16/05/2022
TULOY ANG LABAN BAYAN NG QUEZON!
Bagama't kinapos nang napaka-kaunting bilang nitong nakaraan ngunit malaking patunay ang nakuha nating porsiyento na marami na ang gumising at nawasak ang tanikala mula sa pagkakagapos at takot simula ng tayo'y nag-umpisa sa ating krusada para sa pagbabago ng Bayan ng Quezon.
Kaya nga, patuloy pa rin tayo sa ating pinaglalaban na kailanma'y WALANG PUWANG ANG PAGHAHARI-HARIAN, PANANAKOT, AT PAGGAMIT NG DAHAS SA ATING BAYAN AT PANAHON NA PARA IAHON ANG MAHAL NATING QUEZON MULA SA PAGKAKULELAT! PANAHON NA RIN PARA MALAYANG MAKAPAGPAHAYAG ANG BAWAT MAMAMAYAN AT MAGING KAPAKI-PAKINABANG SA PAMAMAGITAN NG AKTIBONG PAKIKILAHOK SA PAMAMAHALA. TANGGALIN ANG KAMAY NA PILIT NA SUMASAKAL SA TAUMBAYAN!
Narito pa rin po ang inyong lingkod at kabalikat sa Bayan ng Quezon, ATTY. EDNO JOSON, na mananatiling boses ng naaapi at kasama sa pagkamit ng ! Hindi ko kayo iiwan at patuloy na ipaglalaban!
Muli, sa 8,290 na buong lakas at tapang na nagpahayag ng suporta sa ating krusada at sa mga nakasamang volunteers at supporters sa ating team simula sa filing of candidacy, kampanyahan hanggang sa eleksyon, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! 🙏
Higit sa lahat, sa Diyos ang lahat ng papuri! 🙌