24/02/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐ข๐ฉ. ๐๐๐๐๐ก ๐ง๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฅ๐๐จ | ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ข ๐ญ๐ฒ
Personal na bumisita si Gov. Doktora Helen Tan sa Rural Health Unit (RHU) ng Real upang alamin ang kalagayan at kalidad ng mga serbisyong medikal na ipinagkakaloob sa mga Realeรฑo.
Kasama si Mayor Julie Ann O. Macasaet, inilibot sila ni Municipal Health Officer Dra. Maricris Marquita-Uy sa buong pasilidad at ipinaliwanag ang mga programang pangkalusugan at serbisyong patuloy na ipinapatupad para sa mamamayan.
Ipinahayag ni Gov. Helen Tan ang kanyang kasiyahan at pagkilala sa maayos na sistema at organisadong operasyon ng RHU, na patunay ng mahusay na pamamahala at malasakit sa kalusugan ng publiko.