19/07/2026
TINGNAN | Tamang Kasuotan ng mga Magulang sa Pagpasok sa Paaralan π
Bilang katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga mag-aaral, hinihikayat ng ating paaralan ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na magsuot ng maayos, malinis, at angkop na kasuotan sa tuwing papasok sa loob ng paaralan.
Ang simpleng pagsunod sa tamang kasuotan ay pagpapakita ng paggalang, disiplina, at pakikiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at positibong kapaligiran sa pagkatuto.
PAALALA:
π Magsuot ng disenteng kasuotan na naaayon sa school setting.
π« Iwasan ang mga kasuotang masyadong maikli, manipis, o hindi angkop sa loob ng paaralan.
π€ Sama-sama nating itaguyod ang kultura ng respeto at magandang halimbawa para sa ating mga anak.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan!