23/06/2021
June 23, 2021
Barangay Rumbang Covered Court, Barangay Rumbang, Rizal, Occidental Mindoro.
"Maraming salamat po sa Department of Trade and Industry sa pagtuturo sa amin sa pag-gawa ng mga Longganisa, Tocino at Tapang baboy, marami po kaming natutunan kung paano ang tamang proseso sa pag-gawa na magagamit namin kung sakaling gusto namin gumawa at magbenta para may pandagdag na kita habang kami ay nasa bahay ngayong may pandemya."
- Mrs. Dominga Cabutaje, Parent Leader ng Barangay Aguas, Rizal, Occidental Mindoro.
Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry, (75) Pitumput limang benepisyaryo ng programa, (3) tatlo sa mga ito ay for exiting na sa programa mula sa (11) labing isang barangay sa Bayan ng Rizal ang dumalo sa NSB Caravan cm Techno Demo on Meat Processing noong ika- 21, ng Hunyo taong kasulukuyan na ginanap sa Barangay Rumbang Covered Court sa pangunguna ni Ms. Veronica L. Pasion. Sa nasabing training ay maraming mga benepisyaryo ang natuwa at lubos ang pasasalamat dahil may mga bagong kaalaman silang natutunan na kanilang magagamit sa kanilang hanapbuhay. May pandemya man tayo na kinakaharap ay di matatapos ang pagbibigay ng tulong at kaalaman para sa mga benepisyaryo upang mapabuti ang kanilang pamumuhay sa mga darating na panahon. Ang aktibidad na ito ay resulta ng pakikipagugnayan sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng tulong at suporta ang mga benepisyaryo lalong higit ang mga benepisyaryong mag eexit na sa programa. Lubos po ang pasasalamat sa Department of Trade and Industry, LGU Rizal at sa iba pang ahensya ng gobyerno upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.