18/09/2023
OPISYAL NA PAHAYAG NG BU LEADERS: LEAGUE OF DEMOCRATS KAUGNAY SA GINANAP NA KAPEACETAHAN PEACE FAIR SA LOOB NG BICOL UNIVERSITY
Sa ilalim ng administrasyong Marcos-Duterte, kitang-kita natin ang tuluy-tuloy na lantarang kapabayaan sa sektor ng edukasyon kaakibat ng pagsupil sa kalayaang akademiko nating mga kabataan at Iskolar ng Bayan. Kaya naman tinitignan namin na ang ginanap na KaPEACEtahan Peace Fair nitong nakaraang Setyembre 14 - 15, 2023 sa loob mismo ng Bicol University โ kung saan talamak ang mga kapulisan at kasundaluhan na may mga dala-dala at ibinalandrang armas, tanke at kung anu-ano pang mga armadong kagamitan โ na isang TUNAY NA ISYU na dapat mapag-usapan at maipaabot sa mga nag-organisa ng nasabing gawain: ang BU Administration, University Student Council (BU-USC), at iba pang mga naging kabahagi nilang organisasyon.
Kinukundena ng BU Leaders: League of Democrats ang pagpasok ng AFP-PNP at pagbabalandra ng kanilang mga armadong kagamitan sa loob ng ating pamantasan. Ang kanilang obhektibong para sa โkapayapaanโ ay mananatiling huwad sa panahon kung saan sila mismo ay maraming kaso ng karahasan laban sa mga kritiko, aktibista, estudyante at kahit na sa mga ordinaryong mamamayan. Ang kanilang naging presensya sa loob ng Bicol University ay pagsasawalang bahala sa seguridad ng mga estudyante at tila isang kawalan ng respeto sa ating mga BUeรฑos na naging at patuloy na nagiging biktima ng mga illegal profiling, red-tagging, trumped-up charges at kung anu-ano pang mga porma ng opresyon at intimidasyon.
WALANG PUWANG ANG MGA HUMAN RIGHTS VIOLATORS SA LOOB NG BICOL UNIVERSITY
Nais din namin magpaabot ng pagkadismaya sa naging hakbangin ng University Student Council ukol sa isyung ito. Datapuwa't tinatanggap natin ang paliwanag na ang nasabing gawain ay desisyon ng BU Administration, lumipas ang mga araw na wala man lamang tayong narinig o nakita na anumang porma ng pagtutol at paninindigan laban sa militarisasyong ito sa ating kampus mula sa USC. Bilang pinakamataas na gobyerno ng mga estudyante sa ating pamantasan, nais nating ipaalala na kaakibat ng mga posisyon ay ang responsibilidad na pagtibayin at i-representa ang mga estudyante at magkaroon ng malalim na kamalayan lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Lagi rin nating tatandaan na upang tunay na mapangatawanan ang mga estudyante, hiwalay at indyependente ang USC sa administrasyon ng unibersidad. Inaasahan namin na magiging positibo ang mga susunod na gagawin ng konseho sa importanteng usaping ito.
UPHOLD ACADEMIC FREEDOM, NO TO CAMPUS MILITARIZATION
Nagpapaabot din kami ng pagkadismaya sa hakbangin na ito ng BU Administration at hinihikayat sila na makiisa at manindigan para sa seguridad at karapatan ng kanilang nga estudyante. Sa mga nagdaang taon, sunud-sunod ang pagsupil at pag-atake laban sa ating mga kapwa estudyante ng Bicol University. Isa sa mga kapwa nating BUeรฑong ito ay si Justine Mesias na magpasahanggang ngayon ay nananatili pa ring kinakaharap ang mga gawa-gawang kaso laban sa kanya. Hangad nating matuldukan na ang mga ganitong kaso sa ating institusyon. Kaya naman sa ganitong panahon ay mas kinakailangan ang pakikibahagi ng lahat dahil ang tunay na KAPAYAPAAN ay nakakamit lamang kung mayroong HUSTISYA, KALAYAAN AT DEMOKRASYA.