23/07/2026
Pagdiriwang ng Nutrition Month sa pamamagitan ng wastong nutrisyon at pangagalaga sa ating mga kabataan. Sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Center ng barangay Poblacion Itaas, Barangay Sto. Niño at Barangay Bagumbayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain, tamang pag-aalaga, at ligtas na kapaligiran bilang pundasyon ng malusog na paglaki at pag-unlad ng bawat bata.