03/06/2026
๐ข๐ข ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โผ๏ธ
Taon-taon tuwing buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang sa buong bansa ang Philippine Environment Month sang-ayon sa Proclamation No. 237 bunsod ng United Nations Resolution na nagde-deklara ng ika-5 ng Hunyo bilang World Environment Day.
Bilang pakikiisa ng tanggapan ng MENRO Pozorrubio sa pandaigdigang layunin na ingatan at protektahan ang kapaligiran at likas-yaman, narito ang inihandang mga programa ngayong buwan:
๐งน๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ sa ika-4 ng Hunyo sa Riverside Zone 3 Brgy. Talogtog bahagi ng R.I.V.E.Rs for Life at Adopt-a-River/Estero programs ng DENR-EMB upang panatilihing malinis ang lahat ng ilog at katubigan na umaagos sa Aloragat at Angalacan Rivers.
โป๏ธ๐งด ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ sa ika-12 ng Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay ang kalayaan mula sa single-use plastic na nagdudulot ng polusyon at panganib sa kalusugan at kapaligiran. Maaring ipalit ang PET bottles, tetra packs, atbp plastic para sa bigas at cleaning items.
๐ณ๐ฑ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ sa ika-19 ng Hunyo ay ang pagsasagawa ng tree-growing bilang implementasyon ng Enhanced Arbor Day Ordinance at Municipal Parks and Green Open Spaces Ordinance sa pagsasakatuparan ng National Greening Program ng gobyerno, Forest for Life: 5M Trees by 2028 ng DENR, at Pangasinan Green Canopy Program sa SLF Site, Zone 6, Brgy. Balacag.
๐งค๐๏ธ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ sa ika-25 ng Hunyo bilang pagkilala sa ambag ng informal waste sector sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan at pang-malawakang kontribusyon sa waste management, climate resilience, at risk reduction, isusulong ang pagbubuo ng asosasyon upang kilanlin ang kanilang karapatan at kagalingan.
๐ฅ๐ฌ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ sa ika-30 ng Hunyo kasama ang mga miyembro ng Solid Waste Management Board na kinasasapian ng sektor mula sa lokal na pamahalaan, barangay, paaralan, CSOs, negosyo, at pribadong sektor upang mas mapalalim pa ang kamalayan at kasanayan sa pangangasiwa ng basura at pagprotekta sa kapaligiran.
Kaya't kabaleyans at kailyans, maging bahagi ng malawak na aksyon at pagkilos upang isulong ang mas malusog, matiwasay, at malinis na Bayan ng Pozorrubio.
ENVIRONMENTAL STEWARDSHIP, ANO TARA?