23/07/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
MANATILING KONEKTADO, LIGTAS, AT KALMADO SA GITNA NG KALAMIDAD
Sa gitna ng pananalasa ng bagyo at iba pang kalamidad sa ibaโt ibang bahagi ng bansa, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay taos-pusong nakikiisa sa inyo. Sa panahon ng pangangailangan, ang malinaw na komunikasyon ay mahalaga at maaaring makapagligtas ng buhay.
๐ LIBRENG TAWAG AT TEXT PARA SA MGA APEKTADONG LUGAR
Nakikipag-ugnayan ang DICT sa mga telecommunications companies upang makapagbigay ng libreng tawag at text sa mga apektadong lugar, depende sa kakayahan at abiso ng bawat telco.
๐ Ito ay para sa mga emergency at agarang pangangailangan lamang.
๐จ Hindi ito para sa personal o non-urgent na gamit upang mapanatiling bukas ang linya para sa mga nangangailangan ng saklolo.
Maaari ring magpunta sa mga Libreng Tawag at Charging Stations na ipinagkaloob ng ilang mga telco sa kanilang mga opisina o sa piling mga lugar sa komunidad. Libre ito, bukas sa publiko, at para sa inyong kaligtasan.
๐ฑ MGA PAALALA PARA MANATILING KONEKTADO
Habang may kuryente pa, i-charge agad ang inyong mga cellphone, power bank, laptop, at iba pang komunikasyon gadgets.
Kapag limitado ang power, tipirin ang baterya:
๐ I-on ang battery saver mode
โ๏ธ Bawasan ang screen brightness
๐ฒ Iwasan muna ang social media at video streaming
๐ณ Gamitin lang ang cellphone para sa importanteng tawag o text
๐ค MAGTULUNGAN, MANATILING KALMADO
๐ฑ Ibigay ang linya sa mga nangangailangan ng tulong.
๐ฃ๏ธ Iwasan ang pagkalat ng hindi kumpirmadong balita. Kumukuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na source.
Alalahanin: Sa panahong ito, ang bawat minuto at mensahe ay mahalaga.
โผ๏ธ PARA SA OPISYAL NA UPDATES:
Bisitahin ang DICT Facebook, IG, Twitter pages para sa tamang impormasyon at anunsyo.
Kapit lang, Pilipinas.
Sa gitna ng unos, sama-sama tayong babangon. Walang maiiwan sa Digital Bayanihan.