Pambansang Kaisahan ng Makabayang Magbubukid

Pambansang Kaisahan ng Makabayang Magbubukid Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pambansang Kaisahan ng Makabayang Magbubukid, Political organisation, 28 Akle Street, Brgy. Claro, Project 3, Diliman, Quezon City.

Ang PKMM ay isang pambansang organisasyon na ng magbubukid na nagmumulat, nag-oorganisa at nakikibaka para sa tunay na repormang agraryo para sa modernisasyon ng agrikultura tungo sa pambansang industriyalisasyon.

10/08/2026

๐‹๐”๐๐Ž๐† ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐“๐€๐Š๐’๐ˆ๐‹๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐

Sa tuwing humahagupit ang bagyo, kabilang ang mga mangingisda at maralitang komunidad sa pinaka bulnerable, nilulubog at winawasak ang tirahan at kabuhayan.

Ngunit hindi lamang bagyo ang dahilan.

Mas pinalalala ng mga proyektong tulad ng reklamasyon ang panganib sa mga komunidad na nasa baybayin. Binabago ang daluyan ng tubig, sinisira ang likas na proteksyon ng baybayin, at inilalagay sa higit na panganib ang tirahan at kabuhayan ng mga umaasa sa dagat.

Ngayon, habang maraming bayan ang lubog sa baha, hindi maaaring isisi lahat sa lakas ng bagyo. Ang paulit-ulit na pagkalubog ng mga komunidad ay sumasalamin sa kapabayaan ng pamahalaan na tiyaking ligtas ang mamamayan at mapangalagaan ang kanilang kabuhayan.

Hindi kalamidad ang dapat maging normal.
Hindi pagkawasak ang dapat tanggapin ng mamamayan.
Sa bawat pamilyang nawawalan ng tahanan, sa bawat mangingisdang nawawalan ng kabuhayan, at sa bawat komunidad na muling nilulubog ng baha

Itigil ang mga proyektong nagpapalala sa panganib!
Protektahan ang mangingisda at mga komunidad sa baybayin!
Panagutin ang pamahalaan sa kapabayaan at pagtaksil sa mamamayan.

[FB LIVE Coverage]๏ผฉ๏ผฉ๏ผณ๏ผก๏ผฎ๏ผง ๏ผข๏ผต๏ผข๏ผฏ๏ผฎ๏ผง ๏ผด๏ผก๏ผน๏ผฏ!๐™„๐™—๐™–-๐™ž๐™—๐™– ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ค ๐™ž๐™ž๐™จ๐™–Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong...
21/07/2026

[FB LIVE Coverage]
๏ผฉ๏ผฉ๏ผณ๏ผก๏ผฎ๏ผง ๏ผข๏ผต๏ผข๏ผฏ๏ผฎ๏ผง ๏ผด๏ผก๏ผน๏ผฏ!
๐™„๐™—๐™–-๐™ž๐™—๐™– ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ค ๐™ž๐™ž๐™จ๐™–
Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong kakulangan sa yunit ng pabahay sa bansa, mahalagang maiparinig ang tinig ng mga maralita, manggagawa, mangingisda at iba pang sektor na patuloy na naninindigan para sa sapat at ligtas na pampublikong pabahay.
Tatalakayin sa briefing ang mga layunin ng kampanya at ang serye ng mga aktibidad na magtatapos sa paggunita ng World Habitat Day 2026.
Samahan ninyo kami. Tulungan nating maihatid sa mas maraming mamamayan ang panawagan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay!




[FB LIVE Coverage]
๏ผฉ๏ผฉ๏ผณ๏ผก๏ผฎ๏ผง ๏ผข๏ผต๏ผข๏ผฏ๏ผฎ๏ผง ๏ผด๏ผก๏ผน๏ผฏ!
๐™„๐™—๐™–-๐™ž๐™—๐™– ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ค ๐™ž๐™ž๐™จ๐™–

Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong kakulangan sa yunit ng pabahay sa bansa, mahalagang maiparinig ang tinig ng mga maralita, manggagawa, mangingisda at iba pang sektor na patuloy na naninindigan para sa sapat at ligtas na pampublikong pabahay.

Tatalakayin sa briefing ang mga layunin ng kampanya at ang serye ng mga aktibidad na magtatapos sa paggunita ng World Habitat Day 2026.

Samahan ninyo kami. Tulungan nating maihatid sa mas maraming mamamayan ang panawagan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay!





๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐, ๐Š๐”๐Œ๐ˆ๐‹๐Ž๐’ ๐€๐“ ๐‹๐”๐Œ๐€๐˜๐€ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐๐“๐‘๐Ž๐‹ ๐๐† ๐ˆ๐Œ๐๐„๐‘๐˜๐€๐‹๐ˆ๐’๐Œ๐Ž, ๐Š๐‘๐ˆ๐’๐ˆ๐’, ๐Š๐Ž๐‘๐”๐๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐“ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐ ๐๐† ๐†๐”๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž!Sa Araw ng Kas...
08/06/2026

๐Œ๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐˜๐€๐, ๐Š๐”๐Œ๐ˆ๐‹๐Ž๐’ ๐€๐“ ๐‹๐”๐Œ๐€๐˜๐€
๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐๐“๐‘๐Ž๐‹ ๐๐† ๐ˆ๐Œ๐๐„๐‘๐˜๐€๐‹๐ˆ๐’๐Œ๐Ž, ๐Š๐‘๐ˆ๐’๐ˆ๐’, ๐Š๐Ž๐‘๐”๐๐’๐˜๐Ž๐
๐€๐“ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐˜๐€๐€๐ ๐๐† ๐†๐”๐๐˜๐„๐‘๐๐Ž!

Sa Araw ng Kasarinlan, Hunyo 12, muling ibabalot ng estado ang sarili sa pambansang watawat, at magpupukol ng mga hungkag na talumpati tungkol sa kalayaan. Para sa masang Pilipino, ang selebrasyong ito ay nagaganap sa gitna ng di maikubling katotohanan. Ang tunay na kasarinlan ay hindi mararamdaman sa isang bayang bihag ng krisis sa ekonomiya, korupsyon, sirkus ng mga dinastiya, at lantarang pagbebenta ng soberanya sa mga dayuhang imperyalistang kapangyarihan.

๐’๐š ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐ฆ๐š๐ ๐ค๐ข๐ญ๐š-๐ค๐ข๐ญ๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฅ๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ข๐›๐š๐ง๐๐ž๐ซ๐š ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ก๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ง๐š๐ข๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง!

08/06/2026

๐ŸŒพโœŠ NAKIKIISA ANG PKMM SA PANAWAGAN PARA SA TUNAY NA REPORMANG AGRARYO

Sa isinagawang press conference kaugnay ng kampuhan ng mahigit 500 magsasaka sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR), binigyang-diin ni Ka Jhun ng Pambansang Kaisahan ng Makabayang Magbubukid sa Pilipinas (PKMM) ang matagal nang panawagan ng mga magsasaka para sa lupa, hustisya, at disenteng kabuhayan.

Sa ika-38 taon ng CARP, nananatiling lupang walang magsasaka at magsasakang walang lupa ang realidad sa kanayunan. Habang nagpapatuloy ang pangangamkam ng lupa, land conversion, at paglabag sa karapatan ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo, patuloy ding lumalala ang krisis sa pagkain at kahirapan sa kanayunan.

Nakikiisa ang PKMM sa panawagang agarang resolbahin ang mga nakabinbing kasong agraryo, ipamahagi ang natitirang mga lupang agrikultural, at tiyakin ang sapat na suporta sa mga magsasaka upang maging produktibo at sustenable ang kanilang pagsasaka.

Lupa para sa nagbubungkal! Ipaglaban ang tunay na repormang agraryo!




30/05/2026
๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ฆ๐——๐—”Sumama at Lumahok:Mayo 29, 2026 sa Paggunita sa Araw ng Mangingisda:โ€ข Manila Bay: 7:00 AM, Mar...
26/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š
๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ฆ๐——๐—”

Sumama at Lumahok:
Mayo 29, 2026 sa Paggunita sa Araw ng Mangingisda:
โ€ข Manila Bay: 7:00 AM, March-protest sa Mendiola Bridge, Manila.
โ€ข Zambales: 8:00โ€“10:00 AM, Fluvial protest sa Masinloc;
โ€ข Sarangani Bay: 7:00-9:00AM, Banner drop and program
โ€ข Illana Bay: 7:00 AM, Banner drop, Marine Sanctuary; 9:00โ€“11:00
AM Indoor activity.
โ€ข Metro Cebu: 7:00โ€“9:00 AM, Banner drop and program
โ€ข Lamon Bay: Fluvial protest, 7:30 AM, Tignoan to Ungos Port.
โ€ข Tayabas Bay: 7:00-9:00 AM Talao-Talao to Dalahican fishport;
banner drop and program

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ, ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ผ๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป!



๐™Ž๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™๐™ฃ๐™ค, ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ž๐™œ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™œ๐™–๐™ฌ๐™–,๐™Ž๐™ช๐™ข๐™–๐™ข๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™ž๐™ก๐™ค๐™จ!Ipapamalas ang nagkakaisang paglaban ng mga manggagawa, la...
28/04/2026

๐™Ž๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™๐™ฃ๐™ค, ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ž๐™œ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™œ๐™–๐™ฌ๐™–,
๐™Ž๐™ช๐™ข๐™–๐™ข๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™ž๐™ก๐™ค๐™จ!

Ipapamalas ang nagkakaisang paglaban ng mga manggagawa, lahat ng masang anakpawis at mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan sa buong mundo sa tambalang krisis at gerang kagagawan at pakana ng numero unong terorista sa mundo-- ang imperyalismong US.

๐–ฌ๐–บ๐—‡๐—€๐—€๐–บ๐—€๐–บ๐—๐–บ ๐–บ๐— ๐–ฌ๐–บ๐—†๐–บ๐—†๐–บ๐—’๐–บ๐—‡, ๐–ฌ๐–บ๐—€๐—„๐–บ๐—‚๐—Œ๐–บ! ๐–ณ๐—Ž๐—๐—Ž๐—…๐–บ๐—‡ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐–ฆ๐–พ๐—‹๐–บ ๐—‡๐—€ ๐–ด๐–ฒ ๐—Œ๐–บ ๐–จ๐—‹๐–บ๐—‡! ๐–ฆ๐—Ž๐–ป๐—’๐–พ๐—‹๐—‡๐—ˆโ€™๐—’ ๐–ฏ๐–บ๐—‡๐–บ๐—€๐—Ž๐—๐—‚๐—‡ ๐—Œ๐–บ ๐–ช๐—ˆ๐—‹๐–บ๐—‰๐—Œ๐—’๐—ˆ๐—‡ ๐–บ๐— ๐–ช๐–บ๐—‰๐–บ๐–ป๐–บ๐—’๐–บ๐–บ๐—‡ ๐—Œ๐–บ ๐–ก๐–บ๐—’๐–บ๐—‡!

Peasant Conversation sa Pandaigdigang Araw ng Pakikibaka ng mga MagsasakaQuezon City โ€” Kahapon Abril 17, nagtipon ang mg...
18/04/2026

Peasant Conversation sa Pandaigdigang Araw ng Pakikibaka ng mga Magsasaka

Quezon City โ€” Kahapon Abril 17, nagtipon ang mga lider-magsasaka, mangingisda, katutubo, manggagawa, kababaihan, kabataan, at iba pang progresibong pwersa sa โ€œPeasant Conversation: Bridging Calls of the Past with the Struggles of the Presentโ€ bilang militanteng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Pakikibaka ng mga Magsasaka.

Ginugunita ng araw na ito ang masaker sa Eldorado do Carajรกs sa Brazil, kung saan brutal na pinaslang ang 21 magsasakang walang lupa noong 1996 habang ipinaglalaban ang tunay na repormang agraryo. Hanggang ngayon, nananatiling buhay ang kanilang labanโ€”isang pakikibakang patuloy na dinadala ng milyun-milyong magsasaka, mangingisda, at manggagawang agrikultural sa buong mundo para sa lupa, pagkain, at dignidad.

Pinangunahan ang aktibidad ng PANGISDA-Pilipinas, PKMM, at Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN), kasama ang KAISA KA, LUPA, Focus on the Global South, LILAK, Youth for Nationalism and Democracy (YND), STEP GEN, mga kinatawan ng akademya, SINAG, at iba pang lider-magsasaka at kaalyado upang higit pang patatagin ang laban para sa soberanya sa pagkain.

Mariing tinuligsa sa talakayan ang patuloy na pang-aagaw ng lupa, sapilitang pagpapalayas, at lumalalang kagutuman sa kanayunan. Sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at abono, at sa harap ng pandaigdigang krisis, lalo pang ibinabaon sa kahirapan ang mga magsasaka at mangingisda. Sa kabila ng mga batas na diumanoโ€™y para sa reporma, nananatiling kontrolado ng malalaking korporasyon at dayuhang interes ang sistema ng pagkainโ€”isang malinaw na patunay ng malubhang kawalan ng hustisya sa kanayunan.

Itinampok din ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at ang sistematikong pagsasantabi sa mga magsasaka, kasabay ng pagpapatibay ng pagkakaisa ng ibaโ€™t ibang sektor upang labanan ang pang-aapi at pagsasamantala.

Iginiit ng Peoples Food Sovereignty PH na ang tunay na solusyon ay ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo, pagsusulong ng agroekolohiya, at pagkamit ng ganap na soberanya sa pagkain. Ang pakikibaka ng mga magsasaka sa Brazil tatlong dekada na ang nakalipas ay malinaw na sumasalamin sa patuloy na laban ng mga magsasaka at mangingisda sa Pilipinas sa kasalukuyan.

โ€œAng dugong dumanak sa Eldorado do Carajรกs ay hindi lamang alaalaโ€”ito ay panawagan para sa tuloy-tuloy na paglaban. Sa Pilipinas, hindi titigil ang mga magsasaka at kababaihan sa kanayunan sa pagharap sa pang-aagaw ng lupa at imperyalistang kontrol sa sistema ng pagkain. Ang ating pagkakaisa ang ating pinakamalakas na sandata,โ€ pahayag ng Peoples Food Sovereignty PH.

Address

28 Akle Street, Brgy. Claro, Project 3, Diliman
Quezon City
1100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pambansang Kaisahan ng Makabayang Magbubukid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share