05/08/2026
Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay nakikiisa sa buong sambayanang Pilipino sa paggunita ng Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 339, Serye ng 2012.
Sa temang, "π―ππππππ ππ π©ππππ, π«ππππππ ππ π¨πππ," binibigyang-diin ang mahalagang papel ng ating mga baybayin at kapuluan sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga alon ng dagat, nabuo ang mga ugnayan sa kalakalan, diplomasya, at kultura na nag-ugnay sa ating bansa sa iba pang panig ng mundo at sa mga Pilipino sa ibayong dagat.
Kaisa ang ARTA sa pagpapahalaga at pagpapanatili ng ating mayamang kasaysayan. Ang mga aral at karanasan ng nakaraan ang nagsisilbing matibay na pundasyon sa paghubog ng mga susunod na salinlahi, upang patuloy na mahalin ang ating bayan, isabuhay ang diwa ng pagiging makabayan, at magsilbi nang may integridad at malasakit saan man tayo dalhin ng alon.