01/06/2026
Unang Lunes ng Buwan | 47th Regular Session ng** Sangguniang Panlalawigan ng Quezon
Ngayong unang Lunes ng buwan, matagumpay na isinagawa ang 47th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang magpapalakas sa serbisyo publiko at maghahatid ng makabuluhang pag-unlad sa buong lalawigan.
Sa nasabing sesyon, tinalakay at pinag-usapan ang ibaβt ibang mga ordinansa, resolusyon, at iba pang mahahalagang usaping may kinalaman sa kapakanan ng mga mamamayan ng Quezon. Layunin ng mga deliberasyon na higit pang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo at mapanatili ang maayos na pamamahala sa lalawigan. Ayon sa opisyal na impormasyon ng Sangguniang Panlalawigan, ang mga regular session ay ginaganap tuwing Lunes bilang bahagi ng kanilang tungkuling lehislatibo.
Pinangunahan ang sesyon sa ilalim ng pamumuno ng mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan kasama ang mga miyembro nito, kabilang si SKPF President at Ex-Officio Board Member Jackelyn D. Delimos, bilabf representasiyon ng Kabataan upang patuloy na maisulong ang mga programang makatutugon sa pangangailangan ng bawat Quezonian.
Patuloy ang panawagan ng Sangguniang Panlalawigan para sa pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng bawat sektor tungo sa isang mas maunlad, mas maayos, at mas progresibong Lalawigan ng Quezon.