28/08/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ 2026 ๐
๐ Barangay Panalingaan, Rizal, Palawan
Ngayong araw ay matagumpay na ginanap sa Barangay Panalingaan ang selebrasyon ng National Family Planning Month, na may temang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng responsableng pagpaplano para sa mas malusog at mas maayos na pamilya. ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ๐
Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa rin ang ibaโt ibang Health Services para mailapit sa ating mga kababayan ang kinakailangang serbisyong pangkalusugan, kabilang ang:
๐ฉป Libreng Chest X-ray para sa Active TB Case Finding
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Family Planning Services
๐ฅ Nutrition Services โ weighing at height measurement
๐ฆ Malaria Services
โค๏ธ PhilPEN Services
๐ฅ PhilHealth YAKAP Services
๐งช Libreng Laboratory Examinations
Nagkaroon din ng Information, Education and Communication (IEC) tungkol sa Breastfeeding para sa ating mga nanay, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Month. Isinagawa rin ang IEC tungkol sa Family Planning, upang mas maunawaan ng bawat pamilya ang kahalagahan ng tamang kaalaman at pagpapasya para sa kalusugan ng ina, anak, at buong pamilya. ๐คฑ๐
Taos-pusong nagpapasalamat ang Municipal Health Office sa pangunguna ni OIC-MHO Rutchel Escabal Laborera,RN sa mainit na pakikiisa at suporta ng Barangay Panalingaan, sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay Kapt. Rolando Khu, Kagawad on Health Emelyn Baraguga, mga Community Volunteer Health Workers (CVHWs), Municipal Midwife, at HRH Nurse.
Maraming salamat din sa patuloy na suporta ng ating Municipal Mayor Norman S. Ong at Vice Mayor Maria Gracia Goh Macasaet-Zapanta sa mga programa at serbisyong pangkalusugan ng Municipal Health Office. ๐๐
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng ating health workers, barangay officials, at komunidad, patuloy nating inilalapit ang kalusugan at serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilya.
๐ Serbisyong Pangkalusugan, Hatid sa Bawat Barangay!
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Planado ang Pamilya, Mas Malusog ang Kinabukasan!