10/11/2025
๐๐๐-๐๐ฎ๐ข๐ง๐๐ฉ๐จ๐ง๐๐๐ง, ๐ง๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ๐ฌ๐๐-๐๐ฎ๐ญ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฐ๐๐ง
Kasama ang buong pwersa ng Incident Management Team, MDRRMC, MLGOO, mga kapitan ng barangay at kanilang secretaries, pinangunahan ni Mayor Leo Jasper Candido ang Closed-Out Meeting para sa nagdaang Bagyong Uwan, kaninang alas dos ng hapon sa Conference Hall ng Municipal Building.
Layunin ng nasabing pagpupulong na malinaw na talakayin ang mga naging paghahanda ng mga brgy. officials para sa Bagyong Uwan at kung ano pang mga preperasyon at hakbang ang dapat gawin upang mas maging handa pa para sa mga susunod na kalamidad.
Ipina-alala rin ni Mayor Candido sa lahat na ang wastong paghahanda ay ang pinakamahalagang gawin para mas matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Sa huli, kanya ding hinikayat ang buong-pusong kooperaysyon ng mga brgy. officials sapagkat sila ay may malaking ginagampanan bilang unang nilalapitan ng kanilang nasasakupan tuwing may kalamidad.