Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi

Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi, Political organisation, Pitogo.

HANDA NA BA KAYO MGA KABATAAN AT MAMAMAYAN NG SAMPALOC, QUEZON?Dean HEIDI MENDOZA at Sampaloc, QuezonKita-kits mamaya sa...
21/04/2025

HANDA NA BA KAYO MGA KABATAAN AT MAMAMAYAN NG SAMPALOC, QUEZON?

Dean HEIDI MENDOZA at Sampaloc, Quezon

Kita-kits mamaya sa Siryabutan sa Pamahalaang Bayan ng Sampaloc, Quezon.

HANDA NA BA KAYO, MGA KABATAAN AT MAMAMAYAN NG SAMPALOC, QUEZON?Isang mahalagang bisita ang darating bukas, Abril 21, 20...
20/04/2025

HANDA NA BA KAYO, MGA KABATAAN AT MAMAMAYAN NG SAMPALOC, QUEZON?

Isang mahalagang bisita ang darating bukas, Abril 21, 2025, sa ating bayan!

Tara na! Sama-sama nating salubungin si Dean Heidi Mendoza sa ating minamahal na Bayan, sa ganap na ika-3 ng hapon sa Pamahalaang Bayan ng Sampaloc.

Na'ay po! Atin pong pakinabangan ang pagdating ni Manay Leila de Lima, kasama sina Cong. Erin Tañada at EJ Bilog sa Quez...
13/04/2025

Na'ay po! Atin pong pakinabangan ang pagdating ni Manay Leila de Lima, kasama sina Cong. Erin Tañada at EJ Bilog sa Quezon!

Ngayong darating na Abril 14, 2025 samahan natin ang ML Partylist sa pagbisita sa bayan ng Lucban, Tayabas, at Lucena! Ipakita natin ang ating suporta at pakikiisa para sa isang malaya, makatao, at makatarungang lipunan. Huwag po nating palampasin ang pagkakataong ito!

Kita-kits, mga Quezonian! Sama-sama tayo sa pagkilos ✊ Para sa Hustisya at Reporma!



Noong Marso 27, 2025, nagtungo ang mga Kabataang Volunteer ng Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi sa Barangay Caldong upan...
08/04/2025

Noong Marso 27, 2025, nagtungo ang mga Kabataang Volunteer ng Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi sa Barangay Caldong upang magsagawa ng house-to-house campaign at ipakilala sina Kiko, Bam, at Heidi sa mga mamamayan.

Sa pangunguna nina Almhea Raneses at John Kenneth Parga, personal nilang kinausap ang mga residente ng Barangay Caldong upang ipaliwanag ang mga adhikain, proyekto, at layunin ng tatlong kandidato para sa Bansa. Kabilang dito ang patuloy na pagpapalawak ng Libreng Kolehiyo na isinulong ni Sen. Bam Aquino, ang pagpapatuloy ng mga programa at pagpapasa ng mga batas pang-agrikultura na sinimulan ni Sen. Kiko Pangilinan, at ang adbokasiya ni Heidi Mendoza sa paglaban sa korapsyon.

Ipinaliwanag din nila kung paanong ang mga batas na naipasa nina Kiko at Bam ay patuloy na nakatutulong sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino, at kung paano ito nagsisilbing gabay tungo sa isang mas maunlad na kinabukasan.

Samantala, ipinakilala rin nila si Heidi Mendoza, na sa loob ng 27 taon ay tapat na naglingkod sa bayan at aktibong lumaban sa korapsyon. Ipinaliwanag nila ang kahalagahan ng kanyang karanasan at paninindigan upang masugpo ang katiwalian sa gobyerno, at hinimok ang mga mamamayan na ihalal siya upang ipagpatuloy ang laban kontra korapsyon sa bansa.

Mga minamahal naming kababayang Sampalukin,Kami po ng Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi ay humihiling ng inyong suporta ...
25/03/2025

Mga minamahal naming kababayang Sampalukin,

Kami po ng Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi ay humihiling ng inyong suporta para sa aming adhikain para sa isang tapat at makabayang pamamahala sa pamamagitan ng masigasig na house-to-house campaign at pamamahagi ng campaign materials sa ating mga barangay. Sa aming patuloy na pagsisikap na maipaabot ang tamang impormasyon sa ating mga kababayan, nangangailangan po kami ng mga campaign materials na nasa larawan upang mas mapalakas ang ating kampanya.

Anumang tulong—maliit man o malaki—ay isang mahalagang ambag para sa tagumpay ng ating adhikain. Ang inyong suporta ay hindi lamang para sa kampanya kundi para rin sa mas magandang kinabukasan ng ating bayan!

Para sa mga nais tumulong o may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagmensahe sa aming social media account:

Jonard Mancenido
John Kenneth Parga
Almhea Raneses

#5 AQUINO, Bam
#45 MENDOZA, Heidi
#51 PANGILINAN, Kiko

#6 ML Partylist
#51 AKBAYAN Partylist

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa aming adhikain, lalo na sa masigasig na pagsasa...
22/03/2025

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa aming adhikain, lalo na sa masigasig na pagsasagawa ng house-to-house campaign at pamamahagi ng campaign materials sa ating mga barangay. Ang inyong walang sawang suporta ay isang malaking tulong upang maipagpatuloy natin ang kampanya at maipakilala sa buong bayan ang mga lider na tunay na karapat-dapat ihalal.

Patuloy po kaming maninindigan para sa isang malinis at tapat na gobyerno—isang pamahalaang inuuna ang kapakanan ng bawat mamamayan at nagsusulong ng mga programang Hello Pagkain, Presyo Pababain! Libreng Kolehiyo, Siguradong Trabaho! Labanan ang Korapsyon!

#5 AQUINO, Bam
#45 MENDOZA, Heidi
#51 PANGILINAN, Kiko

#6 ML Partylist
#51 AKBAYAN Partylist

Apatnapung kabataan mula sa Sampaloc, Quezon ang nakiisa sa Kiko-Bam Volunteer Campaign Kick-Off na ginanap sa Quezon Co...
22/03/2025

Apatnapung kabataan mula sa Sampaloc, Quezon ang nakiisa sa Kiko-Bam Volunteer Campaign Kick-Off na ginanap sa Quezon Convention Center sa Lucena City. Nagkaroon sila ng pagkakataong makasama ng personal sina Sen. Bam Aquino, Former Vice President, Atty. Leni Robredo, at si Ginoong John Raymund Pangilinan, nakababatang kapatid at kinatawan ni Sen. Kiko Pangilinan.

Sa kick-off event na ito, inilunsad at isinapubliko ang kanilang sari-sariling plataporma, kabilang ang Libreng Kolehiyo at Siguradong Trabaho ni Sen. Bam Aquino. Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat ang mga Quezonian sa mga programang pang-agrikultura na isinulong ni Sen. Kiko Pangilinan, na patuloy na pinakikinabangan ng mga magsasakang Quezonian.

Samantala, muling pinasalamatan ni Atty. Robredo ang mga taga-Quezon sa naging suporta sa kanya noong nakaraang halalan 2022, kung saan tumakbo siya bilang pangulo ng Bansa. Aniya, patuloy siyang bumabalik sa lalawigan upang ipagpatuloy ang pagsusulong ng mga programang kapaki-pakinabang, kabilang ang inilunsad niyang Angat Buhay Foundation. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng darating na halalan, sa kanyang pahayag; “Walang 2028 kung hindi natin matatawid ang 2025. Mangyayari lang ang 2028 kung pinagpaguran natin ang 2025.”

Taos-pusong nagpapasalamat ang mga kabataang nakiisa sa nagkaloob ng Libreng Sakay at sa mga nagpaabot ng pagkain, na naging daan upang maisakatuparan ang kanilang pagdalo sa nasabing pagtitipon.

#5 AQUINO, Bam
#45 MENDOZA, Heidi
#51 PANGILINAN, Kiko

#6 ML Partylist
#51 AKBAYAN Partylist

21/03/2025

Kiko sa Puso ko!

Kiko, Bam at Heidi sa puso ng bawat kabataang Sampalukin! 🩷💚💜

#5 AQUINO, Bam
#51 PANGILINAN, Kiko
#45 MENDOZA, Heidi

21/03/2025
20/03/2025
Gusto mo bang maging parte ng pagbabago? Handa ka na bang ibalik ang Kiko-Bam sa Senado? Tara na, Kabataang Sampalukin! ...
18/03/2025

Gusto mo bang maging parte ng pagbabago? Handa ka na bang ibalik ang Kiko-Bam sa Senado? Tara na, Kabataang Sampalukin!

Hatid sa atin ng Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi ang libreng sakay para sa KIKO-BAM Volunteer Campaign Kick-Off sa darating na Huwebes, Marso 20, 2025, na gaganapin sa Quezon Convention Center sa ganap na ika-4 ng hapon.

Makipag-ugnayan kay Almhea Rañeses, John Kenneth Parga, at Jonard Mancenido para sa karagdagang detalye ng libreng sakay tungo sa pagbabago.

Halina't sumama sa Sampaloc Youth Volunteers for Kiko-Bam-Heidi! Sama-sama nating ipakita ang ating suporta. Oras na muli upang humakbang at kumilos kasabay ng pagmulat ng mga mata—isang panawagan ng pagbabago na hindi mapipigilan! 💚🩷💜

Address

Pitogo
4329

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sampaloc Youth for Kiko-Bam-Heidi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share