08/08/2026
POLANGUI MPS AT MSWDO, NILINAW ANG VIRAL POST TUNGKOL SA UMANO'Y "FOREIGN NATIONAL NA HOMELESS"
POLANGUI, ALBAY โ Nilinaw at pinabulaanan ng Polangui Municipal Police Station (MPS), sa pamumuno ni PLTCOL EDGAR E AZOTEA, COP, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Polangui at ang Sangguniang Barangay ng Centro Oriental sa pangunguna ni Punong Barangay Marlon Sallao, ang mga kumakalat na balita sa social media ukol kay "Kent" na umano'y dayuhan (foreigner), walang tirahan (homeless), at sangkot sa paggamit ng bawal na gamot. Batay sa isinagawang beripikasyon ng Cyber Patrol Personnel ng Polangui MPS ngayong Agosto 8, 2026 kaugnay ng viral post mula sa Facebook account na "Carrie Laine Abad", lumabas na si "Kent" ay isang tunay na mamamayang Pilipino at tubong Polangui, Albay, at hindi isang foreign national.
Siya ay may opisyal na tirahan at may pamilya sa Brgy. Centro Oriental, kaya't walang katotohanan na siya ay palaboy o "homeless". Ang kanyang madalas na paggala o paglipat-lipat sa paligid ng komunidad ang naging dahilan kaya napagkamalan siyang walang tirahan o dayuhan ng ilang nakakakita.
Ngayong araw, Agosto 8, 2026 8:30 AM, personal na binisita ng kapulisan ng PNP Polangui kasama ng mga opisyal mula sa MSWDO Polangui at mga miyembro ng Barangay Council ng Centro Oriental kasama si Punong Barangay Marlon Sallao ang pamilya sa kanilang tahanan sa Brgy. Centro Oriental upang alamin ang tunay na lagay at magpaabot ng kinakailangang suporta.
Sa naging panayam at pakikipag-usap sa kanyang ina na si Ginang Gaudilla, inihayag nito ang mga sumusunod na detalye: Walang Kaugnayan sa Bawal na Gamot at Mariing itinanggi ni Ginang Gaudilla ang mga maling paratang sa social media na gumagamit ng droga ang kanyang anak. Kinumpirma rin ng pulisya na walang anumang katotohanan o batayan ang mga alegasyong ito. Inihayag ng ina na ang biological father ng kanyang anak na si "Wysocky" ay isang US Marine na kanyang nakilala noon sa Osaka, Japan. Bagamat naghiwalay rin sila at hindi nagtagal, kailanman ay hindi inacknowledge ni Wysocky ang bata bilang isang US citizen. Si "Kent" ay ipinanganak dito sa ating bayan na may kinikilalang pamilya, tahanan, at komunidad sa Polangui.
Hinihikayat ng Polangui MPS at Pamahalaang Lokal ng Polangui ang lahat ng netizens, mamamayan, at partikular ang mga bloggers at content creators na tiyakin muna at i-fact check ang anumang impormasyon bago ito isiwalat o i-post sa social media. Ang pagpapakalat ng hindi beripikadong balita ay nagdudulot ng maling impresyon, diskriminasyon, at stigma sa ating mga mamamayan.
Ipinapaalala sa lahat na ang ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐๐ก๐๐ซ๐ข๐ง๐ , ๐๐ฉ๐ซ๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐
๐๐๐๐ ๐จ๐ซ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ข๐ฌ ๐ ๐๐๐๐๐!
(๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ผ๐๐
๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐ 154 ๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐
๐ท๐๐๐๐ ๐ช๐๐
๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐
๐๐ ๐น๐จ 10175 ๐๐๐
๐น๐จ 10951)
Patuloy na naka alalay at nakatutok ang Polangui MPS at MSWDO upang matiyak ang kaligtasan, kapakanan, at nararapat na tulong para kay "Kent" at kanyang pamilya.
โBagong PNP para sa Bagong Pilipinas, Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman!โ
โIn case of emergency, call 911โ