29/07/2026
𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐘𝐃𝐖 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐛𝐮𝐲𝐚𝐧, 𝐑𝐨𝐦𝐛𝐥𝐨𝐧!
Isa si Marielle M. Mayor sa mga naging Youth Development Worker (YDW) ng Tara, Basa! Tutoring Program at nadestino sa Taclobo Elementary School sa San Fernando, Romblon. Bilang isang graduating student ng Bachelor of Science in Secondary Education major in English sa Romblon State University San Fernando Campus, naging hamon para sa kanya nang malaman niyang mga magulang ang kanyang tuturuan sa sessions.
BASAHIN | https://www.facebook.com/share/p/1JXk5Pvtkr/
𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐘𝐃𝐖 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐛𝐮𝐲𝐚𝐧, 𝐑𝐨𝐦𝐛𝐥𝐨𝐧!
Isa si Marielle M. Mayor sa mga naging Youth Development Worker (YDW) ng Tara, Basa! Tutoring Program at nadestino sa Taclobo Elementary School sa San Fernando, Romblon. Bilang isang graduating student ng Bachelor of Science in Secondary Education major in English sa Romblon State University San Fernando Campus, naging hamon para sa kanya nang malaman niyang mga magulang ang kanyang tuturuan sa sessions.
Sa umpisa, nakaramdam siya at ang kanyang mga kasamang YDW ng pressure dahil sa responsibilidad na kanilang haharapin. Ngunit dahil sa 5-day Capability Building na kanilang dinaluhan, natuto sila ng iba't ibang teaching strategies, approaches, at natutunan nila kung paano ang tamang pag-handle sa mga magulang na kanilang makasasalamuha.
Ibinahagi rin niya ang kanyang mga saloobin at repleksyon habang kasama ang mga magulang sa 20-day sessions. Aniya, dahil sa sessions, mas naging empathetic siyang tao at mas naging mapagpasensya sa pagtuturo dahil may ilan sa mga magulang na kanyang naturuan ang marunong magsulat ngunit nahihirapan sa pagbabasa.
Tungkol naman sa nakuha niyang Cash-For-Work (CFW) assistance, balak niya itong gamitin sa gastusin para sa kanyang pagre-review, at ang matitira ay gagamitin niya sa mga pangangailangan ng kanyang anak.
Para sa karagdagang mga kuwento tungkol sa TBTP, like, follow, and share!
❤️