31/05/2026
Isang mainit na pagbati mula sa Local Youth Development Section para sa GENDER ELITES MERGING SOCIETY (GEMS) ng PUP Mulanay!
Opisyal na silang rehistrado sa Youth Organization Registration Program (YORP) ng National Youth Commission, na nagbibigay sa kanila ng karapatang maging bahagi ng Mulanay Local Youth Development Council (LYDC).
Sila ang ika-12 organisasyon mula sa PUP Mulanay na matagumpay na nagpatala. Bilang isang samahan ng komunidad ng LGBTQIA+, ang hakbang na ito ay isang makasaysayang patunay ng kanilang boses, pagkakaisa, at dedikasyon sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at lideratong kabataan.
Ikinagagalak ng LYDO Mulanay na makasama ang GEMS sa pagbuo ng isang mas inklusibo, makulay, at progresibong komunidad para sa lahat ng kabataang Mulanayin. Mabuhay kayo!