Lito Borlongan

Lito Borlongan Konsehal ng Pulilan
TOTOO at may PRINSIPYO
Sa asensadong Pulilan, walang maiiwan

𝐊𝐚𝐒𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐒π₯𝐲𝐚 𝐌𝐚𝐑𝐚π₯𝐚𝐠𝐚 πƒπšπ² πŸπŸŽπŸπŸ”Sa bawat tahanan ng Pulilan, may kwento, tawanan, at pagmamahalang nagsasama-sama sa ha...
28/09/2026

𝐊𝐚𝐒𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐒π₯𝐲𝐚 𝐌𝐚𝐑𝐚π₯𝐚𝐠𝐚 πƒπšπ² πŸπŸŽπŸπŸ”

Sa bawat tahanan ng Pulilan, may kwento, tawanan, at pagmamahalang nagsasama-sama sa hapag-kainan.

Ngayong pagdiriwang ng 34th National Family Week, sama-sama nating pahalagahan ang simpleng sandali ng pagsasaloβ€”dahil higit pa sa pagkain ang isang hapag. Dito nabubuo ang samahan, napapalakas ang ugnayan, at naipaparamdam natin sa bawat miyembro ng pamilya na sila ay mahalaga.

Para sa bawat pamilyang Pulilenyo, kahit gaano kasimple ang ating pagkain, mas nagiging espesyal ito kapag sama-sama.

Kain tayo, kwentuhan tayo, sama-sama tayoβ€”dahil ang pamilyang nagkakaisa ay pundasyon ng isang matatag na Pulilan.

25/09/2026

Masayang tinapos ng Municipality of Pulilan ang linggo sa pamamagitan ng Fun Walk at Zumbaβ€”isang masiglang selebrasyon ng kalusugan, pagkakaisa, at camaraderie ng mga lingkod-bayan.

Isang hakbang, isang indak, sama-samang paglilingkod!

Kahit maaga ang gising, buong-sigla at pawisang nakiisa ang ating mga Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa ginanap ...
25/09/2026

Kahit maaga ang gising, buong-sigla at pawisang nakiisa ang ating mga Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa ginanap na Fun Walk ngayong araw!

Ang gawaing ito ay opisyal na nagmamarka sa matagumpay na pagtatapos ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary at ng ating Inter-Office Tournament 2026.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nagpalakas, at nagpakita ng tunay na sportsmanship at pagkakaisa. Tuloy-tuloy ang ating masigasig, tapat, at masayang paglilingkod para sa bawat Pulilenyo!

Maligayang Kaarawan, Hon. Atty. Imee Cruz! Sa espesyal na araw na ito, hangad namin ang patuloy na mabuting kalusugan, k...
10/09/2026

Maligayang Kaarawan, Hon. Atty. Imee Cruz!

Sa espesyal na araw na ito, hangad namin ang patuloy na mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang ipagpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod at pamumuno para sa mga Pulilenyo.

Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at puno ng biyaya ang inyong kaarawan. Happy Birthday, Ate Vice!

09/09/2026

Kaunting tulong, malaking bagay sa bawat pamilyang nangangailangan.

Naging bahagi tayo ng pagpapamahagi ng relief goods sa ating mga kababayan sa Barangay Lumbac, Balatong A, Balatong B, Penabatan at Sta. Pe, bilang munting paraan upang makatulong at makapagbigay ng ginhawa sa gitna ng mga pagsubok.

Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa mga Pamunuan ng Barangay, sa MSWD Pulilan, at sa Pulilan Rescue na aming nakasama sa gawaing ito. Maraming salamat sa inyong malasakit, serbisyo, at pakikipagtulungan para mas mapalapit ang tulong sa ating mga kababayan.

Patuloy tayong magtutulungan at magdadamayan. Dahil sa bawat munting tulong na ating naiaabot, mas napapalakas natin ang diwa ng bayanihan sa ating minamahal na Pulilan.

π…πžπšπ¬π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 𝐍𝐚𝐭𝐒𝐯𝐒𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 𝐁π₯𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐕𝐒𝐫𝐠𝐒𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐲!Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang kapanganakan ng Mahal na Birhe...
07/09/2026

π…πžπšπ¬π­ 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 𝐍𝐚𝐭𝐒𝐯𝐒𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐑𝐞 𝐁π₯𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐕𝐒𝐫𝐠𝐒𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐲!

Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang kapanganakan ng Mahal na Birheng Mariaβ€”ang Ina ni Hesus at huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Nawa’y sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, matuto tayong magtiwala sa Diyos sa bawat yugto ng ating buhay at maging bukas sa Kanyang mga biyaya at kalooban.

Maligayang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria!

β€œMary, Mother of God, pray for us and guide us closer to your Son, Jesus.”

Weekly Flag Ceremony & 33rd Regular SessionNakiisa tayo ngayong araw sa ating Weekly Flag Ceremony, bilang pagpapakita n...
07/09/2026

Weekly Flag Ceremony & 33rd Regular Session

Nakiisa tayo ngayong araw sa ating Weekly Flag Ceremony, bilang pagpapakita ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa bayan, at bilang paalala sa ating tungkulin bilang mga lingkod-bayan.

Sinundan ito ng 33rd Regular Session ng Sangguniang Bayan, kung saan nakibahagi tayo sa mga talakayan at usaping mahalaga para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Patuloy tayong makikinig, makikibahagi, at kikilos para sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Isang karangalan ang makadalo sa imbitasyon ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tinejero, sa pangunguna ni SK Chairman H...
06/09/2026

Isang karangalan ang makadalo sa imbitasyon ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tinejero, sa pangunguna ni SK Chairman Hanna Paulino Driza kasama ang kanyang mga SK Kagawad, para sa kanilang seminar na may temang β€œEducation: Foundation of Right Decision.”

Nagkaroon din tayo ng pagkakataong makinig at matuto mula sa mga makabuluhang kaalaman at aral na ibinahagi ni Mr. Aaron Jy, o mas kilala sa social media bilang Sir Jy Marie WKWWWWKWK.πŸ˜„

Nawa’y hindi lamang maging dagdag-kaalaman ang kanyang mga itinuro, kundi magsilbi rin itong gabay sa ating mga kabataan sa paggawa ng tama, responsable, at makabuluhang mga desisyon sa buhay.

Maraming salamat sa SK Tinejero sa paanyaya at sa patuloy na paglikha ng mga programang nagbibigay-inspirasyon, kaalaman, at oportunidad para sa ating kabataan.

Education is the foundation of every right decision.

Sa paglilingkod, pag-ibig ang tunay na puso ng bawat gawain. Nawa’y sa bawat araw, piliin nating magmalasakit, tumulong,...
05/09/2026

Sa paglilingkod, pag-ibig ang tunay na puso ng bawat gawain.

Nawa’y sa bawat araw, piliin nating magmalasakit, tumulong, at maging mabuting kapwa. Sapagkat ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa pusong marunong umunawa at umibig.

Mapagpalang Linggo sa ating lahat!

π‡πžπ₯π₯𝐨, π’πžπ©π­πžπ¦π›πžπ«!Sa bawat patak ng ulan at bawat sikat ng araw, nawa’y patuloy nating matagpuan ang maliliit na dahilan ...
01/09/2026

π‡πžπ₯π₯𝐨, π’πžπ©π­πžπ¦π›πžπ«!

Sa bawat patak ng ulan at bawat sikat ng araw, nawa’y patuloy nating matagpuan ang maliliit na dahilan upang ngumiti, magpasalamat, at maging positibo.

Anuman ang hamon na dumating, harapin natin ito nang may tapang, pag-asa, at pananalig. Sapagkat sa bawat pagsubok, may bagong pagkakataon upang matuto, bumangon, at magpatuloy.

Salubungin natin ang Setyembre nang may saya sa puso at pag-asang bukas ay laging may magandang naghihintay.

Address

Pulilan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lito Borlongan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category