03/06/2026
๐ฆ๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ฅ๐๐ ๐๐ข๐ข๐ฃ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐, ๐๐ฃ๐ฅ๐จ๐๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ ๐๐ง๐!
Isang mahalagang tagumpay para sa sektor ng elektripikasyon sa kanayunan ang naitala ng ating Power Bloc matapos aprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang mga panukalang prangkisa ng siyam na electric cooperative sa isinagawang pagdinig ngayong araw, Hulyo 3.
Kabilang sa mga electric cooperative na nakatanggap ng pag-apruba mula sa komite ang: Don Orestes Romualdez Electric Cooperative (DORELCO), Leyte III Electric Cooperative, Inc. (LEYECO III), Leyte IV Electric Cooperative (LEYECO IV), Leyte V Electric Cooperative, Inc. (LEYECO V), Samar I Electric Cooperative, Inc. (SAMELCO I), Samar II Electric Cooperative (Samelco II), Negros Oriental I Electric Cooperative (NORECO I), Sorsogon I Electric Cooperative (Soreco I) at Cebu I Electric Cooperative (Cebeco I).
Pinangunahan nina APEC Party-List Rep. Sergio Dagooc at PhilRECA Party-List Rep. Presley C. De Jesus ang pagsusulong ng mga panukalang ito sa komite. Sa kanilang mga pahayag, binigyang-diin nila ang mahalagang papel ng ating mga electric cooperative sa paghahatid ng maaasahan at abot-kayang serbisyo ng kuryente sa milyun-milyong member-consumer-owners sa ibaโt ibang panig ng bansa.
Ang pag-apruba ng komite sa mga prangkisa ay repleksyon ng matibay na suporta ng mga Kongreso sa ating mga kooperatiba. Sa huli, muling pinagtibay ng Power Bloc ang kanilang suporta sa mga electric cooperative at ang kanilang pangakong isusulong ang mga panukalang magpapalakas sa sektor ng enerhiya, magpapabuti sa kalidad ng serbisyo ng kuryente, at magtataguyod ng kapakanan ng mga consumer-members sa buong bansa.