PDAO Pozorrubio

PDAO Pozorrubio PERSON WITH DISABILITY AFFAIRS OFFICE(PDAO)

03/06/2026

NOW OPEN FOR REGISTRATION!

Join the Autism Society of Pozorrubio, Inc. FUN RUN 2026 this July 25, 2026!

Open for all PWDs, advocates, families, friends, supporters, and the whole community!

Takbo para sa may mga autism at neurodevelopmental condition!

📍 Categories:
🔹 3KM – ₱350
🔹 5KM – ₱400

Kasama na ang:
âś” Event Shirt
âś” Race Bib
âś” Snacks
âś” Finisher Medal para sa official finishers
âś” Smart SIM Card

📌 REGISTER HERE:
https://forms.gle/Ua5B4eFnVM4tBT8W9

Or visit PDAO Pozorrubio at Municipal Hall Annex Building

“Different minds. One community.”




Bilang bahagi ng programang pangkabuhayan ng PDAO Pozorrubio, walong  PWD beneficiaries ang nabigyan ng capital assistan...
26/05/2026

Bilang bahagi ng programang pangkabuhayan ng PDAO Pozorrubio, walong PWD beneficiaries ang nabigyan ng capital assistance matapos makapagsumite ng mga kinakailangang requirements sa tanggapan.

Layunin ng programang ito na masuportahan ang kanilang kabuhayan at mabigyan sila ng dagdag na oportunidad upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Patuloy ang LGU Pozorrubio sa pamamagitan ng PDAO sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit at sa pagsusulong ng mga programang makatutulong para sa sektor ng Persons with Disability sa bayan.





Katuwang ang PWD Federation Association  of Pozorrubio, patuloy nating inilalapit ang serbisyo para sa ating mga mahal n...
13/05/2026

Katuwang ang PWD Federation Association of Pozorrubio, patuloy nating inilalapit ang serbisyo para sa ating mga mahal na ka-PWD.

Renewal ng PWD ID
Bagong aplikasyon ng PWD ID

Dahil ang bawat PWD ay mahalaga, karapat-dapat sa malasakit, pagkalinga, at serbisyong maaasahan.

PATULOY PA RIN ANG SERBISYONG PDAO SA BARANGAY PWD ID Application at Renewal AssistancePatuloy na inilalapit ang serbisy...
11/05/2026

PATULOY PA RIN ANG SERBISYONG PDAO SA BARANGAY

PWD ID Application at Renewal Assistance

Patuloy na inilalapit ang serbisyo para sa ating mga Persons with Disability (PWD) sa inyong barangay.

âś… PWD ID Application
âś… PWD ID Renewal

Makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa iskedyul.

Serbisyong malapit, mabilis, at inklusibo para sa lahat

Patuloy na isinusulong ng Persons with Disability Affairs Office Pozorrubio ang kapakanan ng mga persons with disability...
11/05/2026

Patuloy na isinusulong ng Persons with Disability Affairs Office Pozorrubio ang kapakanan ng mga persons with disability sa pamamagitan ng mga programang naglalayong mapabuti ang kanilang mobilidad, kalayaan, at kalidad ng pamumuhay.

Kaugnay nito, matagumpay na naisagawa ang assessment para sa personaliozed wheelchair ng isang benepisyaryong PWD sa Metro Doctors Hospital sa tulong ng Mediwalk Prosthesis, katuwang ang Province of Pangasinan at PDAO Pangasinan.

Patunay ito ng patuloy na pagkakaisa at malasakit para sa inklusibo at maagap na serbisyo para sa sektor ng Persons with Disability (PWD) sa bayan ng Pozorrubio.



PDAO 2ND QUARTER MEETING KASAMA ANG MGA AKTIBONG PWD PRESIDENTSIsinagawa ang 2nd Quarter Meeting ng PDAO kasama ang mga ...
05/05/2026

PDAO 2ND QUARTER MEETING KASAMA ANG MGA AKTIBONG PWD PRESIDENTS

Isinagawa ang 2nd Quarter Meeting ng PDAO kasama ang mga aktibong PWD Presidents bilang paghahanda para sa National Disability Rights Week (NDRW).

Sa pagpupulong, pinag-usapan ang mga programa at aktibidad para sa NDRW na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga Persons with Disabilities (PWD) sa mga gawaing pangkomunidad at itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Tinalakay rin ang mga mahahalagang ordinansa at batas para sa mga PWD, upang mas mapalakas ang implementasyon ng mga programang inklusibo at serbisyong tumutugon sa kanilang pangangailangan.

Bilang dagdag na bahagi ng pagtitipon, nagkaroon din ng simpleng salo-salo para sa mga may kaarawan sa buwan ng Mayo bilang pagdiriwang at pagpapakita ng pagkakaisa at malasakit sa bawat isa.

Patuloy ang PDAO at mga PWD leaders sa pagtutulungan para sa isang mas inklusibo, magaan, at makataong lipunan para sa lahat.

PAALALA MULA SA PDAO Ipinapaalam ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na patuloy at mahigpit ang pagpapatupa...
30/04/2026

PAALALA MULA SA PDAO

Ipinapaalam ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na patuloy at mahigpit ang pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa at batas para sa kapakanan at karapatan ng Persons with Disabilities (PWDs).

Alinsunod sa Republic Act No. 7277 at Republic Act No. 10754, inaasahan ang pakikiisa ng lahat sa mga sumusunod:

• Tamang pagbibigay ng diskwento at benepisyo sa mga PWD
• Pagtiyak ng accessibility sa mga establisyemento at pampublikong lugar
• Paggalang at pagbibigay-priyoridad sa mga PWD

Ang hindi pagsunod ay may kaukulang parusa ayon sa umiiral na batas.

Hinihikayat ang lahat na makiisa sa pagtataguyod ng isang inklusibo at makatarungang komunidad.

Para sa katanungan o reklamo, makipag-ugnayan sa PDAO o tumawag sa 09209682214.

Maraming salamat po.

Matagumpay na naisagawa ang “Ligtas Buhay sa Pozorrubio”, isang inclusive training sa First Aid, Basic Life Support, at ...
28/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang “Ligtas Buhay sa Pozorrubio”, isang inclusive training sa First Aid, Basic Life Support, at Disaster Preparedness na inilaan para sa Persons with Disabilities (PWDs).

Layunin ng programang ito na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang ating mga PWD upang maging handa sa oras ng sakuna. Sa pamamagitan ng hands-on na pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang tamang pagbibigay ng paunang lunas, mga pangunahing hakbang sa pagsagip ng buhay, at mga paraan upang manatiling ligtas bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.

Isinagawa ang aktibidad na ito sa tulong at pakikipagtulungan ng LDRRMO at BFP Pozorrubio, na patuloy na sumusuporta sa mga programang nagtataguyod ng kaligtasan at kahandaan ng komunidad.

Ang gawaing ito ay patunay na ang disaster preparedness ay para sa lahat. Sa isang inklusibong pamayanan, bawat isa anumang kakayahan ay mahalaga at may papel sa pagpapanatili ng kaligtasan ng buong komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maisakatuparan ang programang ito. Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, handa, at inklusibong Pozorrubio para sa lahat.

Patuloy pa rin ang Serbisyong PDAO sa Barangay!PWD ID Application at Renewal Assistance 2026Patuloy na inilalapit ng ati...
27/04/2026

Patuloy pa rin ang Serbisyong PDAO sa Barangay!

PWD ID Application at Renewal Assistance 2026

Patuloy na inilalapit ng ating Pamahalaang Lokal ang mga serbisyong nararapat para sa ating mga kababayang Persons with Disability (PWD).

Sa pamamagitan ng Serbisyong PDAO sa Barangay, mas pinadadali ang proseso ng PWD ID application at renewal direkta sa inyong komunidad.

Layunin ng programang ito na mas mapabilis, mapalapit, at maging mas inklusibo ang pagbibigay ng serbisyo sa bawat PWD.

Makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa iskedyul ng pagbisita sa inyong lugar.

Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may malasakit, pag-unawa, at pantay na oportunidad para sa lahat.

Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 03-04072025  na naglalaan ng isang slot sa Pozorrubio Municipal Scholarship Program...
27/04/2026

Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 03-04072025 na naglalaan ng isang slot sa Pozorrubio Municipal Scholarship Program (PMSP) para sa mga kwalipikadong Persons with Disabilities bilang patunay ng patuloy na pagsusulong ng inklusibong edukasyon sa ating bayan.

Isang karangalan po para sa PDAO na makatulong sa isang kabataang may kapansanan sa paningin sa kanyang aplikasyon bilang Scholar ng Bayan sa Pozorrubio.

Sa tulong at pakikiisa ni SB Secretary Ma’am Maricris Viernes, muli nating nasaksihan na kapag may malasakit at pagtutulungan, nagiging posible ang mga pangarap.

Sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi kailanman nawala ang kanyang pag-asa. Bagkus, lalo pa itong tumibay. Ang batang ito mula sa Brgy. Maambal ay patunay na ang tunay na lakas ay nagmumula sa puso hindi sa pisikal na kakayahan.

Nakakaantig ang kanyang determinasyon na makapag-aral, magsumikap, at patunayan na kaya niyang abutin ang kanyang mga pangarap.

Ang kanyang kwento ay hindi lamang kwento ng isang PWD ito ay kwento ng tapang, pag-asa, at walang sawang paniniwala sa sarili.

Good luck sa iyong paglalakbay. Ipinagdarasal namin ang iyong tagumpay. Nawa’y maging isa ka sa mga susunod na Scholar ng Bayan dahil karapat-dapat ka.

Address

Pozorrubio
2435

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PDAO Pozorrubio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share