18/08/2026
PUBLIC ADVISORY | AGOSTO 19, 2026
WORK ARRANGEMENT AT LEARNING MODALITY | BAYAN NG IBA
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 ng MalacaΓ±ang, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng enhanced Southwest Monsoon (Habagat), ipinatutupad ang mga sumusunod na hakbang sa Bayan ng Iba, Zambales:
WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS
Walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Iba.
Pinapayuhan ang mga paaralan na mag-shift sa naaangkop na alternative learning modalities upang maipagpatuloy ang learning continuity, alinsunod sa mga panuntunan ng DepEd.
Hinihikayat ang mga school heads at teachers na makipag-ugnayan nang maayos sa mga magulang at mag-aaral hinggil sa gagamiting alternative modality, learning activities, at iba pang kinakailangang learning continuity measures.
PARA SA MUNICIPAL GOVERNMENT OF IBA
SKELETAL WORKFORCE - TULOY-TULOY ANG OPERASYON NG MUNICIPAL GOVERNMENT OF IBA
Mananatiling operational ang mga tanggapan ng LGU Iba sa pamamagitan ng skeletal workforce arrangement upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo publiko.
Patuloy ding nakaantabay at operational ang mga vital offices and essential services, kabilang ang health services, emergency response, disaster preparedness and response, public safety, at iba pang kinakailangang serbisyo.
PARA SA IBA PANG GOVERNMENT OFFICES/AGENCIES
Para sa mga national government agencies at iba pang government offices na may tanggapan sa Bayan ng Iba, ang work arrangement ay nakabatay sa magiging direktiba at pagpapasya ng kani-kanilang Head of Office, alinsunod sa umiiral na mga patakaran at sitwasyon sa kanilang lugar.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbiyahe, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na advisory ng Bayan ng Iba, MDRRMO, DepEd, at iba pang kinauukulang ahensya.
Manatiling ligtas, Ibanians!