2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn

2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn, Government Organization, Quezon.

We work hand-in-hand with stakeholders, LGUs, and communities to deliver humanitarian support, peacebuilding initiatives, and public service grounded in purity of purpose — dalisay na paglilingkod.

Happy Birthday Sir Jasper!Hangad namin ang walang hanggang kaligayahan, mabuting kalusugan, at patuloy na tagumpay sa la...
25/08/2026

Happy Birthday Sir Jasper!
Hangad namin ang walang hanggang kaligayahan, mabuting kalusugan, at patuloy na tagumpay sa lahat ng iyong mga mithiin.
Pagbati mula sa 2CMO "Dalisay" Company Family.

📖 Bible Verse You Need Today ✨Happy Sunday! 🙏☀️
22/08/2026

📖 Bible Verse You Need Today ✨
Happy Sunday! 🙏☀️




Word of the Day: PaglaumUse "Paglaum" in a sentence
22/08/2026

Word of the Day: Paglaum
Use "Paglaum" in a sentence




Loudspeaker Operation at Pamamahagi ng Leaflets para sa Mapayapang BARMM Parliamentary Election 2026 BRGY PIGCALAGAN, Ma...
21/08/2026

Loudspeaker Operation at Pamamahagi ng Leaflets para sa Mapayapang BARMM Parliamentary Election 2026

BRGY PIGCALAGAN, Maguindanao del Norte – Isang team mula sa 2nd Civil-Military Operations (CMO) Company, 12th CMO Battalion, na kabilang sa Task Force 92 (TF92) ng 1st Brigade Combat Team (1BCT), ang nagsagawa ng loudspeaker operation at pamamahagi ng mga leaflet sa area of operation ng 33rd Infantry Battalion bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election nitong 21 August 2026.

Layunin ng aktibidad na maipaabot sa mga residente ang mahahalagang paalala at impormasyon kaugnay ng halalan, partikular ang pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pagsunod sa mga umiiral na alituntunin bago, habang, at pagkatapos ng halalan. Sa pamamagitan ng loudspeaker operation at leaflet distribution, hinikayat ang mga mamamayan na maging mapanuri sa impormasyong kanilang natatanggap, makilahok nang mapayapa at responsable sa proseso ng halalan, at iwasan ang anumang gawain na maaaring magdulot ng kaguluhan o tensyon sa komunidad.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang CMO team ng TF92 sa mga lokal na awtoridad at komunidad upang maitaguyod ang kamalayan, kapayapaan, at seguridad sa kanilang nasasakupan, alinsunod sa mandato at responsibilidad ng Philippine Army sa pagsuporta sa isang ligtas at mapayapang halalan.

We connect. We deliver. 💚


17/08/2026
MEDICAL MISSION ENRICHMENT PROGRAM, ISINAGAWA SA MARIKINA CITYMARIKINA CITY — Lumahok ang 2nd Civil-Military Operations ...
16/08/2026

MEDICAL MISSION ENRICHMENT PROGRAM, ISINAGAWA SA MARIKINA CITY

MARIKINA CITY — Lumahok ang 2nd Civil-Military Operations (CMO) “Dalisay” Company, 12th Civil-Military Operations Battalion (12CMOBn), sa ilalim ng operational control ng National Capital Region Command (NCRCOM), kasama ang 5th CMO “Peacemaker” Battalion, sa isinagawang Medical Mission Enrichment Program sa Agora 2, Barangay Sto. Niño, Marikina City ngayong Agosto 16, 2026.

Pinangunahan ng AMHUMAN College of Integrative Sciences and Civic Art Inc. ang programa katuwang ang NACCGI, Climate Change Task Force (CCTF), AKP Marikina Sorority, We CarePH, at ACMEY Colonic Hydrotherapy Naturopathic Health Care Services.

Layunin ng programa na makapaghatid ng libreng serbisyong medikal at wellness sa komunidad. Naitala ang 150 medical at wellness consultations, 75 counseling sessions, 45 acupuncture sessions, 56 massage services, 35 ventosa sessions, at 32 haircut services. Namahagi rin ng bitamina at gamot, nagsagawa ng feeding activity, at naghandog ng magic show para sa mga bata.

Ang aktibidad ay higit na nagpatibay sa ugnayan at pagtutulungan ng ating mga kasundaluhan at iba't ibang stakeholder sa pagsusulong ng kalusugan, kapakanan, at kagalingan ng komunidad.

Word of the Day: TinguhaUse "Tinguha" in a sentence
15/08/2026

Word of the Day: Tinguha
Use "Tinguha" in a sentence




READ: Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. on Friday (Aug. 7, 2026) says the agency works on "objective criteria" and ...
15/08/2026

READ: Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. on Friday (Aug. 7, 2026) says the agency works on "objective criteria" and uses no other standard in cases involving the reputation of Filipino citizens.

Teodoro: In this situation, the standard is simple: who not only opposes AO (Administrative Order) 29, but also refuses to recognize it-both elements being necessary, especially in light of our recent filing of nautical charts of Bajo de Masinloc and Panatag.

AO 29, signed by the late former president Benigno Aquino III in 2012, officially names maritime areas on the western side of the Philippine archipelago as the West Philippine Sea (WPS).

Teodoro earlier said all public officials, especially those elected into office, are sworn to uphold the Constitution and laws of the country.

He stressed that officials who disagree with the country's legal position have recourse through the courts, but cannot simply disregard existing laws while remaining in office. I Priam Nepomuceno (📷: DND)



Pagkalinga at Pakikiisa, Hatid sa Pamayanan ng Brgy. Sto. NiñoMARIKINA CITY — Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na ...
14/08/2026

Pagkalinga at Pakikiisa, Hatid sa Pamayanan ng Brgy. Sto. Niño

MARIKINA CITY — Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalapit ang serbisyo at malasakit sa mga mamamayan, matagumpay na nagsagawa ang 1P, 2CMO "Dalisay" Company 12CMOBn sa ilalim ng operational control ng National Capital Region Command (NCRCOM) sa isang community outreach activity sa Barangay Sto. Niño, Marikina City ngayong 14 Agosto 2026.

Namahagi ang 2CMOC ng 50 packs ng meryenda, na binubuo ng burger at C2 Solo Drink, sa mga kawani at opisyal ng Barangay Sto. Niño bilang pagpapakita ng pakikiisa at pagpapahalaga sa kanilang patuloy na paglilingkod sa komunidad.

Kasunod nito, 160 packs ng meryenda, na binubuo rin ng burger at C2 Solo Drink, ang ipinamahagi sa mga residente ng Agora 2, Brgy. Sto. Niño, Marikina City, upang makapaghatid ng simpleng tulong at pagkalinga sa mga mamamayan.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng suporta ng Office of the President-NS at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na patuloy na nagtataguyod ng mga programang nakatuon sa kapakanan at kapayapaan ng mga komunidad.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng mga kasangkot na tauhan at katuwang na institusyon ang diwa ng malasakit, pagkakaisa, at paglilingkod sa bayan, na naglalayong higit pang patatagin ang ugnayan at tiwala sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan.


Address

Quezon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share