Municipal Health Office - Pililla, Rizal

Municipal Health Office - Pililla, Rizal Health Education and Promotion Unit

🏥 LOCAL HEALTH BOARD MEETING | PILILLA, RIZALMatagumpay na isinagawa ang Local Health Board Meeting sa Bayan ng Pililla,...
02/09/2026

🏥 LOCAL HEALTH BOARD MEETING | PILILLA, RIZAL

Matagumpay na isinagawa ang Local Health Board Meeting sa Bayan ng Pililla, na dinaluhan ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang sa sektor ng kalusugan.

Tinalakay sa pagpupulong ang gaganapin na Blood Letting Activity ngayon buwan, pag Update sa naganap na MR-SIA at sa pagtaas ng kaso ng sakit na Dengue. Nagkaroon din ng palitan ng mga pananaw, suhestiyon, at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilillanon.

🤝 Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at sama-samang pagkilos, patuloy nating isusulong ang isang mas malusog, ligtas, at maunlad na Pililla.

Kalusugan ng bawat Pilillanon, sama-sama nating pangalagaan! 💙

🏥🚨 MONITORING, EVALUATION, AND MENTORING FOR Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H)Isinagawa ang Moni...
02/09/2026

🏥🚨 MONITORING, EVALUATION, AND MENTORING FOR Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H)

Isinagawa ang Monitoring, Evaluation, and Mentoring for Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) in partnership with the Department of Health (DOH).

Layunin ng aktibidad na masuri ang kahandaan ng ating health facilities at local health system sa pagtugon sa mga sakuna, kalamidad, at health emergencies. Nagkaroon din ng assessment, feedback, at mentoring upang matukoy ang mga dapat pang pagbutihin at mapalakas ang mga kasalukuyang DRRM-H strategies and interventions.

🤝 Sa patuloy na pagtutulungan, pagpaplano, at capacity-building, sinisikap nating maging mas handa, matatag, at mabilis tumugon sa anumang emergency.

Preparedness today, stronger health response tomorrow!💙


📢 EXTENDED ANG MR SIA! 💉❤️Magandang balita, mga Pilillanon! Patuloy nating bibigyan ng pagkakataon ang mga batang hindi ...
31/08/2026

📢 EXTENDED ANG MR SIA! 💉❤️

Magandang balita, mga Pilillanon! Patuloy nating bibigyan ng pagkakataon ang mga batang hindi pa nabakunahan.

📅 Extended ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation (VAS) hanggang SEPTEMBER 4, 2026.

👧👦 Kung ang inyong anak ay hindi pa nababakunahan, huwag palampasin ang pagkakataong ito! Makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Station (BHS) o sa ating mga health workers para sa schedule at iba pang detalye.

💉 Isang bakuna, dagdag proteksyon laban sa Measles at Rubella.

🤝 Sama-sama nating abutin ang bawat bata at gawing mas ligtas at mas malusog ang ating komunidad!

Huwag nang maghintay—magpabakuna na! ❤️


📢 MAG-INGAT SA W.I.L.D. DISEASES! 🦠💧🦟Ngayong panahon ng pabago-bagong panahon at pag-ulan, mas mahalagang maging alerto ...
31/08/2026

📢 MAG-INGAT SA W.I.L.D. DISEASES! 🦠💧🦟

Ngayong panahon ng pabago-bagong panahon at pag-ulan, mas mahalagang maging alerto at maingat laban sa mga sakit na maaaring kumalat sa ating komunidad.

Ang W.I.L.D. Diseases ay tumutukoy sa mga sumusunod:

💧 W – Water-borne Diseases – tulad ng diarrhea at iba pang sakit na dulot ng kontaminadong tubig o pagkain.
🤧 I – Influenza-like Illnesses – mga sakit na may sintomas tulad ng ubo, sipon at lagnat.
🦠 L – Leptospirosis – maaaring makuha sa pakikipag-ugnayan sa tubig o putik na kontaminado ng ihi ng daga.
🦟 D – Dengue – sakit na naipapasa ng lamok na Aedes aegypti.

🛡️ Paano makakaiwas?
✅ Uminom ng malinis at ligtas na tubig.
✅ Panatilihin ang kalinisan ng pagkain at kapaligiran.
✅ Maghugas ng kamay nang madalas.
✅ Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.
✅ Alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
✅ Magpakonsulta agad kung may nararamdamang sintomas.

Sa sakit, mas mabuting maagap kaysa magsisi.
Maging W.I.L.D. aware at pangalagaan ang kalusugan ng buong pamilya! ❤️

Tamang kaalaman. Tamang pag-iingat. Mas ligtas na komunidad.



Kasabay ng panahon ng tag-ulan ang pagtaas ng kaso ng mala-trangkasong sakit na may kasamang ubo at sipon o Influenza-li...
29/08/2026

Kasabay ng panahon ng tag-ulan ang pagtaas ng kaso ng mala-trangkasong sakit na may kasamang ubo at sipon o Influenza-like Illnesses (ILIs).

Sa tamang pag-iingat, kaya nating mabawasan ang pagkalat ILIs tulad ng trangkaso.
Tandaan ang mga sintomas, paraan ng pagkalat, at sundin ang mga simpleng steps para protektahan ang iyong sarili, pamilya, at komunidad laban sa ILIs.

‘Pag lumala ang sintomas o nahihirapang huminga, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na ospital.

Malaking bahagi ng bansa ang patuloy na nakararanas ng malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng malawakang pagbaha. Dahil ...
28/08/2026

Malaking bahagi ng bansa ang patuloy na nakararanas ng malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng malawakang pagbaha. Dahil dito, posible ang kaso ng W.I.L.D. diseases:

⚠️Waterborne and Foodborne Diseases
⚠️Influenza-like Illnesses
⚠️Leptospirosis
⚠️Dengue

Paalala ng DOH, sundin ang mga simpleng hakbang laban upang makaiwas sa mga sakit na ito. Hindi komplikado, madali ipaalala at gawin ang mga ito sa inyong mga tahanan.

Tandaan, ang kalusugan ng pamilya ay responsibilidad ng bawat isa.

28/08/2026
Magpabakuna na laban sa Tigdas! 📢💉
24/08/2026

Magpabakuna na laban sa Tigdas! 📢💉

No child should suffer from a vaccine-preventable disease.

PIDSP stands firmly with the DOH in its "Ligtas Tigdas" campaign. With measles cases on the rise, we urge all parents, caregivers, and healthcare providers to ensure every eligible child receives their measles-rubella vaccine.

Safe. Effective. Life-saving. Visit your local health center today! 🏥

24/08/2026

Magpabakuna na po bukas sa Brgy. Quisao 💉🛡️

Address

Pililla
1910

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Pililla, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share