16/05/2019
Malinaw na hindi naging malinis at patas ang nakalipas na eleksyon.
Bago pa man magsimula ang kampanya ay ilang progresibong partylists na ang dinisqualify mula sa pagtakbo. Sa kasagsagan naman ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon ay sunod-sunod ang paninirang ginawa laban sa mga progresibong kandidato. Iba't ibang black propaganda ang ipinakalat sa porma ng mga text messages, posters, polyeto, pati na rin sa porma ng mga speech ni Duterte at ng kaniyang mga alipores. Ang AFP at PNP mismo ay nanguna sa pagpapakalat ng newsletter na naglalaman ng pang-re-red-tag sa mga makabayang partylists at kandidato.
Sa kabila nito ay buong-buong inendorso ni Duterte ang mga kandidatong korap, magnanakaw, mamamatay tao, at anak ng diktador. Kasabay nito ay ang pagkakaroon ng mga bogus partylists na nagsisilbi lamang bilang extension ng kapangyarihan ng iilang indibidwal. Kapag manalo ang mga kandidatong ito ay mas mapapadali ang pagratsada ng mga anti-mamamayang polisiya na gustong ipatupad ni Duterte tulad na lamang ng Charter Change.
Sa araw ng eleksyon ay kaliwa't kanang aberya at iregularidad ang naganap. Mula sa hindi pag-gana ng mga VCMs, pagkasira ng mga SD cards, hindi nagtutugmang balota at resibo, hanggang sa kaduda-dudang pag-transmit ng boto. Hanggang sa ngayon ay hindi nagpapaliwanag ng maayos ang COMELEC sa mamamayan.
Ang mga naganap na paninira, pananakot, at pagkakaroon ng mga iregularidad ay iilan lamang sa mga salik na nagtiyak na magiging paborable kay Duterte ang magiging resulta ng halalan.
Kaya naman ngayon higit kailanman ay kailangan nating labanan ang lantarang pandaraya at atake sa mamamayan!
Sumama sa pagkilos bukas! Magsuot tayo ng itim.
11:30 - AS Steps
12:00 - Katipunan
12:30 - Caravan to Morayta
2:00 - March to Mendiola
2:30 - Mendiola Program
3:00 - Caravan to PICC