Burdeos Water District

Burdeos Water District Government-Owned & Controlled Corporation

‼️UPDATE‼️27 Agosto 2026Karagdagang impormasyon patungkol sa pagkasira ng Transmission Line sa Spillway Bridge, So. Catm...
26/08/2026

‼️UPDATE‼️

27 Agosto 2026

Karagdagang impormasyon patungkol sa pagkasira ng Transmission Line sa Spillway Bridge, So. Catmon

Naputol na rin po ang ikalawang Transmission Line sa Spillway Bridge, dahil dito asahan ang malawakang pagkawala ng supply ng tubig.

Ang Burdeos Water District po ay magsasagawa ng repair operation ngayong araw upang maibalik ang supply ng tubig.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng apektadong kunsumidor.

26/08/2026
26 August 2026PABATIDEMERGENCY WATER INTERRUPTION Ipinababatid po sa lahat ng kunsumidor ng Burdeos Water District ang p...
26/08/2026

26 August 2026

PABATID

EMERGENCY WATER INTERRUPTION

Ipinababatid po sa lahat ng kunsumidor ng Burdeos Water District ang pansamantalang pagkakaroon ng EMERGENCY WATER INTERRUPTION sanhi ng pagkaputol ng Transmission Line sa Spillway Bridge, So. Catmon.

Dahil dito, asahan ang paghina o tuluyang pagkawala ng supply ng tubig.

Bukas po ay nakaschedule na ang operation mula alas-singko ng umaga (5AM) ng diesel engine water pump upang pansamantalang magsupply ng tubig.

Ang Burdeos Water District din po ay agarang magsasagawa ng repair operation bukas upang maipanumbalik ang supply ng tubig.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa mga apektadong kunsumidor.

Ipinapaalala rin po namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng IMBAK na tubig upang may magamit sa panahon ng emergency.

Maraming salamat po.

PABATIDNarito po ang Schedule ng Tanggapan ng Burdeos Water District sa mga susunod na araw:August 19, 2026 - SaradoAugu...
18/08/2026

PABATID

Narito po ang Schedule ng Tanggapan ng Burdeos Water District sa mga susunod na araw:

August 19, 2026 - Sarado
August 20, 2026 - Bukas mula 8AM to 5PM
August 21, 2026 - Sarado
August 31, 2026 - Sarado

Ang lahat pa rin po ay pinapaalalahan na magkaroon palagi ng IMBAK na tubig upang may magamit sa panahon ng emergency o biglaang water interruption.

Mananatili naman pong nakaantabay ang mga Maintenance Personnel upang umaksyon sa mga emergency patungkol sa pagkawala o interruption sa supply ng tubig.

Kung tayo po ay mayroong mga report, maaaring magpadala ng mensahe sa page na ito

Maraming salamat po.

Basahin pa:
https://www.officialgazette.gov.ph/nationwide-holidays/
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/2/2034

17 Agosto 20269:52 AMPABATIDWATER INTERRUPTION SA SO. BUCALIpinababatid po na pansamantalang pinutol ang supply patungon...
17/08/2026

17 Agosto 2026
9:52 AM

PABATID

WATER INTERRUPTION SA SO. BUCAL

Ipinababatid po na pansamantalang pinutol ang supply patungong So. Bucal upang maiwasan ang pagkasayang ng tubig sanhi ng nasirang Transmission/Distribution Line.

Muli pong ibabalik ang supply ng tubig pagkatapos ng repair operation.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa mga apektadong kunsumidor.

Ipinapaalala rin po namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng IMBAK na supply ng tubig upang may magamit tuwing may emergency. Hinihikayat din po namin ang agarang pagrereport ng mga leakages, partikular sa ating transmission at distribution lines upang maiwasaan ang pagkasayang ng tubig.

Maraming salamat po.

21/07/2026

21 HULYO 2026

PABATID

Ipinababatid po sa lahat ng kunsumidor ng Burdeos Water District na kaugnay ng naka-schedule na power interruption bukas, Hulyo 22, 2026, Miyerkules (8:00 AM to 5:00 PM estimated time), ay magkakaroon din po ng WATER INTERRUPTION at pagbabago sa PUMP OPERATION SCHEDULE para sa araw na ito (Hulyo 21, 2026 Martes) at bukas (Hulyo 22, 2026 Miyerkules).

Schedule:
Martes, Hulyo 21, 2026 - Hanggang 12:00 MN
Miyerkules, Hulyo 22, 2026 – Mula 12:01 AM hanggang 7:00 AM

Muli pong bubuksan ang water pump sa oras na manumbalik ang supply ng kuryente.

Kaugnay po nito, ang lahat po ay hinihikayat na mag-IMBAK ng tubig na maaaring magamit sa oras ng interruption.

Ang regular na schedule po ng operation ng water pump ay simula 4:00 AM hanggang 7:00 PM.

Para sa iba pang katanungan o report, maaaring magtungo sa tanggapan ng Burdeos Water District o magpadala ng mensahe sa page na ito.

Maraming salamat po.

Send a message to learn more

12/07/2026

13 Hulyo 2026

PABATID

Ang Burdeos Water District po ay nagpapaalaala na tayo ay palaging mag-imbak ng tubig at magtipid sa paggamit.

Sa kasalukuyan po, ang tubig na iprino-proseso upang i-supply sa atin ay nagmumula sa Burdeos River. Ito po ginagamitan ng water pump upang umagos. Ang water pump po ay pinapagana ng kuryente kung kaya ang pagkakaroon ng tubig ay maaaring maapektuhan ng brownout o pagkawala ng kuryente.

Schedule ng Pump Operation: 4AM to 7PM

Ipinapabatid din po namin na dahil na rin sa kawalan ng ulan at lubhang mainit na panahon nitong mga nakaraang buwan, patuloy pa rin na naiiga ang Bayabas Spring, at bumababa ang daloy ng tubig sa Burdeos River, na maaaring mas magdulot pa ng kakulangan o mababang supply sa mga darating na buwan.

Kaugnay din po nito, tayo po ay maaaring makaranas ng pabago-bagong pressure ng tubig na maaaring maging dahilan ng airlock sa ating plumbing system na magiging dahilan ng pagkawala ng tubig.

Paano ba natin malalaman na maaaring may airlock?
Walang tumutulong tubig sa ating tahanan, ngunit oras ng Pump Operation at mayroon sa ating mga kapitbahay.

Paano ito susolusyunan?
Magreport sa Tanggapan ng Burdeos Water District o magpadala ng mensahe sa page na ito upang aming maaksyunan.

Maaari din po tayong magreport patungkol sa mga masasaksihan nating leakages o tagas na nagiging dahilan ng pagkasayang o pagtapon ng tubig.

Kami po ay humihingi ng pang-unawa sa lahat ng apektadong kunsumidor. Maraming salamat po.

25/06/2026

25 Hunyo 2026

PABATID
WATER INTERRUPTION SA SO. BUCAL SA HUNYO 26 AT 27 NG GABI

Isasarado po ang supply patungo sa So. Bucal.

Lugar na Apektado:
So. Bucal (Mabini St., Mabini Ext., Abacahan, Butonan)

Petsa at Oras:
Hunyo 26, 2026 Biyernes mula ika-walo ng gabi hanggang ika-apat ng madaling araw kinabukasan, Hunyo 27, 2026 Sabado (8PM to 4AM)

Hunyo 27, 2026 Sabado mula ika-walo ng gabi hanggang ika-apat ng madaling araw kinabukasan, Hunyo 28, 2026 Linggo (8PM to 4AM)

Dahilan ng Interruption:
Upang madagdagan ang supply ng tubig patungo sa So. Sabang at Balite.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa mga kunsumidor sa So. Bucal na maapektuhan. Kayo po ay pinapayuhan nang mag-imbak ng tubig upang may magamit habang may interruption.

Kung sakali pong muli nang binuksan ang supply sa So. Bucal at ang inyong service connection ay hindi pa rin tumutulo, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Burdeos Water District upang ito ay ireport at maaksyunan. Ang pagkawala ng supply sa tubo ay pansamantalang nagdudulot ng airlock na maaaring maging dahilan nito.

Maraming salamat po.

18 Hunyo 2026MUNTING PAALALABagaman po naka-schedule na ang water pump ay aandar mula alas-singko ng umaga hanggang alas...
18/06/2026

18 Hunyo 2026

MUNTING PAALALA

Bagaman po naka-schedule na ang water pump ay aandar mula alas-singko ng umaga hanggang alas-syete ng gabi (5AM to 7PM), amin pa rin pong hinihikayat ang lahat na palagiang magkaroon ng IMBAK ng tubig upang tayo ay may magamit sa panahon ng emergency o biglaang pagkawala, o paghina ng supply ng tubig; lalong-lalo na tuwing PEAK HOUR, o ang oras kung saan sabay-sabay na gumagamit ng tubig ang mga kunsumidor.

Ipinapaalala rin po namin na kung sakaling mawawalan ng supply ng kuryente, ay mawawalan din po ng supply ng tubig.

Kaugnay din po nito, ang lahat pa rin po ay hinihikayat na mag-TIPID sa paggamit ng tubig at mag-REPORT kung may masasaksihang leakages o tagas upang maiwasan ang pagkasayang ng tubig.

Tulad din po ng nakahayag sa El Niño/ La Niña Monitoring ng PAGASA, inaasahan na tayo ay makararanas ng epekto ng El Niño Phenomenon ngayong 2026 na aabot pa sa 2027; na maaaring maging dahilan ng mas mainit na temperatura at mas madalang na pag-uulan na makakaapekto sa ating water source, at mas mahirap na sitwasyon sa pagsu-supply ng tubig.

Maraming salamat po.

PAGASA ENSO Alert System Status
PAGASA: Recent atmospheric and oceanic indicators show that El Niño conditions are present in the tropical Pacific. In May 2026, the observed relative sea surface temperature anomaly (rSSTA) reached the +0.5°C threshold. Additionally, most climate models suggest there is over an 80% probability that this will develop into a full-blown El Niño event, which is likely to persist until early 2027.
(https://bagong.pagasa.dost.gov.ph/climate/el-nino-la-nina/monitoring updated 09 June 2026)

16 Hunyo 2026MUNTING PAALALAAlam nyo ba na alinsunod sa RA 9275 at PD 856, ipinagbabawal ang direktang pagkakabit ng WAT...
16/06/2026

16 Hunyo 2026

MUNTING PAALALA

Alam nyo ba na alinsunod sa RA 9275 at PD 856, ipinagbabawal ang direktang pagkakabit ng WATER PUMP sa METRO?

Kung tayo po ay may masasaksihan, maaaring magreport sa Tanggapan ng Burdeos Water District.

Ang paggamit ng WATER PUMP sa hindi tamang paraan ay nakakaapekto sa supply ng tubig sa mga malalapit na service connection, at maaaring maging dahilan ng kawalan o paghina ng supply ng tubig dito.

Narito ang tamang pagkakabit upang makagamit ng water o booster pump:

https://www.facebook.com/share/p/1H3g36g84a/

Address

Brgy. Poblacion Burdeos
Quezon

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Burdeos Water District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Burdeos Water District:

Shortcuts

Share