Sangguniang Bayan ng Morong Bataan

Sangguniang Bayan ng Morong Bataan The Official page of Sangguniang Bayan ng Morong Bataan

Pagtatatag ng Local People’s Council sa Morong | Public HearingPinangunahan ni SB Jomar Albarda Castro, Committee Chairm...
03/08/2026

Pagtatatag ng Local People’s Council sa Morong | Public Hearing

Pinangunahan ni SB Jomar Albarda Castro, Committee Chairman on Cooperatives and People's Organizations, ang isinagawang Public Hearing noong July 22, 2026 hinggil sa Panukalang Ordinansa na naglalayong maitatag ang Local People's Council ng Bayan ng Morong. Layunin ng ordinansang ito na palakasin ang pakikilahok ng mga Civil Society Organizations (CSOs), People's Organizations (POs), Non-Government Organizations (NGOs), mga kooperatiba at iba pang samahang pangkomunidad sa pagbuo ng mga programa, polisiya at mahahalagang pagpapasya ng lokal na pamahalaan.

Dinaluhan ang pagdinig ng mga miyembro ng komite, mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan, kasama sina MLGOO Gonzales, Jr. ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Ms. Sagun ng CSO at mga kinatawan ng iba't ibang organisasyon sa bayan. Nagbahagi rin sila ng mahahalagang rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang implementasyon ng nasabing ordinansa.

Sa naging talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na sistema ng akreditasyon, mas matatag na representasyon ng mga organisasyon sa iba't ibang local special bodies at higit na pagpapalakas sa ugnayan ng pamahalaan at ng mamamayan. Patunay ang hakbang na ito na patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Morong ang isang makatao at inklusibong pamamahala, kung saan ang bawat sektor ay may pagkakataong makilahok, makapagpahayag, at maging bahagi ng paghubog ng kinabukasan ng ating bayan.

Pagdinig hinggil sa Alleged Illegal Hauling of Sand sa Sitio Fuerte, Brgy. Poblacion | Environmental ConcernsPinangunaha...
01/08/2026

Pagdinig hinggil sa Alleged Illegal Hauling of Sand sa Sitio Fuerte, Brgy. Poblacion | Environmental Concerns

Pinangunahan din noong July 21, 2026 ni SB Jomar Albarda Castro, Committee Chairman on Environmental Protection and Natural Resources, ang isang Committee Hearing as a Whole ng Sangguniang Bayan kaugnay ng reklamong may kinalaman sa umano'y ilegal na paghahakot ng buhangin sa Sitio Fuerte, Brgy. Poblacion.

Dumalo sa pagdinig ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama ang mga kinatawan mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Provincial Government–Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), DENR-Bagac at iba pang mga inimbitahang indibidwal na may kaugnayan sa usapin.

Sa pagdinig, tinalakay ang insidente noong July 8, 2026 kung saan naharang ang mga truck na may kargang buhangin na umano'y nagmula sa isang pribadong lupain sa Sitio Fuerte. Ibinahagi ng MPDO at MENRO ang kanilang mga naging obserbasyon at imbestigasyon, kabilang ang pagkakatuklas ng mga naihakot na buhangin na naitambak sa iba't ibang pribadong lugar. Ipinaliwanag naman ng kinatawan ng may-ari ng proyekto na ang buhangin ay nagmula sa paghuhukay para sa pundasyon ng isang residential development. Ayon sa kanila, ang pagpapahakot ng buhangin ay isinagawa sa mabuting hangarin upang maiwasan ang posibleng pinsala sa mga kalapit na kabahayan dahil sa nakaambang bagyo noong panahong iyon. Humingi rin sila ng paumanhin sa nangyari at nangakong hindi na ito mauulit.

Binigyang-diin ng PG-ENRO at MENRO na ang paghuhukay at paghahakot ng buhangin sa mga coastal areas ay mahigpit na kinokontrol ng batas sapagkat maaaring ito ay magdulot ng masamang epekto sa kalikasan, partikular sa marine biodiversity at sa mga baybaying nagsisilbing mahalagang habitat ng mga pawikan sa Morong. Ipinaalala rin na ang anumang ganitong gawain ay kinakailangang sumunod sa mga umiiral na permit at regulasyon.

Bilang resulta ng pagdinig, napagkasunduang maglalabas ang MENRO ng kaukulang Notice bilang pormal na dokumentasyon at paalala upang hindi na maulit ang naturang aktibidad. Tinalakay rin ng Komite ang paghahain ng mga rekomendasyon sa Pamahalaang Bayan upang higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyong naglalayong pangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman ng Morong.

Patuloy na naninindigan ang Sangguniang Bayan ng Morong sa pagsusulong ng responsableng kaunlaran na may kaakibat na pangangalaga sa kalikasan, alinsunod sa umiiral na mga batas at sa kapakanan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.

Usapin sa Environmental Concerns at Umano'y Illegal Quarrying sa Brgy. Nagbalayong | Committee HearingNoong July 21, 202...
01/08/2026

Usapin sa Environmental Concerns at Umano'y Illegal Quarrying sa Brgy. Nagbalayong | Committee Hearing

Noong July 21, 2026, pinangunahan ni SB Jomar Albarda Castro, Committee Chairman on Environmental Protection and Natural Resources, ang isang Committee Hearing as a Whole ng Sangguniang Bayan kaugnay ng pormal na reklamong inihain hinggil sa umano'y ilegal na quarrying at sa perwisyong dulot ng pagragasa ng putik sa farm-to-market road sa Brgy. Nagbalayong. Dinaluhan ang pagdinig ng mga Miyembro ng Sangguniang Bayan kasama ang mga kinatawan mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), Department of Environment and Natural Resources (DENR), DILG-Morong, mga opisyal ng Barangay Nagbalayong, mga apektadong residente, at ng nagpapakilalang may-ari ng lupa na siyang iniuugnay sa naturang reklamo.

Sa pagdinig, malayang naipahayag ng bawat panig ang kanilang mga paliwanag at saloobin. Ipinaliwanag ng nagpakilalang may-ari na ang isinagawang paghuhukay ay bahagi umano ng pag-develop ng kanilang lupain upang patagin ang lugar at magkaroon ng mas ligtas na daanan para sa mga naninirahan sa lugar. Samantala, binigyang-diin ng mga kinatawan ng LGU, PG-ENRO at DENR na ang anumang land development, excavation, hauling, o pagkuha ng lupa at bato ay kinakailangang sumunod sa umiiral na batas at dapat na kumuha muna ng kaukulang Development Permit at iba pang kinakailangang requirements bago magsagawa ng anumang operasyon sa lugar.

Ipinaliwanag din ng PG-ENRO na bagama't maaaring pribadong pag-aari ang lupa, ang mga mineral at quarry resources ay nananatiling pag-aari ng Gobyerno at ang anumang komersyal na pagkuha o paglalabas ng mga ito ay dapat may kaukulang pahintulot at pagbabayad ng itinakdang buwis alinsunod sa batas.

Bilang tugon sa agarang epekto ng pagguho ng lupa at pag-ipon ng putik sa kalsada, naglahad si Kap Mhar Geraldez ng mga pansamantalang hakbang tulad ng paglalagay ng sandbags at paggawa ng pansamantalang catch basin upang mapigilan ang pagragasa ng putik sa tuwing may malakas na ulan.

Iminungkahi naman ni MLGOO Mr. Gonzales, Jr. na siyang kinatawan din ng DILG na sa mga susunod na pagkakataong muling magkaroon ng pagguho ng lupa at pagragasa ng putik sa farm-to-market road, dapat na tawagin at atasan din ang mga operator at may-ari ng mga heavy equipment na ginamit sa naturang excavation upang sila mismo ang tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng napinsalang bahagi ng kalsada. Binigyan niyang diin na sila rin ay may pananagutan sapagkat ang kanilang operasyon ang isa sa mga naging ugat ng suliranin. Aniya, hindi nararapat na ang Lokal na Pamahalaan at ang Barangay lamang ang paulit-ulit na gumagastos ng pondo ng bayan sa paglilinis ng problemang hindi naman sila ang may direktang gawa. Sa ganitong paraan, maisusulong ang pananagutan ng mga sangkot at maiiwasan ang patuloy na pag-aaksaya ng pondo ng mga mamamayan.

Sa pagtatapos ng pagdinig, muling binigyang-diin ng Komite ang kahalagahan ng pagsunod sa umiiral na batas, pangangalaga sa kalikasan at pagtutulungan ng mga mamamayan at iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang makamit ang isang ligtas at may-boses na pamayanan.

Proposed Ordinance Institutionalizing the Joint Inspection Team (JIT) of the Municipality of Morong | Public HearingIsin...
31/07/2026

Proposed Ordinance Institutionalizing the Joint Inspection Team (JIT) of the Municipality of Morong | Public Hearing

Isinagawa noong July 14, 2026 ang pangalawang Public Hearing kaugnay ng Proposed Ordinance Institutionalizing the Joint Inspection Team (JIT) of the Municipality of Morong, Bataan, na isinusulong ni SB Hero Santos, Committee Chairman on Trade, Business Enterprise and Industry Promotion, kasama ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Dinaluhan din ang pagdinig ng mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan at sektor, kabilang ang Philippine Coast Guard (PCG), Department of the Interior and Local Government (DILG), Morong PNP, mga Punong Barangay at kinatawan ng mga Barangay, Municipal Planning and Development Office (MPDO), Business Permits and Licensing Office (BPLO), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Budget Office, at Municipal Sanitation Office.

Sa naging talakayan, masusing sinuri ang bawat probisyon ng panukalang ordinansa upang matiyak ang malinaw na komposisyon, saklaw ng kapangyarihan at pamantayan sa operasyon ng Joint Inspection Team. Nagbigay ang mga dumalong tanggapan ng mahahalagang mungkahi at teknikal na rekomendasyon, kabilang ang pagdaragdag ng mga katuwang na ahensya sa inspeksyon at pagpapahusay sa mga proseso upang maging mas malinaw at episyente ang aktuwal na pagpapatupad.

Ang lahat ng naging rekomendasyon ay tinanggap ng Komite bilang bahagi ng pagpipino sa panukalang ordinansa bago ito ihain sa susunod na yugto ng legislative process. Ipinakita ng pagdinig ang sama-samang layunin ng lokal na pamahalaan at ng iba't ibang ahensya na makabuo ng isang maayos at epektibong sistema ng business regulatory inspection para sa kapakanan ng mga negosyo at ng buong pamayanan ng Morong.

Panukalang Morong Athletes Incentives Program | Public HearingIsinagawa rin noong July 21, 2026 ng Sangguniang Bayan ang...
31/07/2026

Panukalang Morong Athletes Incentives Program | Public Hearing

Isinagawa rin noong July 21, 2026 ng Sangguniang Bayan ang Public Hearing kaugnay ng panukalang ordinansa na magtatatag ng Morong Athletes Incentives Program, isang hakbang na naglalayong magbigay ng cash incentives sa mga kwalipikadong indibidwal at team athletes na nagdadala ng karangalan sa ating bayan sa kinikilalang international, national, at regional sports competitions.

Pinangunahan ang pagdinig ni SKF President Hon. Mj Dumapias Cariaso, kasama ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan. Dumalo rin sa konsultasyon ang mga school heads, coaches, at mga kinatawan ng iba't ibang sektor, kabilang sina Noel Katipunan, Ms. Procylyn Vigo, Mrs. Alma Noriega, Mr. Ray Joseph P. Anilao, Mr. Elmer Santos, at Rubelita Reyes, Acting Municipal Budget Officer.

Sa naging talakayan, aktibong ibinahagi ng mga dumalo ang kanilang mga mungkahi upang higit pang mapalinaw ang ilang probisyon ng panukalang ordinansa at matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad nito. Kabilang sa mga tinalakay ang mga kwalipikasyon ng mga benepisyaryo, proseso ng pagbibigay ng incentives at iba pang mekanismong magsisilbing gabay sa implementasyon ng programa. Isa sa mga naging sentrong layunin ng panukala ay ang pagbibigay ng nararapat na pagkilala at cash rewards sa mga atletang nagbibigay ng karangalan sa Bayan ng Morong. Bilang tugon, ipinahayag ng mga school heads at coaches ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa inisyatibong ito, habang binigyan din nilang diin ang kahalagahan ng mas pinalakas na suporta ng Lokal na Pamahalaan sa pagsasanay at patuloy na paghubog sa kakayahan ng ating mga student-athletes upang lalo pa silang magtagumpay sa iba't ibang antas ng kompetisyon.

Sa pamamagitan ng bukas na konsultasyon at pagtutulungan ng Sangguniang Bayan, mga paaralan, coaches at iba pang stakeholders, patuloy na isinusulong ang isang programang hindi lamang nagbibigay ng pagkilala sa tagumpay ng ating mga atleta, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa mas marami pang kabataan na ipagpatuloy ang kanilang husay, dedikasyon at pagmamahal sa sports para sa karangalan ng ating bayan.

Proposed Ordinance on Short-Term Residential Rentals | Committee & Public HearingSa patuloy na pagsulong ng turismo sa a...
31/07/2026

Proposed Ordinance on Short-Term Residential Rentals | Committee & Public Hearing

Sa patuloy na pagsulong ng turismo sa ating bayan, mahalagang matiyak na ang bawat accommodation establishment ay ligtas at sumusunod sa umiiral na mga pamantayan. Noong July 14, 2016, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng pagdinig kaugnay ng Proposed Ordinance on Short-Term Residential Rentals na iniakda ni SB Hero Santos, Chairman ng Committee on Trade, Business Enterprise and Industry Promotion, kasama ang mga miyembro ng komite.

Dumalo rin sa pagdinig ang mga kinatawan mula sa Morong Tourism Office, Morong PNP, mga Barangay, Municipal Planning and Development Office (MPDO), Business Permits and Licensing Office (BPLO), Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Sanitation Office, na nagbahagi ng kanilang mga rekomendasyon upang higit na malinaw ang mga probisyon at matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng panukalang ordinansa.

Sa pamamagitan ng mabusising pagtalakay at pagbibigay ng teknikal na mungkahi mula sa iba't ibang sektor, layunin ng Sangguniang Bayan na makabuo ng isang ordinansang magtataguyod ng responsableng operasyon ng mga transient houses, homestays, short-term residential rentals at iba pang katulad na establisimyento. Ito ay kasabay ng pagpapalakas ng kaligtasan, kaayusan at kalidad ng serbisyong pangturismo sa Bayan ng Morong.

Muling Pagbibigay-Buhay sa Pagbuo ng Morong Official Hymn | Committee HearingNoong July 21, 2026, pinangunahan ni SB Kat...
30/07/2026

Muling Pagbibigay-Buhay sa Pagbuo ng Morong Official Hymn | Committee Hearing

Noong July 21, 2026, pinangunahan ni SB Kathyleen Vicedo, Chairperson ng Committee on Education, Arts and Culture, ang isinagawang pagdinig kaugnay ng Municipal Resolution No. 39, Series of 2019, na naglalayong pormal na likhain ang Morong Hymn Team na mangangasiwa sa pagbuo ng opisyal na himno ng Bayan ng Morong.

Sa talakayan, dumalo ang mga miyembro ng komite at ang mga inimbitahang magiging bahagi ng Morong Hymn Team, kabilang sina Mr. Noel Menor, Mr. Christian Apostol at Mrs. Nova Sulangi. Sa pagpupulong ay muling tinalakay ang naging estado ng resolusyon mula pa noong 2019 at ang mga hakbang upang maisakatuparan ang matagal nang adhikaing magkaroon ng isang opisyal na himno na sumasalamin sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan ng Morong.

Nagbahagi rin ang mga dumalo ng mahahalagang mungkahi at pananaw upang higit na mapaganda ang musical composition at kabuuang direksyon ng proyekto. Tinalakay rin ang mga kinakailangang paghahanda, kabilang ang budgetary requirements upang matiyak ang maayos na implementasyon nito.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kinatawan ng pamahalaan at ng mga lokal na musikero, inaasahang mabibigyang-buhay ang isang himnong magiging simbolo ng pagmamahal, pagkakaisa at pagmamalaki ng bawat taga-Morong sa ating mahal na bayan.

Proposed Ordinance on Conditional Business Permit on Business Establishments | Committee & Public Hearing Isinagawa noon...
30/07/2026

Proposed Ordinance on Conditional Business Permit on Business Establishments | Committee & Public Hearing

Isinagawa noong July 13, 2026 ang Committee at Public Hearing kaugnay ng panukalang Ordinance on Conditional Business Permit on Business Establishments, na iniakda ni SB Hero Santos, Committee Chairman on Trade, Business Enterprise and Industry Promotion.

Nakiisa sa pagdinig ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan kasama ang mga kinatawan mula sa DILG, Morong PNP, mga Punong Barangay at Barangay Officials, Municipal Planning and Development Office (MPDO), Business Permits and Licensing Office (BPLO), Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Sanitation Office upang masusing talakayin ang bawat probisyon ng panukalang ordinansa.

Sa naging pagdinig, tinalakay ang mga legal, teknikal at administratibong aspeto ng pagpapatupad ng isang Conditional Business Permit bilang alternatibong mekanismo para sa mga umiiral na negosyo na nahaharap sa mga usapin sa dokumentasyon at pagmamay-ari ng lupa. Nagbahagi ang bawat tanggapan ng mahahalagang obserbasyon at rekomendasyon, partikular sa mga probisyong may kaugnayan sa occupancy requirements, fire safety compliance, ownership documents at iba pang requirements upang matiyak na ang panukalang ordinansa ay magiging malinaw at naaayon sa umiiral na Batas.

Binigyang-diin din ng komite na ang layunin ng panukala ay hindi lamang mapadali ang pagnenegosyo, kundi higit sa lahat ay maisulong ang responsableng regulasyon, mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko, mapalawak ang pagsunod sa mga lokal na alituntunin at matiyak ang patas na pagpapatupad ng mga Batas sa lahat ng mga business establishment sa bayan.

Patuloy na pinagtitibay ng Sangguniang Bayan ng Morong ang isang bukas at konsultatibong proseso sa pagbuo ng mga lokal na Ordinansa upang matiyak na ang bawat polisiyang ipatutupad ay tunay na makatutugon sa pangangailangan ng mamamayan at sa patuloy na pag-unlad ng ating pamayanan.

Mas Mahigpit na Seguridad at Proteksyon para sa mga Magaaral, Tinalakay sa Joint Committee Hearing.Nagsagawa ang Sanggun...
15/07/2026

Mas Mahigpit na Seguridad at Proteksyon para sa mga Magaaral, Tinalakay sa Joint Committee Hearing.

Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng Joint Committee Hearing noong July 9, 2026 upang talakayin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan, alinsunod sa mga umiiral na guidelines ng Department of Education.

Pinangunahan ang pagdinig nina SB Kathyleen Vicedo, Chairman ng Committee on Education, SB Jomar Albarda Castro at SB James Darwin Castro, Chairman ng Committee on Peace and Order and Public Safety, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinatawan mula sa DepEd, Morong PNP, mga Barangay, MDRRMO at Marshals, TODA, at iba pang sektor. Sentro ng talakayan ang mas mapagmatyag na inspection sa pagpasok sa mga paaralan, mas mataas na police at Barangay Tanod visibility, pagpapatupad ng traffic regulations, pag-iwas sa bullying at karahasan, disaster preparedness, at mas mabilis na koordinasyon at pagtugon sa mga insidenteng maaaring maglagay sa panganib sa mga mag-aaral.

Bilang tugon, isinusulong ng Sangguniang Bayan ang mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng mga paaralan, Barangay, PNP, LGU at iba pang stakeholders upang magkaroon ng mas ligtas at protektadong kapaligiran para sa bawat mag-aaral.

Sa kaligtasan ng kabataan, mahalaga ang maagap na pagbabantay, malinaw na koordinasyon at pagkakapit-bisig ng buong komunidad.

Mas Matibay na Suporta at Pagkilala para sa mga Atletang Taga-Morong | Panukalang OrdinansaIsinagawa ng Sangguniang Baya...
09/07/2026

Mas Matibay na Suporta at Pagkilala para sa mga Atletang Taga-Morong | Panukalang Ordinansa

Isinagawa ng Sangguniang Bayan noong July 8, 2026 ang Committee Hearing as a Whole upang talakayin ang Panukalang Ordinansa na naglalayong itatag ang Morong Athletes Incentives Program —isang programa na magbibigay ng cash incentives sa mga kwalipikadong indibidwal at koponang atleta na mag-uuwi ng karangalan sa bayan mula sa mga kinikilalang international, national, regional at provincial sports competitions.

Pinangunahan ang pagdinig ni SKF President Hon. Mj Dumapias Cariaso, Committee Chairman on Youth & Sports Development, kasama ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan. Dumalo rin sa talakayan sina Mrs. Teresita Reyes mula sa Municipal Treasurer’s Office, Mrs. Rubelita Reyes mula sa Municipal Budget Office, at Ms. Rubie Lyn Valdez mula sa Municipal Accounting Office.

Sa masusing pagtalakay, nagbigay ang mga kinatawan ng mga tanggapan ng mahahalagang rekomendasyon sa ilang probisyon ng panukalang ordinansa upang higit na maging malinaw ang mga alituntunin, maayos ang paglalaan at paggamit ng pondo at matiyak ang epektibong pagpapatupad ng programa.

Patuloy na isinusulong ng Sangguniang Bayan ang mga hakbang na kumikilala sa husay at dedikasyon ng mga kababayan nating atleta na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bayan.

Address

Burgos Street
Poblacion
2108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng Morong Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share