban sa sinumang mapatutunayang lumalabag sa batas. Ang mahigpit na pagpapatupad ng ating mga regulasyon ay bahagi ng ating patuloy na layunin na matiyak ang ligtas, maayos, at disiplinadong paggamit ng mga lansangan,β ani RD Decena.