4K Partylist

4K Partylist Kababaihan, Kabalikatan para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan [4K]
(4)

MAGANDANG BALITA! PASADO NA SA 2ND READING ANG EXPANDED ANTI-VAWC ACT 🧑Pasado na sa Second Reading ang panukalang Expand...
13/05/2026

MAGANDANG BALITA! PASADO NA SA 2ND READING ANG EXPANDED ANTI-VAWC ACT 🧑

Pasado na sa Second Reading ang panukalang Expanded Anti-Violence Against Women and Their Children (E-VAWC) Act, isa sa mga panukalang batas na isinusulong ni Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes para sa mas matibay na proteksyon ng kababaihan at mga bata.

Layunin ng panukalang batas na palawakin ang saklaw ng β€œviolence against women and their children” upang maisama hindi lamang ang tradisyunal na anyo ng pang-aabuso, kundi pati ang mga karahasang isinasagawa o pinahihintulutan ng Estado. Pinalalawak din nito ang depinisyon ng psychological violence upang masaklaw ang pamimilit sa kababaihan at mga bata na makasaksi ng pang-aabuso sa loob ng pamilya o pornograpiya.

Kasama rin sa panukala ang pagtugon sa mga pang-aabusong gumagamit ng information and communications technology (ICT), electronic devices, at digital media. Sa ilalim nito, mapapanagot ang mga sangkot sa pagpapakalat ng intimate videos, mahalay na content, at malisyosong paggamit ng pagkakakilanlan online.

Ipinag-uutos din ng panukala sa Department of Social Welfare and Development, mga lokal na pamahalaan, at Department of Health na tiyaking may sapat na shelter, counseling, rehabilitation, livelihood assistance, at medical support para sa mga biktima ng VAWC.


13/05/2026

PANOORIN: Buong paninindigang inihayag ni Assistant Minority Leader at 4K Partylist Representative Iris Montes ang pangangailangang bumuo ng pangmatagalang mekanismo upang maprotektahan ang bansa laban sa epekto ng pandaigdigang krisis sa langis at ekonomiya.

Patuloy na pinatutunayan ni Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes na sulit at may saysay...
12/05/2026

Patuloy na pinatutunayan ni Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes na sulit at may saysay ang tiwalang ibinigay ng mamamayan sa 4K Partylist.

Sa dalawang mahalagang sesyon ng pagpupulong ngayong araw sa Mababang Kapulungan, present, aktibo, at hands-on ang ating kinatawan sa pagsusulong ng mga usaping may direktang epekto sa buhay ng mga Pilipino:

βœ… Attended the LEAD Mega Committee Meeting
βœ… Attended the Committee on Rules Meeting


PANGMATAGALANG SOLUSYON SA KRISIS SA LANGIS, MULING BINIGYANG-DIIN NI CONGW. IRIS MONTESDumalo si Assistant Minority Lea...
12/05/2026

PANGMATAGALANG SOLUSYON SA KRISIS SA LANGIS, MULING BINIGYANG-DIIN NI CONGW. IRIS MONTES

Dumalo si Assistant Minority Leader at 4K Partylist Representative Iris Montes sa initial deliberations ng kanyang panukalang House Bill No. 9085 o ang β€œPhilippine Strategic Petroleum Reserve Act” sa isinagawang Committee on Energy Regular Meeting.

Sa pagdinig, binigyang-diin ni Congw. Montes na mahalagang magsilbing aral ang kasalukuyang krisis sa langis at pagtaas ng presyo ng mga bilihin na dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon sa kanya, higit sa mga panandaliang tugon, kinakailangang ituon ng panukalang batas ang pansin sa mga pangmatagalang hakbang upang mas maging handa ang bansa sa mga pandaigdigang sigalot na kahit hindi direktang kinasasangkutan ng Pilipinas ay matinding nakaaapekto sa ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino.

Iginiit niya ang kahalagahan ng mas pinalawak at mas matatag na oil reserve stockpiling sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, bilang bahagi ng pagbuo ng mas matibay na energy security framework para sa bansa.


12/05/2026

BABAE, BIDA SA PAGBABAGO PARA SA KALIKASAN 🧑🌳

Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang paraan upang mapanatili ang biyaya ng ating kapaligiran, kundi hakbang din upang maprotektahan ang mga komunidad sa panahon ng kalamidad.

Patuloy na maniniwala ang 4K na kahit sa maliliit na hakbang, nagsisimula ang malalaking pagbabago, at hangad nating mas marami pang komunidad ang maabot at maimpluwensyahan ng mga inisyatibang pinangungunahan ng ating mga kababaihan.


CONGW. IRIS MONTES, KASAMA SA BUMUBUSISI SA PAGREBISA NG UHC ACT PARA SA MAS EPEKTIBONG SERBISYONG PANGKALUSUGAN 🧑Ngayon...
11/05/2026

CONGW. IRIS MONTES, KASAMA SA BUMUBUSISI SA PAGREBISA NG UHC ACT PARA SA MAS EPEKTIBONG SERBISYONG PANGKALUSUGAN 🧑

Ngayong araw, nagsagawa ng pagpupulong ang mga kasapi ng Sub-Committee on Universal Health Care (UHC) ng Kamara, kung saan kabilang si Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes bilang kaisa-isang kinatawan mula sa minorya.

Inatasan ang nasabing sub-committee na masusing pag-aralan at busisiin ang mga probisyon ng Universal Health Care Act upang matukoy kung anu-ano pa ang maaaring amyendahan at palakasin para mas maging epektibo ang pagpapatupad nito para sa mamamayan.

Sa kabila ng mga hamon sa sistema ng kalusugan, nananatiling matibay ang paninindigan ni Congw. Iris Montes na isulong ang tunay na katuparan ng Kalusugang Pangkalahatan, kung saan ang bawat Pilipino ay may pantay na akses sa de-kalidad, abot-kaya, at maaasahang serbisyong pangkalusugan, nang hindi nalulubog sa gastusing medikal.


Habang lumalalim ang panalangin, mas dapat lumalim din ang pananampalataya.
11/05/2026

Habang lumalalim ang panalangin, mas dapat lumalim din ang pananampalataya.


Dalawang magkaibang paraan ng pagmamahal at pagpapahalaga ang ipinakita ng mga samahan ng 4K sa lalawigan ng Quezon ngay...
10/05/2026

Dalawang magkaibang paraan ng pagmamahal at pagpapahalaga ang ipinakita ng mga samahan ng 4K sa lalawigan ng Quezon ngayong Araw ng mga Ina.

Sa Unisan, Quezon, mula sa kinita nila sa pagtitinda sa lingguhang tiangge, inilibre ng ating mga kababaihan ang mga pangulo ng samahan sa bawat barangay sa isang simpleng salon pamper day bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon at paglilingkod bilang mga ina at lider ng komunidad.

Samantala, sa San Antonio, Quezon, nag-volunteer naman ang ating mga kababaihan sa pamamahagi ng gift packs kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng isang good samaritan na patuloy ring tumutulong sa komunidad.

Sa iba’t ibang maliit na paraan, patuloy nating pinatutunayan na ang malasakit at pagmamahal sa kapwa ay tunay na buhay sa samahan ng 4K.


MANALO NG P2,000 PANDAGDAG PUHUNAN NGAYONG MOTHER’S DAY!π˜Όπ™‰π™Šπ™‰π™‚ π™‡π™„π™‰π™”π˜Ό 𝙉𝙄 π™‰π˜Όπ™‰π˜Όπ™” π˜Όπ™‰π™‚ π™ƒπ™„π™‰π˜Ώπ™„ π™ˆπ™Š π™ˆπ˜Όπ™‡π™„π™ˆπ™π™π˜Όπ™‰?PAANO MANALO?1. I-sh...
10/05/2026

MANALO NG P2,000 PANDAGDAG PUHUNAN NGAYONG MOTHER’S DAY!

π˜Όπ™‰π™Šπ™‰π™‚ π™‡π™„π™‰π™”π˜Ό 𝙉𝙄 π™‰π˜Όπ™‰π˜Όπ™” π˜Όπ™‰π™‚ π™ƒπ™„π™‰π˜Ώπ™„ π™ˆπ™Š π™ˆπ˜Όπ™‡π™„π™ˆπ™π™π˜Όπ™‰?

PAANO MANALO?
1. I-share sa comment ang nakatatawa o nakakaantig na linya ng inyong nanay.
2. Ilakip sa comment kung saang barangay at bayan ka nakatira
3. Mag-react sa post
4. I-share ang post
5. Siguraduhing naka-follow sa ating Official FB Page
6. Gamitin ang hashtag na

Para sa mga Ilaw ng Tahanan na patuloy na nagsisilbing tanglaw ng kanilang pamilya at patuloy na naglilingkod para sa ib...
09/05/2026

Para sa mga Ilaw ng Tahanan na patuloy na nagsisilbing tanglaw ng kanilang pamilya at patuloy na naglilingkod para sa iba, taos-pusong bumabati ang 4K Partylist ng Maligayang Araw ng mga Ina! 🧑

𝑴𝑨𝒀 𝑡𝑨𝑡𝑨𝑳𝑢 𝑡𝑨! 🧑Congratulations, Jobelle Querido! Winner ka ng P2,000 pandagdag puhunan para sa tanong na: "ANO ANG POSI...
09/05/2026

𝑴𝑨𝒀 𝑡𝑨𝑡𝑨𝑳𝑢 𝑡𝑨! 🧑

Congratulations, Jobelle Querido!
Winner ka ng P2,000 pandagdag puhunan para sa tanong na: "ANO ANG POSISYON NI CONGW. IRIS MONTES SA MABABANG KAPULUNGAN?"

Hintayin ang message mula sa ating admin para sa detalye ng pag-claim ng iyong papremyo!

Bukas, abangan ang ating Mother's Day Palaro para sa pandagdag puhunan!


Address

Nava Street , Brgy. Tabing Dagat, Gumaca
Quezon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4K Partylist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share