Municipal Cooperative Development Office - General Nakar, Quezon

Municipal Cooperative Development Office - General Nakar, Quezon This is the official page of MCDO General Nakar, Quezon.

21/05/2025
TINGNAN | Pakikiisa at pakikibahagi ng Municipal Cooperative Development Office - General Nakar, Quezon sa pangunguna ni...
09/05/2025

TINGNAN | Pakikiisa at pakikibahagi ng Municipal Cooperative Development Office - General Nakar, Quezon sa pangunguna ni MCDO/GAD Focal Person Perla Ayuma, kasama si Information Officer Elbert June Villanueva sa ginanap na LCDOP Region IV-A Full Chapter Meeting. Naisakatuparan ito mula sa lubos na pagsuporta ng ating Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol.

Naging matagumpay at makabuluhan ang LCDOP Region IV-A Full Chapter Meeting na dinaluhan ng iba’t ibang Cooperative Development Officers mula sa iba’t ibang bayan sa CALABARZON.

Kooperatiba ay kaagapay natin, upang patuloy na maging

Champion ang Nakarin!


02/05/2025
TINGNAN | Pakikiisa at pakikibahagi ng Municipal Cooperative Development Office - General Nakar, Quezon sa pangunguna ni...
24/04/2025

TINGNAN | Pakikiisa at pakikibahagi ng Municipal Cooperative Development Office - General Nakar, Quezon sa pangunguna ni MCDO/GAD Focal Person Perla Ayuma sa ginanap na LCDOP-Quezon Chapter Full Chapter Meeting and Capability Training na isinagawa sa Pitogo El Mundo Beach Resort.

Naisakatuparan ang pakikiisa sa gawaing ito, mula sa lubos na pagsuporta ng ating mahusay na Action Man, Hon. Mayor Esee Ruzol.

Kooperatiba ay kaagapay natin, upang patuloy na maging Champion ang Nakarin!



TINGNAN | Isinagawa ngayong araw, ika-22 ng Abril taong 2025, ang pagpupulong ng Municipal Cooperative Development Counc...
22/04/2025

TINGNAN | Isinagawa ngayong araw, ika-22 ng Abril taong 2025, ang pagpupulong ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) na ginanap sa ikaapat na palapag ng ating Bahay Pamahalaan. Pinangasiwaan ito ng Municipal Cooperative Development Office (MCDO) sa pamumuno ni MCDO/GAD Focal Person Perla Ayuma, mula sa suporta at paggabay ng ating butihing Punong Bayan at Honorary Chairperson ng MCDC, Kgg. Esee Ruzol.

Sa pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang usapin na may layuning higit pang mapaunlad at mapalakas ang mga kooperatiba sa ating bayan. Kabilang sa mga agenda na pinag-usapan ay ang Updates on Cooperatives, Discussion on Strategic Partnerships with BIR, Cooperative Profiling and Data Consolidation, at iba pang mahahalagang usapin.

Dinaluhan ang pagpupulong ng mga kinatawan mula sa iba't ibang kooperatiba sa ating bayan. Ang kanilang aktibong pakikilahok ay patunay ng matibay na samahan at patuloy na pagtutuwang upang mapaunlad ang kabuhayan ng bawat miyembro ng kooperatiba, at ng buong komunidad.

Patuloy na isinusulong ng ating Lokal na Pamahalaan ang pagpapalakas ng mga kooperatiba bilang isang malaking bahagi ng kaunlaran. Sa suporta ng ating Action Man, Mayor Esee Ruzol, at sa pamamagitan ng mabilis, matino, at mahusay na pamamaraan, sama-sama nating itinataguyod ang mas maunlad at masaganang hinaharap para sa ating bayan.

Sa bayan ng General Nakar, Quezon, Champion ang Kooperatiba!


19/04/2025

PAGNILAYAN | Ang libingan ay hindi na madilim. Ang krus ay hindi na wakas sapagkat si Kristo’y muling nabuhay at totoo ang Kanyang pangako.

Ito ang araw ng kagalingan at simula ng bagong pag-asa. Sa ating muling pagbangon, kasama natin si Kristo. Sa bawat ngiti, sa bawat paghilom, sa bawat hakbang—mananatili palagi ang pag-ibig.

Maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay!


Address

Brgy. Anoling, General Nakar
Quezon
4338

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Cooperative Development Office - General Nakar, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share