EdRae

EdRae CartIdea Maikling Talambuhay:

Isang anak ng garbage collector at vegetable vendor, pangalawa sa anim na magkakapatid si Kuya Edric Santiago Del Rosario.

Nagmula sa hirap. Nangarap. Nagsumikap. Nagtagumpay. Ang buhay ni Kuya Edric Del Rosario ay isang inspirasyon sa lahat. Ang kaniyang pagsusumikap at hangaring magtagumpay sa buhay ay makailang ulit nang naitampok sa ilang programa sa TV at radyo. Si Kuya Edric ay mula sa angkan ng mga Santiago, Santos at Del Rosario na mga tubong Bulacan. Si Edric ay nagmula sa mahirap na pamilya, ngunit hindi ito

naging hadlang upang makapagtapos siya ng pag-aaral. Siya ay namasukan bilang konstraksyon worker at pahinante ng truck habang siya ay nag aaral ng high school. Noong siya ay mag college, dinagdagan pa niya ang kanyang trabaho bilang marketing officer at lokal na peryodista upang mapagsabay ang pag aaral at pagtulong sa magulang. Pinatuloy ng pamilya ni Maria "Nene" Bundoc Ocampo sa Paltao at tinulungang makapag aral. Nag volunteer sa barangay ng Paltao bilang Barangay Training and Employment Coordinator (BTEC) kung saan siya din ang Municipal Training and Employment Coordinator (MTEC/President) mula 2011-2015. Pinamunuan niya ang 19 na BTEC sa bayan ng Pulilan. Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship sa Polytechnic University of the Philippines - Pulilan Campus. Isang printing operator at may-ari ng Wings Food House. Ang may-bahay ni Edric ay si Rae Anne Cruz Juliano. Ang angkan ng mga Juliano ay taal na taga Pulilan na buhat sa Barangay ng PeƱabatan. Si Kuya Edric ay aktibong miyembro ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP) at Rotary Global. Limitado man ang kanyang kakayanan upang matugunan ang lahat ng pangangailangan. Ngunit nandirito, tangan ang adhikain na mabago ang buhay ng kanyang kababayan, inihahain ni Kuya Edric ang kaniyang sarili para agresibong paglingkuran ang mga Pulilenyo, bitbit niya ang mga programang hindi pang simula lang ngunit pang matagalan. Kaya't atin po siyang tulungan upang ang lahat ng ito ay magampanan at maisakatuparan.

Address

Willowbend Subdivision Pinagkuartelan Pandi
Pulilan
3014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EdRae posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share