Sangguniang Barangay ng Calwit

Sangguniang Barangay ng Calwit ๐‘ซ๐‘ฐ๐‘บ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’–๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ด.

๐ต๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘” ๐ถ๐‘Ž๐‘™๐‘ค๐‘–๐‘ก ๐‘‚๐‘“๐‘“๐‘–๐‘๐‘–๐‘Ž๐‘™ ๐‘ƒ๐‘Ž๐‘”๐‘’.

Linggo ng kabataan 2026 ๐ŸคŽ
21/08/2026

Linggo ng kabataan 2026
๐ŸคŽ

BARANGAY AT KALINISAN DAY (BARKADA)August 15, 2026Ang Sangguniang Barangay ng Calwit ay patuloy na nakikiisa sa Barangay...
15/08/2026

BARANGAY AT KALINISAN DAY (BARKADA)

August 15, 2026

Ang Sangguniang Barangay ng Calwit ay patuloy na nakikiisa sa Barangay at Kalinisan Day (BARKADA) ng DILG, bilang bahagi ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program.

Isinasagawa natin ang regular na paglilinis sa ating barangay upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad, sa diwa ng bayanihan at sama-samang pagkilos.

Sama-sama nating panatilihing malinis at maayos ang Barangay Calwit!

UPDATEโ—๏ธSolar Lights para sa Barangay CalwitMatapos ang ilang linggong pagsisikap at trabaho, ngayong ay napapakinabanga...
13/08/2026

UPDATEโ—๏ธ
Solar Lights para sa Barangay Calwit

Matapos ang ilang linggong pagsisikap at trabaho, ngayong ay napapakinabangan na ang ating mga kabarangay ang dagdag na liwanag at seguridad sa ating barangay sa pangunguna ng ating Brgy Chairman Jesus P. Veluz .

Ang Sangguniang Barangay ng Calwit ay nagsagawa ng paglalagay ng 22 solar lights sa mga Designated area, na pinondohan mula sa 20% Development Fund ng Barangay Calwit.

Bahagi ito ng patuloy nating adhikain na gawing mas maliwanag, ligtas, at maayos ang ating barangay para sa kapakanan ng bawat Calwitin.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng buong Sangguniang Barangay, ang ating mga layunin ay unti-unting naisakatuparan. Patuloy tayong maglilingkod nang may malasakit, pagkakaisa, at iisang hangarin para sa ating komunidad.

Isang Layunin, Isang Calwit!

Sa pamamagitan ng programa at sariling inisyatiba ni Kgg. Nitchel O. Noblefranca, at sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan n...
08/08/2026

Sa pamamagitan ng programa at sariling inisyatiba ni Kgg. Nitchel O. Noblefranca, at sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Calwit Elementary School, Mr. Rufino P. Ordillano Jr. Head teacher I . naisagawa ang paglalagay ng mga School Zone Safety Signage na naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkakaisa, kooperasyon, at suporta ng Sangguniang Barangay, matagumpay na naisakatuparan ang nasabing programa para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral.

โ€˜โ€™Isang layunin isang Calwitinโ€™โ€™

LNK Celebration 2026 mga kabataan Calwitin tara na at maki-isa!!!
05/08/2026

LNK Celebration 2026 mga kabataan Calwitin tara na at maki-isa!!!

TINGNAN ๐Ÿ‘€Kasalukuyang isinasagawa ng Sangguniang Barangay ng Calwit ang paghahanda para sa paglalagay ng mga bagong sola...
28/07/2026

TINGNAN ๐Ÿ‘€

Kasalukuyang isinasagawa ng Sangguniang Barangay ng Calwit ang paghahanda para sa paglalagay ng mga bagong solar lights na pinondohan ng Barangay Calwit.

Ang mga ito ay ilalagay sa designated areas sa ating Barangay , lalo na sa tabing-dagat, upang magkaroon ng mas maliwanag at mas ligtas na daanan para sa ating mga kabarangay, lalo na sa ating mga mangingisda na umuuwi at dumadaong mula sa laot tuwing gabi.

Isa ito sa mga proyektong naglalayong mapabuti ang kaligtasan at kapakanan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong suporta. Sama-sama nating pangalagaan ang mga proyektong para sa ating lahat!

โ€œIsang layunin,isang Calwitinโ€

18/07/2026
Maligayang Kaarawan, Maโ€™am Joyce Ann T. Cerillo! ๐ŸŽ‰Ang buong Sangguniang Barangay ng Calwit ay taos-pusong bumabati sa in...
17/07/2026

Maligayang Kaarawan, Maโ€™am Joyce Ann T. Cerillo! ๐ŸŽ‰

Ang buong Sangguniang Barangay ng Calwit ay taos-pusong bumabati sa inyo ng isang maligayang kaarawan.

Dalangin namin ang inyong patuloy na tagumpay, mabuting kalusugan, at masaganang pagpapala. Lubos naming pinahahalagahan ang inyong dedikasyon bilang Day Care Worker sa walang sawang paggabay at paghubog sa ating mga kabataan. Nawaโ€™y ipagpatuloy ninyo ang inyong mahalagang misyon sa pagpapalakas ng pundasyon ng edukasyon at paglinang ng kaalaman, kakayahan, at mabuting asal ng bawat batang inyong ginagabayan.

Maraming salamat sa inyong tapat at buong pusong paglilingkod sa ating barangay. Hangad namin ang marami pang taon ng kaligayahan, tagumpay, at pagpapala sa inyong buhay.

Maligayang Kaarawan, Maโ€™am Joyce Ann T. Cerillo!

Address

Barangay Calwit San Narciso
Quezon
4313

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Calwit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share