DepEd Bucal Elementary School

DepEd Bucal Elementary School The official DepEd Tayo page of DepEd Bucal Elementary School- Calauag East District-Divis

Nakiisa ang Bucal Elementary School sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng patuloy na pa...
08/07/2026

Nakiisa ang Bucal Elementary School sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagtataguyod ng kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.

Sa pangunguna ni Ma'am Ma. Concepcion O. Yolores, Teacher-In-Charge, kasama ang SDRRM Coordinator na si Ma'am Arcile O. Bulawan at ang lahat ng mga g**o, matagumpay na naisagawa ang earthquake drill. Ipinaliwanag at ipinakita sa mga mag-aaral ang mga tamang hakbang na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol, kabilang ang tamang pagsasagawa ng "Duck, Cover, and Hold" upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa oras ng sakuna.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, higit na napalawak ang kaalaman at kahandaan ng bawat isa sa tamang pagtugon sa mga emerhensiya. Patuloy nating isabuhay ang kahandaan upang maging ligtas ang ating paaralan at komunidad.

"Ang kahandaan ngayon ay kaligtasan bukas." πŸ’š

Isinagawa ang Programa ng Pamahalaang Bayan ng Calauag para sa Pamamahagi ng School Supplies, isang inisyatibong naglala...
08/07/2026

Isinagawa ang Programa ng Pamahalaang Bayan ng Calauag para sa Pamamahagi ng School Supplies, isang inisyatibong naglalayong masuportahan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa pagsisimula ng panibagong taong panuruan.

Taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Calauag, sa pangunguna ni Mayor Rosalina O. Visorde, para sa patuloy na pagpapakita ng malasakit at suporta sa sektor ng edukasyon. Lubos din kaming nagpapasalamat kay PESO Manager Sir Emmanuel Landicho, na kumatawan sa pamamahagi ng mga kagamitan.

Ang programang ito ay patunay ng sama-samang adhikain ng ating lokal na pamahalaan na matulungan ang bawat mag-aaral na magkaroon ng sapat na kagamitan sa pag-aaral at mas maliwanag na kinabukasan.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at suporta sa mga mag-aaral ng Bukal.

A heartfelt thank you to the OBE Monitoring Team, headed by Ma'am Helen R. Esternon, Public Schools District Supervisor,...
21/06/2026

A heartfelt thank you to the OBE Monitoring Team, headed by Ma'am Helen R. Esternon, Public Schools District Supervisor, together with the Calauag East District Principals, for your meaningful visit and valuable insights.

Your guidance, encouragement, and commitment to educational excellence continue to inspire us to do better for our learners. We truly appreciate your support and dedication.

Maraming salamat po! πŸ’™πŸ“š


PARENTS' ORIENTATION 2026Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang na dumalo at nakiisa sa isinagawang Parents' O...
13/06/2026

PARENTS' ORIENTATION 2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang na dumalo at nakiisa sa isinagawang Parents' Orientation ng Bucal Elementary School sa pangunguna ni Ma'am Ma. Concepcion O. Yolores, Teacher-In-Charge, kasama ang masisipag at dedikadong mga g**o ng paaralan.

Ang inyong pagdalo at aktibong pakikilahok ay patunay lamang ng inyong buong suporta at malasakit sa edukasyon at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng matibay na ugnayan ng paaralan at tahanan, mas lalo nating mapapalakas ang pundasyon ng tagumpay ng bawat bata.

Maraming salamat sa inyong tiwala, kooperasyon, at patuloy na pakikiisa. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad at matagumpay na Bucal Elementary School para sa ating mga mag-aaral.




Brigada Eskwela 2026: Paghahanda sa Mas Ligtas at Maayos na Pagbubukas ng Klase πŸ“šβœ¨Sa patuloy na pagkakaisa at bayanihan,...
07/06/2026

Brigada Eskwela 2026: Paghahanda sa Mas Ligtas at Maayos na Pagbubukas ng Klase πŸ“šβœ¨

Sa patuloy na pagkakaisa at bayanihan, matagumpay na isinagawa ang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Bucal Elementary School sa pangunguna ng aming Brigada Coordinator, Ma’am Hazel Landicho.

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga magulang, volunteers, stakeholders, at lalo na sa Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Apolonio Legion Jr., sa inyong walang sawang suporta, oras, at pagtutulungan upang masig**o ang isang maayos, malinis, at ligtas na paaralan para sa ating mga mag-aaral.

Ang inyong kabutihan at malasakit ay tunay na nagbibigay inspirasyon. Sama-sama nating ihanda ang mas maliwanag na kinabukasan ng bawat mag-aaral πŸ’™πŸ«



Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, volunteers, stakeholders, at mga miyembro ng komunidad na makiisa sa ga...
26/05/2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, volunteers, stakeholders, at mga miyembro ng komunidad na makiisa sa gaganaping Brigada Eskwela 2026–2027 na isasagawa mula June 1–5, 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Layunin ng gawaing ito na maihanda ang ating paaralan upang maging mas malinis, ligtas, maayos, at handa para sa ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng bayanihan at pagtutulungan, makapagbibigay tayo ng mas maayos na kapaligiran para sa pagkatuto ng bawat bata.

Anumang tulongβ€”oras, lakas, kagamitan, o donasyonβ€”ay lubos naming pahahalagahan. Sama-sama nating ipakita ang diwa ng pagkakaisa para sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa! πŸ’šπŸ«βœ¨



𝐈𝐍 ππ‡πŽπ“πŽπ’ | Bucal ES Teachers actively participated in the Division Checking of School Forms for Kindergarten and Grades...
25/03/2026

𝐈𝐍 ππ‡πŽπ“πŽπ’ | Bucal ES Teachers actively participated in the Division Checking of School Forms for Kindergarten and Grades 1–6, in collaboration with the Division Checking Committee headed by PSDS Ma’am Helen R. Esternon. Grateful to all the checkers for their time, dedication, and invaluable support in ensuring the quality of our school records

This activity shows our commitment to accuracy, transparency, and excellence in maintaining learners’ records.

β€œBucal Elementary School celebrates strong women who nurture minds, lead with heart, and inspire future generations. πŸ’œπŸŒΈβ€...
01/03/2026

β€œBucal Elementary School celebrates strong women who nurture minds, lead with heart, and inspire future generations. πŸ’œπŸŒΈβ€



Address

Brgy. Bukal, Calauag
Quezon
4318

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Bucal Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Bucal Elementary School:

Shortcuts

Share