16/06/2026
📢 MAHALAGANG PAHAYAG PARA SA MGA KABATAAN NG BARANGAY SAN ANDRES LABAK
Mahal naming Kabataan,
Nais po naming ipabatid sa lahat na sa kasalukuyan ay nahaharap ang Sangguniang Kabataan ng Barangay San Andres Labak sa kakulangan ng kinakailangang quorum ng mga opisyal ng SK.
Dahil dito, hindi muna maisasagawa ang mga pagpupulong at pag-apruba ng mga kinakailangang resolusyon at iba pang opisyal na aksyon na kailangan upang makapagpalabas at makagamit ng pondo para sa mga programa, proyekto, at gawain ng kabataan.
⚖️ LEGAL NA BATAYAN
Ayon sa Republic Act No. 10742 o "Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015" at sa mga kaugnay na probisyon ng Local Government Code of 1991, kinakailangan ang pagkakaroon ng quorum upang maging balido ang mga pagpupulong at opisyal na aksyon ng sanggunian.
Kung walang quorum, hindi maaaring magsagawa ng mga opisyal na transaksyon kabilang ang pag-apruba ng mga resolusyon at iba pang dokumentong kinakailangan para sa implementasyon ng mga programa at paggamit ng pondo ng SK.
📌 BUNGA NITO:
• Pansamantalang naaantala ang implementasyon ng mga nakaplanong programa at proyekto.
• Hindi makapagpapalabas ng pondo para sa mga aprubadong gawain hangga't hindi natutugunan ang mga kinakailangang proseso.
• Patuloy naming hinahanap ang mga legal at administratibong hakbang upang maresolba ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at suporta habang inaayos ang usaping ito alinsunod sa batas at tamang proseso ng pamahalaan.
Maraming salamat po.