DepEd Bangkuro Elementary School

Call Contact the organization

DepEd Bangkuro Elementary School ALAGANG BANGKURUHIN

TINGNI BAYA❗❗❗MARAMING SALAMAT, MA’AM ARLYN 💚Sa loob ng halos anim na taon, naging mahalagang bahagi kayo ng Bangkuro El...
28/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

MARAMING SALAMAT, MA’AM ARLYN 💚

Sa loob ng halos anim na taon, naging mahalagang bahagi kayo ng Bangkuro Elementary School. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at pagmamahal sa pagtuturo.

Higit sa lahat, mananatili sa aming puso ang mga masasayang alaala, tawanan, kwentuhan, pagtutulungan, at mga panahong pinagsaluhan natin bilang isang pamilya. Ang mga sandaling iyon ay magiging bahagi ng magandang kwento ng Bangkuro ES. 💚

Sa inyong paglipat sa ibang paaralan, buong puso naming ipinapaabot ang aming pasasalamat at pinakamabuting pagbati. Nawa’y maging matagumpay at makabuluhan ang inyong panibagong landas ng paglilingkod.

-BANGFAM💚

TINGNI BAYA❗❗❗HAPPY WORLD TEACHERS’ MONTH 2026💚Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Month 2026, ang buong Bangkuro Elementa...
28/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

HAPPY WORLD TEACHERS’ MONTH 2026💚

Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Month 2026, ang buong Bangkuro Elementary School, sa pangunguna ng aming School Head, MA'AM JANINE ELIZABETH S. PERMEJO ay buong pusong nagbibigay-pugay at pasasalamat sa lahat ng g**o na walang sawang naglilingkod, nagtuturo, at humuhubog sa kinabukasan ng bawat mag-aaral.

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga g**o sa buong mundo. Saludo kami sa inyong sipag, dedikasyon, malasakit, at pagmamahal sa propesyon. Ang inyong mga aral, sakripisyo, at inspirasyon ay nagsisilbing ilaw sa landas ng milyon-milyong mag-aaral.💚

Mula sa BANGKURO ELEMENTARY SCHOOL, MARAMING SALAMAT at HAPPY WORLD TEACHERS' MONTH💚

Saludo sa lahat ng G**o, sa Pilipinas at sa buong mundo💚




**o

13/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

2-DAY IN-SERVICE TRAINING SEMINAR 2026💚

Matagumpay na isinagawa ang 2-Day In-Service Training Seminar noong Setyembre 10–11, 2026 sa Abuyon National High School Covered Court.

Dumalo at aktibong nakilahok ang mga g**o ng Bangkuro Elementary School, sa pangunguna ng Ulong G**o I ng paaralan, MA'AM JANINE ELIZABETH S. PERMEJO at sa paggabay ng Public Schools District Supervisor, DR. NIMPHA L. REYES.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalawak ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga g**o upang mas mapahusay ang pagtuturo at maihatid ang mas dekalidad na serbisyo para sa ating mga mag-aaral.

Isang makabuluhang dalawang araw ng pagkatuto, pagbabahagi ng kaalaman, pakikipagtulungan, at propesyonal na pag-unlad.
Patuloy na natututo. Patuloy na umuunlad. Para sa Batang Bangkuruin!





TINGNI BAYA❗❗❗CONGRATULATIONS,  JESSA MAE👏👏👏Taos-pusong ipinagmamalaki ng Bangkuro Elementary School si JESSA MAE C. BAN...
13/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

CONGRATULATIONS, JESSA MAE👏👏👏

Taos-pusong ipinagmamalaki ng Bangkuro Elementary School si JESSA MAE C. BANQUILES, kinatawan ng San Narciso, Quezon, sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang BRONZE MEDALIST sa DISCUS THROW – Elementary Girls sa PALARONG QUEZON 2026 na ginanap sa Gumaca, Quezon.

Ang iyong sipag, tiyaga, disiplina, at determinasyon ay patunay ng husay at galing ng isang Batang Bangkuruin. Tunay kang karangalan hindi lamang ng Bangkuro Elementary School, kundi maging ng San Narciso, Quezon.

Congratulations, Jessa Mae💚
Buong-pusong ipinagmamalaki ka namin🥉💚





08/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

MULING TUNGHAYAN ANG NATATANGING PAGTATANGHAL!💃🕺🎶💚

Balikan at muling saksihan ang kahanga-hangang pagtatanghal ng mga mag-aaral ng Bangkuro Elementary School sa Sining ng Tanghalan “INDAK NG LAHI, at AWIT NG LIPI” bilang kinatawan ng San Narciso II District sa 3rd Congressional District Festival of Talents 2026–2027, na ginanap sa Bayan ng Macalelon, Quezon.

Sa bawat indak, himig, at galaw, buong husay na naipamalas ng ating mga Batang Bangkuruin ang kanilang talento, pagmamahal sa sining, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.

Ang makulay na pagtatanghal na ito ay bunga ng sipag at dedikasyon ng mga mag-aaral, paggabay ng mga g**o at coaches, at walang sawang suporta ng mga magulang at buong komunidad. Tunay na mas nagiging makabuluhan ang bawat tagumpay kapag sama-sama itong pinagsisikapan.

Mabuhay ang Batang Bangkuruin
Mabuhay ang sining at kulturang Pilipino.

🎵 No Copyright Infringement Intended.
Music used in this video belongs to its rightful owners. No copyright infringement intended. This post is for educational, cultural, and promotional purposes only.







TINGNI BAYA❗❗❗Psalm 20:4“May He give you the desire of your heart and make all your plans succeed.HAPPY BIRTHDAY MA'AM A...
07/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

Psalm 20:4
“May He give you the desire of your heart and make all your plans succeed.

HAPPY BIRTHDAY MA'AM ARLYN❤️

Wishing you a joyful and love-filled day! Thank you for being such a dedicated and inspiring teacher to our Bangkuro ES learners. May this year bring you more reasons to smile and continue doing what you love.🥳🎊🎁🎉🎈

TINGNI BAYA❗❗❗ISANG MAKABULUHANG PAGPUPUGAY SA GALING AT TALENTO NG BATANG BANGKURUINIsang buong-pusong pagpupugay sa at...
07/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

ISANG MAKABULUHANG PAGPUPUGAY SA GALING AT TALENTO NG BATANG BANGKURUIN

Isang buong-pusong pagpupugay sa ating mga batang mananayaw ng INDAK NG LAHI at sa ating kinatawan sa PLOT TWISTING CHALLENGE ng Bangkuro Elementary School, na buong tapang at husay na kumatawan sa San Narciso II District sa Third Congressional District Festival of Talents na ginanap sa Bayan ng Macalelon, Quezon.

Ang inyong sipag, dedikasyon, tapang at talento ay tunay na karapat-dapat ipagmalaki. Higit sa anumang resulta, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng Batang Bangkuruin may talento, may tiyaga, at may pusong lumalaban.

Lubos din ang pasasalamat ng Bangkuro Elementary School sa lahat ng taong naging bahagi at nagpaabot ng suporta upang maging matagumpay ang pakikilahok ng ating paaralan.

Taos-pusong pasasalamat sa mga Opisyales ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay ng Lakdayan, gayundin sa aming Ulong-G**o I, MA'AM JANINE ELIZABETH S. PERMEJO at sa aming masisipag na coaches na sina SIR ARTHUR C. NIERRA at MA'AM ALLYSSA A. MER. Gayundin sa lahat ng aming mga g**o na patuloy na gumabay at sumuporta sa ating mga mag-aaral,

Sa mga magulang na walang sawang nagbibigay ng suporta, oras, at pagmamahal sa kanilang mga anak. Ang inyong pagtitiwala at pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating mga batang manlilikha at mananayaw. .

Sa ating mga batang kalahok, maraming salamat sa inyong husay, tapang, at pagbibigay ng karangalan sa Bangkuro Elementary School at San Narciso II District.

Sama-sama nating ipinagmamalaki ang bawat batang Bangkuruin💚
Mabuhay ang Batang Bangkuruin, Mabuhay ang Bangkuro Elementary School💚









TINGNI BAYA❗❗❗ISANG MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2026 SA BANGKURO ELEMENTARY SCHOOL 💚Sa pangunguna ni Ma’am...
03/09/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

ISANG MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2026 SA BANGKURO ELEMENTARY SCHOOL 💚

Sa pangunguna ni Ma’am Janine Elizabeth S. Permejo, Ulong G**o I, at ni G. Wendel G. Fontamillas, Tagapamahala ng Asignaturang Filipino, matagumpay na ipinagdiwang ng Bangkuro Elementary School ang Buwan ng Wika 2026 sa temang:

“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Tampok sa pagdiriwang ang mga pagtatanghal ng mga kinatawan mula sa bawat baitang, na nagbigay-daan upang maipakita ang kanilang talento, husay, at pagmamahal sa wikang Filipino:

📌 Kindergarten at Baitang 1 – Tula

📍Anjhiela L. Camayse
📍Zhian Jay D. San Pablo
📍Rhian Alexa L. Gallardo
📍Jhon Michael G. Rodriguez
📍Rhytm Pabunot

📌 Baitang 2 – Sabayang Pagbasa

📍Lahat ng mag-aaral

📌 Baitang 3 – Talumpati

📍Keziah Hailey C. Banquiles
📍Jeogine T. Blastique
📍Reyanna Mae G. Reparip

📌 Baitang 4–6 – Modern Spoken Poetry

📍Yhassie L. Redoma
📍Jessalyn V. Coz
📍John Cris F. Bermundo
📍Remelyn G. Reparip

Taos-pusong pasasalamat sa mga g**ong tagapayo ng bawat baitang na buong pusong gumabay at sumuporta sa mga mag-aaral na naging kinatawan sa pagdiriwang.

Mabuhay ang Wikang Filipino at mga Katutubong Wika🇵🇭💚







TINGNI BAYA❗❗❗Maligayang Kaarawan sa ating Public Schools District Supervisor ng San Narciso II District, Dr. NIMPHA L. ...
28/08/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

Maligayang Kaarawan sa ating Public Schools District Supervisor ng San Narciso II District, Dr. NIMPHA L. REYES💚

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa inyong buhay at paglilingkod.

Happy Birthday po, Mabuhay at pagpalain po kayo💚

TINGNI BAYA❗❗❗Isang panibagong linggo ng pagkatuto ang ating sinimulan sa pamamagitan ng regular na seremonya ng pagtata...
23/08/2026

TINGNI BAYA❗❗❗

Isang panibagong linggo ng pagkatuto ang ating sinimulan sa pamamagitan ng regular na seremonya ng pagtataas ng watawat. Sama-sama nating ipinamalas ang disiplina, paggalang, at pagmamahal sa ating bansa bilang paghahanda sa mga bagong aral at hamon ng linggong ito.

Sa Bangkuro Elementary School, patuloy nating isinasabuhay ang mga pagpapahalagang humuhubog sa responsable, disiplinado, at makabayang mga mag-aaral. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang bawat simula ng linggo upang patuloy tayong magsikap at magtagumpay.






Address

Lacdayan San Narciso
Quezon
4313

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639917236554

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Bangkuro Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Bangkuro Elementary School:

Shortcuts

Share