07/09/2026
𝗙’𝗹𝗼𝗺𝗹𝗼𝗸 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗹 𝗥𝘂𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲
Setyembre 5–6, 2026
𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒐, 𝑷𝒐𝒍𝒐 & 𝑳𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏, 𝑷𝒐𝒍𝒐𝒎𝒐𝒍𝒐𝒌, 𝑺𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑪𝒐𝒕𝒂𝒃𝒂𝒕𝒐
Matagumpay na naisagawa noong Setyembre 5–6, 2026 ang F’lomlok Trail Run 2026, isa sa mga pangunahing tampok at pinakaaabangang gawain ng F’lomlok Festival. Ang naturang aktibidad ay hindi lamang naging isang paligsahan sa pagtakbo, kundi nagsilbi rin bilang mahalagang pagkakataon upang maipakita ang likas na ganda ng Bayan ng Polomolok, partikular ang mga tanawin, kabundukan, trail, at likas na yaman ng mga komunidad na naging bahagi ng aktibidad.
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng programa dahil sa masigasig at aktibong pamumuno ng 𝙇𝙖𝙙𝙮 𝙅𝙪𝙨𝙩𝙞𝙘𝙚 𝙀𝙣𝙙𝙪𝙧𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙀𝙫𝙚𝙣𝙩, sa pangunguna ni 𝘼𝙩𝙩𝙮. 𝙆𝙖𝙩𝙝𝙧𝙞𝙣𝙖 𝙑𝙖𝙣𝙚𝙨𝙨𝙖 𝙃𝙖𝙜𝙤𝙧𝙞𝙡𝙚𝙨, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Polomolok at ang iba't ibang tanggapan, organisasyon, volunteers, at mga komunidad na nakiisa sa nasabing gawain.
Kapansin-pansin sa buong aktibidad ang matibay na koordinasyon, pagtutulungan, at pagkakaisa ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Kabilang dito ang 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑫𝒊𝒔𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓 𝑹𝒊𝒔𝒌 𝑹𝒆𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆 (𝑴𝑫𝑹𝑹𝑴𝑶) sa pangunguna ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗼𝗻𝗮𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗙𝗮𝗯𝘂𝗹𝗮𝗿𝗲, na naging bahagi ng mga paghahanda at pagtitiyak sa kaligtasan ng mga kalahok; gayundin ang active Enforcers ng 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 – 𝗙𝗼𝗿𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗶𝗹𝗱𝗹𝗶𝗳𝗲 𝗘𝗻𝗳𝗼𝗿𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗠𝗘𝗡𝗥𝗢-𝗙𝗣𝗪𝗘) sa pangunguna ni 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗣. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝗰𝗶𝗮 𝗝𝗿 at 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗘𝘂𝗽𝗲𝗲 𝗭𝗮𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗔. 𝗔𝗯𝗲𝗱𝗶𝗻, kasama ang mga masigasig na 𝙈𝙀𝙉𝙍𝙀/𝘽𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙂𝙪𝙗𝙖𝙩 𝙫𝙤𝙡𝙪𝙣𝙩𝙚𝙚𝙧𝙨 na nagbigay ng kinakailangang field support at assistance.
Nakiisa rin ang 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲sa pangunguna ni 𝗦𝗶𝗿 𝗥𝗲𝘆𝗺𝗮𝗻 𝗥𝘂𝘀𝘁𝘆 𝗝𝗮𝘆𝗺𝗲, gayundin ang𝙄𝙈𝙋𝙍 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚 at iba pang support groups na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Malaki rin ang naging ambag ng 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑷𝒐𝒍𝒊𝒄𝒆 – 𝑷𝒐𝒍𝒐𝒎𝒐𝒍𝒐𝒌 𝑴𝒖𝒏𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒍 𝑷𝒐𝒍𝒊𝒄𝒆 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, sa pangunguna ni𝙋𝙇𝙩𝘾𝙤𝙡 𝙍𝙤𝙚𝙡 𝙑. 𝘼𝙗𝙚𝙟𝙚𝙧𝙤, at 𝐏𝐨𝐥𝐨𝐦𝐨𝐥𝐨𝐤 𝐁𝐅𝐏 team ni 𝙁𝙎/𝙄𝙉𝙎𝙋 𝙑𝙤𝙣 𝙎𝙖𝙣𝙘𝙝𝙤 para sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa panahon ng aktibidad. Mahalaga rin ang aktibong pakikiisa ng mga host barangay, partikular ang 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒐, 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑷𝒐𝒍𝒐 𝒂𝒕 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑳𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏, na nagbigay ng mahalagang suporta at pakikipagtulungan upang maging maayos at matagumpay ang buong programa. Kasama ang very active and Stakeholders support Group na 𝑫𝒐𝒍𝒆 𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔, 𝑰𝒏𝒄, 𝒂𝒕 𝑴𝒂𝒉𝒊𝒏𝒕𝒂𝒏𝒂 𝑭𝒐𝒖𝒏𝒅𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑰𝒏𝒄.
Higit pang naging makabuluhan ang aktibidad dahil sa pakikilahok ni 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 𝑱𝒖𝒏 𝑬𝒔𝒄𝒐𝒃𝒊𝒍𝒍𝒐 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒎𝒑𝒂𝒌𝒂𝒏, na nagbigay ng karagdagang suporta at presensya sa naturang gawain.
Naging mahalaga rin ang presensya ng mga kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources Region XII (DENR XII) at Protected Area Management Office – Mt. Matutum Protected Landscape (PAMO-MMPL), na kinatawan ni 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝘼𝙧𝙚𝙖 𝙎𝙪𝙥𝙚𝙧𝙞𝙣𝙩𝙚𝙣𝙙𝙚𝙣𝙩 (𝙋𝘼𝙎𝙪) 𝙅𝙤𝙨𝙚𝙥𝙝𝙞𝙣𝙚 𝙔. 𝙇𝙞𝙗𝙚𝙧𝙖𝙩𝙤.
Ang kanilang pakikilahok ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng mga Local Government Unit, environmental agencies, protected area management, pribadong sektor, organizers, volunteers, at mga lokal na komunidad sa pagtataguyod ng responsableng paggamit at pangangalaga sa likas na yaman.
𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗚𝗥𝗢𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬
Isa sa mga naging makabuluhang bahagi ng F’lomlok Trail Run 2026 ay ang Tree Growing Activity na isinagawa bago ang opisyal na pagsisimula ng trail run.
Ang nasabing gawain ay nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa buong aktibidad. Habang ang mga kalahok ay naghahanda upang tahakin at tamasahin ang mga trail, tanawin, at likas na kagandahan ng lugar, naipakita rin ang mahalagang mensahe na ang kalikasan na ating tinatamasa ay may kaakibat na pananagutan na ito ay pangalagaan at mapanatili.
Sa simpleng pagtatanim ng puno, naipabatid ang isang mahalagang prinsipyo: habang tinatamasa natin ang ganda ng kalikasan, kailangan din nating maging bahagi ng pangangalaga at pagpapanatili nito.
Ang mga bundok, kagubatan, trail, tanawin, at iba pang likas na yaman na dinarayo at pinahahalagahan ng mga kalahok ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon. Ang mga ito ay dapat maprotektahan upang patuloy ding maranasan at mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
Sa ganitong pananaw, ang Tree Growing Activity ay hindi lamang isang karagdagang gawain bago ang trail run. Ito ay naging simbolikong hakbang ng pananagutan sa kalikasan—isang paalala na sa bawat yapak na ating iniiwan sa mga trail at likas na kapaligiran, nararapat din tayong mag-iwan ng isang bagay na makatutulong sa kinabukasan.
Habang tinatamasa natin ang ganda ng ating mga tanawin ngayon, tungkulin nating magtanim, mag-alaga, magprotekta, at magpanatili ng kalikasan upang ang kagandahang ito ay patuloy na makita at maranasan sa mga darating pang taon.